STBE - Fifty Seven

415 7 1
                                    

CHAPTER 57

Malapit ng ang exams namin! the day after tomorrow na! nako. 

“Sam, pahiram naman ng notes sa Physics oh.” sabi ni Viv. 

“Ok.” kinuha ko sa bag ang notebook ko’t binigay sa kanya. 

“T.Y.” 

Maya-maya…

“Hi, Viv! musta na?” dumating si Nathan. kinuha ba naman ang upuan sa harap ko’t umupo sa harap ni Viv. 

“Wag mo akong istorbohin.” ohow. ang taray?

“Viv naman. nangangamusta lang naman eh.” sabi nyang nangamot ng ulo. tumigil sa pagsusulat si Viv.

“Gusto mo malaman?”

“Oo naman.”

“Ok. kumukulo ang dugo ko ngayon… dahil sa’yo. kaya umalis ka na, Nathan. pwede?” haaaays. sobra ang katarayan. hindi naman talaga mataray itong si Viv. pero bakit tinatarayan si Nathan? ilang beses na toh ah. may nahahalata na ako.

“Ikaw naman! cool ka lang!” biro ni Nathan. umiling-iling na lang ako. ang kulet nila. bahala na nga sila dyan. 

“Uy, Sam. may pinuntahan lang saglit si Drei.”

“Ah. ok.” 

Hmm. mamaya pa siguro si Drei. paano ba toh. nabobored ako dito sa cafeteria. parang may lugar akong gustong puntahan. saan kaya pwede. ah! alam ko na. matagal-tagal ko na rin hindi napupuntahan ang lugar na yun. delikado man pero basta. tumayo na ako.

“Sam! saan ka pupunta? wag mo akong iwanan dito oh!” tsk. tsk. tsk. tingnan mo tong si Viv, takot na takot maiwanan. :))

“Saglit lang! babalik rin ako.” tinalikuran ko na sya.

“Huh! uy! uy! uy!” hindi ko pinansin. ngumiti akong palihim. hehe. natatawa talaga ako sa reaction ni Viv.

“Antae. Viv, para namang kakainin kita.” natawa lalo ako sa sinabi ni Nathan. kahit medyo malayo na ako, narinig ko ang sinabi nya.

Nakalabas na rin ako sa cafeteria. tapos eksakto namang, papasok sila Melissa. ang lalandi ng mga tawa. pero nung nakita ako, eh biglang tumigil sa pagtawa at inirapan ako. 

“You’re already dating Andy, tapos may iba ka palang lalaki?” huh? napalingon ako sa kanila. pero nakapasok na sila sa loob ng cafeteria. anong sinabi nya?! I am already dating Drei tapos… tapos… :| aish! ewan! never mind. 

Andito na ako. alam kong nadisgrasya na ako dati sa lugar na toh. pero… gusto ko paring puntahan. curious ako, kung ang babaeng yun ay ini-sketch pa rin ni James. pumasok na ako sa loob. madilim. pero may kaunting liwanag sa loob dahil sa nakabukas ang bintana sa right side. lumapit ako dun. haaay. ang sarap ng hangin. sinubukan kong sumilip sa labas. hmm. walang tao. buti naman. magsisimula na akong tumingin-tingin ng mga artworks nila. 

una kong tiningnan ang painting na nakatapat lang sa bintana. pinagmasdan ko.

unti-unting kumunot ang noo ko. pamilyar sa akin ang lugar na ginuhit. isa syang fountain... fountain lang talaga. wala ng iba. naalala ko tuloy ang pinuntahan namin ni James kagabi. teka… oo nga! tumingin ako sa ilalim na parte ng drawing. 

walang pangalan. o signature man lang. sa di malamang dahilan, medyo nalungkot ako. weird! tst. iniiexpect ko bang si James ang may gawa nito? tss. bakit nga ba? eh hindi naman guguhit yun ng iba pa except ang girlfriend nya. :\ nako! titingin na nga lang ako sa iba. hindi siguro yun ang artwork ni James. baka iba. sige hahanapin ko.  

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon