Chasing Twenty Eight

20.7K 581 31
                                    

"I want in Mary Mediatrix Church. Doon kami kinasal ni Sheine." Sabi ng Ama ni Xandrei habang nakaupo sila sa malaking sala ng mga Buenaventura. Pormal na ang pamamanhikan nila.

Ngumiwi ang ama ni Mandie. Nagkatinginan sila ng kasintahan habang nakikinig lang sa matatanda. "Bakit doon? My wife and I was married in Saint John the Baptist Church. I suggest na doon nalang sila magpakasal since, unang anak ko ang magpapakasal."

"Excuse me. Unang anak ko rin ang magpapakasal. And my only Son." Sabi muli ng ama ni Xandrei. His younger sister, Alexandria Sheina was in New Jersey. Finishing her Medicine. Pero nangako naman si Xandria na darating siya sa mismong araw ng kasal nila ni Mandie since, Mandie personally picked her as her bride's maid. And Messy her best friend is her Maid of honor. Siya naman ay sina Caimiel ang napili niyang Groom's Men. Habang si Lumiere naman ang best man niya. All things was set except the date of the wedding and of course the church. Dahil hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin nila kung saan sila dapat magpakasal.

"I won't agree with that. Babae ang anak ko. Karapatan naming magdemand sa kung ano ang gusto namin and she's my only daughter. Giit ni Tito John. Hanggang ngayon ay nagpapasaringan pa rin ang dalawa. Na kahapon lang din ay pinag tatalunan nila kung kaninong amerikana ang dapat ay kapareha ni Chase sa araw ng kasal nila.

Hindi na nakatiis si Tita Amanda. Sumabat na ito. "Magsitigil nga kayo! Para kayong mga bata!"

Maging ang ina niya na nakaupo sa tabi ng daddy niya ay nakasimangot na din. "Abel hindi na bata si Xandrei at Mandie. Sila ang pipili kung saan nila gusto. At saka, hindi ba napagkasunduan niyo na 'yan noon?"

Gustong matawa ni Xandrei. Naalala niya noong bata pa sila. Narinig niyang pinapagalitan ng mommy niya ang daddy niya. Kasi daw nakipagkasundo ang ama niya kay tito John na papakasalan niya si Mandie. The Chubby little girl na noon ay palagi niyang gustong asarin ng asarin. "That was in the past! Pumayag lang ako dahil binantaan ako ni Buenaventura." Nagkatinginan si Tita Amanda at mommy niya saka sabay na nagkangitian.

"Wala nang maraming sagutan. First week of January ang kasal nila. And it's final!"

"Talagang isasakto mo pa sa birthday mo." Parungit muli ng ama niya.

"Because it's a lucky number! Para swertehin sila. Ganoong petsa din kami nagpakasal ni Amanda." Sabi ni Tito John.

Ibinaba ng ama niya ang hawak na tasa. Wala na iyong lamang kape. "Lahat nalang gusto mo pabor sayo. Una, you want my grandchild to grow like you. Dress like you. Act like you---."

"Correction Sandoval, Chase is my grandchild too. At ano ang gusto mo? Ikaw ang tularan niya? You were a manwhore during our times. Babaero at sira ang tuktok. Na kung hindi ka pa binalikan ni Sheine. Malamang sira pa rin ang ulo mo ngayon." Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Nanatiling nakamasid lang sila. Walang ayaw patalo sa dalawang nasa gulang na ng katandaan pero asal bata pa rin.

"And you are a saint. Ganoon ba?" Tumawa ito ng nakakatuya. "Eh si Amanda lang naman din ang nakapagpatino sayo hindi ba?"

Nag igting ang bagang ng dalawa. Maya maya'y parehong tumayo na ang dalawang babae. "Pareho kayong baliw!" Sabay si Tita Amanda at ang mommy niya na umalis ng salas. Sila naman ni Mandie ay nagkatinginan. "Mom.." Pero hindi na lumingon si Tita Amanda ng tawagin ito ni Mandie.

Hinawakan niya ito sa kamay. "Tara?"

"Saan tayo pupunta?" Bulong na tanong nito dahil hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang soon-to-be-magbalae.

"Magpaplano tayo ng atin. Hayaan na natin sila. Parehong isip bata." Tumayo sila at lumakad palabas ng bahay. Pagdating sila sa gate ay narinig nila ang boses ni Chase. May hila hila itong wagon na may lamang mga laruan.

"Sama... " He said. Unti unti na itong nanagalog dahil palaging kalaro si Alas.

Lumuhod siya sa harapan nito. "Stay here kiddo. May pupuntahan lang kami ni Mama."

"Where?" Makulit na tanong nito.

Huminga siya ng malalim. Chase is growing look like his Mama. Namana nito kay Mandie ang bilugang pisngi. "Diba sabi mo gusto mo ng baby sister. Your mama and I are going to make a new one. Diba gusto mo 'yon?"

Hinampas siya ni Mandie sa balikat. "Kung ano ano ang sinasabi mo kay Chase."

Pero ang anak nila ay namilog ang mga mata saka sunod sunod na tumango habang nakangiti. "I want baby Sis papa. Yey! I'm going to tell this to Jack!"

Ginulo niya ang buhok nito. "Go play with Alas again."

Humalik ito s akanilang dalawa. Pero muli na namang nagtanong. "When you and Mama gets back. Dala niyo na po ba ang baby sister ko?"

Doon siya natawa saka tiningala si Mandie na namumula ang mukha. Tumawa siya kay Chase. "Papa is a sharp shooter kaya sure ako, pag uwi namin buo na ang baby number two natin."

Pumalakpak pa ito. "Yey!"







To be continued...

-----

Sorry if hindi ako nakakapag UD. I have two reasons. 1st windang pa rin ako sa katatapos lang na MissU2017. Second, kailangan kong ipahinga ang mga daliri ko. Pasma na yata ang tawag dito sabi ng matatanda. O kulang lang ako sa B-Complex. Need kong ipahinga para makapagtrabaho ulit dahil baka sesantihin na ko ni Boss. Hindi ako kikita sa wattpad kaya nirest ko muna at least a day. Kaya pasensya na po kung medyo sabaw itong ud na ito. Tinatry ko lang magsulat kanina.

Maraming salamuch po sa lahat ng nagbabasa palagi at nagtatanong ng UD.

P. S
Sa hindi makagets nitong story.. Wag po natin pahirapan ang sarili natin. We can dispose this story naman sa library natin. Ayos lang yun guys..

Happy reading.
Ai:)

Chasing your LoveWhere stories live. Discover now