STBE - Eight

733 13 0
                                    

CHAPTER 8

Mabilis lumipas ang araw. Friday na ngayon. Kaming magbbestfriends, ganun pa rin naman. Magkakasama pa rin. Si Drei, nakahanap na ng barkada. At sila Nathan, Chris, at Rico yun. good for him. Mga pormal naman yung tatlong yun. I mean disiplinado. Di tulad ng iba na, you know. And mas nagiging close na kami ni Drei ngayon kahit ba may barkada na sya. At paguwian, minsan sinasamahan nya ako sa music room. Tutugtog ako ng mga kinompose ko, sya naman maggigitara o di kaya naman sasabayan ako sa pagppiano. Napapadalas na rin ang pagpunta ko sa art room. Hindi naman bawal eh. Ang dami kong nakikitang mga display na paintings at drawings which is, as far as a know, students ang may gawa nun. Ang pinaka-nagustuhan ko lagi dun ay ung drawings ni s04. Pero di ko sya kilala. Ang theme nya lagi kasi is ung, boy and a girl na laging magkasama o di kaya naman nagsosolo ung girl then nakaupo o malayo ang tingin. Yung parang ganun. Ang ganda tingnan. Simple lang. At hindi ka talaga magsasawa na tingnan.

About sa school, ayun. nagsisimula ng magbigay ng application forms para sa mga running candidates sa SC, ang advance nga eh. Anyway, Tumakbo akong Treasurer. Si Drei naman ay nagtry sa Auditor. Si Viv, sa P.R.O.

At yung tungkol sa bukol ko naman, ewan ko. lalo atang lumala. Dahil nagkabruise! Pambihira?! I think sa dahil sa malakas na impact yun. pero maliit lang naman. Malapit ng mawala. I’m sure nagkapasa rin si James. Haay. I admit, kasalanan ko na. dahil basta-basta na lang akong lumiko nun. But at least hindi kitang may bruise ako dahil pumunta ako sa parlor the day after nung incident(sa gabi ako nagpagupit). Eh pero nakakahiya pa rin dahil nung umagang pumasok ako, baka nakita kahit na tinakpan ko ng hair ko. Pero never mind na nga lang. basta may bangs na akong pampatakip ng bukol at new haircut. Oh diba?

Nandito kami ngayon ni Drei sa bleachers ng soccer field. Pinapanood namin ang mga juniors maglaro ng soccer dahil uwian naman na. di na ako pumunta sa music room. Next time na lang.

“Umuwi na sila Viv at Rene?” tanong nya sa akin habang umiinom ng tubig.

“As usual, Oo.” 

Inangat ko ng kaunti ung bangs ko para magpunas ng pawis sa noo ko ng…

“Ouch.” I hissed. Napatingin naman sya sa akin.

“Oh. Bakit?” I pointed my bruise sa noo. Nakalimutan kong may pasa pa pala ako sa noo. Asar na pawis kasi toh.

“Tsk. Kasi naman. Di ka nag-iingat. Patingin nga.” Inangat nya ung bangs ko’t kinuha ung panyo ko. at alam nyo ba kung ano ang ginawa?! Dahan-dahan nyang pinunasan ang noo ko. While me, I was stunned. Napatitig ako sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Ayan. Ok na.” sabi nya. samantalang ako, napayuko na lang. ang dami ko pang naririnig na…

“Wow. Ang sweet nilang dalawa.” “Ano ba yan. Ang swerte naman nyan ni ate Sam.” “Haays. Sana ako na lang sya.” “Nako. Sana ganyan na lang si Mark.”

Tignan nyo, nakakaloka noh? Ang adik ng mga taong toh.

“Hmm. Thanks.” Tapos tiningnan ko na sya. Hindi sya nagreply by words but by action. Nagaction sya sa kamay nya sa sign language ng letter W. at gets ko na yun. it means WELCOME.

Paalis na kami sa bleachers dahil uuwi na ako. Este kaming dalawa pala.

“Nasaan naman na yung mga barkada mo?” tanong ko.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon