STBE - Fourty Nine

576 9 3
                                    

[A/N]: Fans, readers, ngayon lang ako nakapag-update after ilang months. :3 Nakastock lang sa laptop ko ang story na 'to. Ito na po update. Sana magustuhan nyo. Feel free to vote ang comment. Salamat po.  

Chapter 49

Pagkamulat ko ng mga mata ko, may nararamdaman akong malamig sa ilong ko. at may usok pa. hinawakan ko yun. kinapa-kapa. isang oxygen mask. dahan-dahan akong bumangon at umupo. inikot ko ang aking paningin. kulay puting mga pader. may cabinet. sofa at table. may isa pang kama sa gilid ko. isang kamang panghospital.

“Hospital?” nasa hospital ako? sino ang nagdala sa akin dito? bumukas ang pinto. isang nurse ang pumasok.

“Ate?”

“Oh, may masakit ba sa’yo?” tanong nya sa akin. umupo sya sa tabi ko.

“Wala naman.” bumuntong-hininga sya.

“Jusko, inday. buti na lang andyan ang kaibigan mo para iligtas ka.”

“Kaibigan? sino?” takang-taka kong tanong sa kanya. nagcurl ang labi nya.

“Si Drei.” K tinanggal ko bigla ang oxygen mask ko.

“Drei?”

“Oo.” s-si… Drei na naman ang nagligtas sa akin. akala ko… wala sya. hindi sya darating. nakailang tawag ako sa pangalan nya pero wala naman.

“Sasabihin ko ba toh kila daddy?” O_O

“Wag!”-niyugyog ko ang braso nya-“wag, ate! please!” pagmamakaawa ko sa kanya.

“At bakit?” taas kilay nyang tanong. yumuko ako’t pinaglaruan ang mga daliri ko.

“Ayokong… mag-alala sila.”

“Tst.”

“Please, ate. wag na.” niyakap nya ako.

“Oo. hindi na.” yey. J

“Paano nangyari sa’yo toh?” paano nga ba? ang alam ko lang may usok sa art room. nasuffocate ako.

“Wala akong alam. nasa art room lang ako nung oras na yun. may naamoy na lang akong gas. kumalat ang usok sa buong kwarto. hindi na ako makakita. hindi na makahinga. hanggang sa lumuhod ako’t nawalan na ng malay.” kumalas sya sa pagkakayakap.

“Buti talaga andyan si Drei. kung wala Sam, wala na. kaya pasalamatan mo sya. you owe him your life.” my life… pangalawang beses na nya akong niligtas. paano na lang pala kung wala si Drei. siguro, matagal na akong kinuha ni Lord. sino ba kasing may gawa nito? napakahayop ng ugali nya para gawin sa akin toh!

Melissa?

si Melissa kaya ang may gawa nito? parang hindi kapani-paniwala na kaya nyang gawin toh sa akin. na kaya nya akong patayin. ayoko namang akusahan agad sya pero… hindi ba’t sya tong galit na galit sa akin? wala naman akong kilalang iba na may galit sa akin kundi si Melissa lang.

kinagabihan, na-discharge na ako ng hospital. bago ako umalis, pinangako ko si ate na hindi nya toh sasabihin kila mommy at daddy. nangako naman sya. sana nga tuparin nya yun. umuwi ako ng condo. at si Drei ang naghatid sa akin. wala naman akong magagawa. pinahatid ako ni ate sa kanya eh. pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. hinawakan ang dalawa kong kamay para alalayan ako sa pagbaba. kaharap ko na sya ngayon.

 “Drei…” nakayuko ako.

“Pangalawang beses mo ng niligtas ang buhay ko.”-seryoso ang boses ko-“una, nung muntik na akong mabangga. at ito… ngayon. lagi kang nasa tabi ko. hindi…”-naluluha ako-“hindi mo ako iniwan. kung sabihin ko sa’yo ngayon na salamat … sa tingin ko, hindi sapat yun. hindi sapat ang pagpapasalamat ko. so, Drei… sabihin mo lang kung anong gusto mo. gagawin ko. para naman makabawi ako sa’yo. para masuklian naman kita. hindi ko ata tanggap na…”-huminga ako ng malalim-“lagi na lang ikaw ang may ginagawa para sa akin. gusto ko… ako naman. ako naman ang may gagawin para sa’yo.” (nakakunot ang noo) hinawakan nya ako sa balikat. at itinaas ang chin ko ng isang kamay. nagkasalubong ang aming mga mata.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Where stories live. Discover now