Chapter 11- Rebellious Fallen Angels

534 23 10
                                    


Nagtatalo ang isipan ko kung lalabas ako upang kumpirmahin ang nakita ko o mananatili sa kinatatayuan ko. Natatakot akong malaman na totoong nandito sya. Natatakot akong muling mapasakamay nya. I've been in the pit of hell with that demon once, and I never thought that there might be a chance that it will happen again. I thought I killed him. I thought I succeeded or maybe I did and I was just hallucinating.

Nangangatal akong humakbang palapit sa nakakawang na pintuan. Nanlalamig din ang buong katawan ko ngunit patuloy ang pagtulo ng aking malalamig na pawis na umaagos sa ilang sugat sa aking katawan.

Nang makarating ako sa labas at iginawi ang aking paningin sa dinaanan ng pigura na aking nakita ay tila nabunutan ako ng tinik.

"You're alive!" Masiglang wika niya nang makalapit sa akin. Gayunpaman ay hindi ko nagawang makasagot. Pinahina ng kaba at takot ang aking kapasidad na magsalita. Tila ba nasa paligid pa din ang taong nakita ko kanina.

"Hey, nasobrahan ka ba sa pampatulog o nasobrahan sa parusa ni Gavin?" Muli niyang wika.

"A man" I uttered while staring at the corridor. Hindi ko maintindihan kung paano ko itatanong sa kanya ang bagay na iyon.

"Vougn?" Muli niyang tanong at mababakas ang pag-aalala.

"Who's inside this building?" I finally asked. Tumingin din ito sa banda ng gusali na tinititigan ko. The man I saw might be in one of these rooms, but why am I looking for him? Natatakot akong harapin sya at malamang buhay pa nga siya ngunit hindi rin ako matahimik na hindi ko nalalaman ang totoo.

"Well, Gavin's goons and representatives of other organizations. They're here to discuss something important regarding business and other transactions. Seems like Gavin is strengthening his organization by leeching off the power of other organization." Komento ni Jason sabay lagay ng kamay nya sa bulsa ng suot na pantalon.

Nanatili akong nakatitig sa corridor at wala sa isip na inihahakbang ang mga paa tungo sa isang kwarto. Akala ko ay normal lamang ang itinuro sa akin ng aking ama. Na baka ibang paraan ng pangdidisiplina ang alam nya. Ngunit hindi ko mapapalampas ang ginawa nyang pagpaslang sa aking ina. Maisip ko lamang ang gabing iyon ay napupuno na ng puot at galit ang puso ko. Wala syang karapatang mabuhay. Hindi sya maaaring mabuhay pa. Iyon ang kapalit ng pagpatay nya kay Mama. The woman who has all the rights to live.

Kaagad akong hinarang ng mga tauhan ng mga taong nasa loob ng kwarto at kasalukuyang kausap ni Gavin.

"Get lost" Buong pagbabanta kong sabi. Yes, I am afraid to see him. Yes, I am afraid to confirm that he's still alive. Natatakot ako na wala muling magawa ng dahil sa takot, ngunit mayroon ding parte na gusto ko nang matapos ang lahat.

"You are not invinted." Wika ng isa sa kanila na may kalakihan ang katawan at bahagya akong inilayo ngunit hindi ako nagpatibag at muling nagpumilit na buksan ang pintuan. Nang tila mapikon ang isa sa kanila ay bumunot ito ng baril at itinutok sa akin.

"Woah Woah Woah, easy. Gavin won't be happy to hear that his guest will kill or will injure one of his men." Hinila ako ni Jason palayo sa mga ito ngunit wala ako sa tamang katinuan para magpasensya at mag-isip pa. Kaagad kong kinuha ang baril na pagmamay-ari ni Jason at walang dalawang-isip na itinutok ito sa kanila.

"Vougn, what the hell?" Akmang kukuhain ni Jason ang baril ng itutok ko ito sa kanya na kaagad nagpataas ng dalawa niyang kamay. Agad kong naramdaman ang pagkilos ng dalawang bantay ng pinto kaya't muli kong ibinaling sa kanila ang baril.

"I said get lost" Muli kong wika. Ikinasa ko ang baril ngunit hindi pa din nagpatalo ang dalawang lalaki sa aking harapan. Nagsukatan kami ng tingin ng isang lalaki lumapit sa aming direksyon.

The Psychopath's Son (On Going)Where stories live. Discover now