STBE - Twenty One

674 7 0
                                    

CHAPTER 21

Nagusap lang kami nun habang nagmemeryenda. About sa school yung pinaguusapan namin tapos tinanong ko rin kay mommy kung bakit sinabi nya kay Ma'am Lea yung tungkol sa engagement. Tumawa lang sya. Haaay nako.  

Nung naubos ko na yung blueberry pie na hinanda ni Manang Lyn, nagpaalam na ako kila mommy dahil nga sa pupunta na ako ng condo.  

"Sige, magiingat ka. Tawagan mo na lang kami." Sabi ni mommy.  

"Opo." Nagkiss ako sa cheeks nila't bumaba na ako para hanapin si Ate.  

Pagbaba ko, wala naman sya nun. Hinanap ko sa kusina pero wala rin. Si Manang Lyn na naman ang nakita ko. Nagwawalis. Sipag talaga ni manang!  

"Naka naman! Sipag talaga ni manang." Sabi ko na nakasandal sa may gilid ng kitchen door.  

"Nakoo! Syempre!" tumawa kaming dalawa.  

"Manang, may blueberry pa ba? Ang sarap eh gusto ko magbaon." Ang sarap talaga eh. magaling talaga si manang magluto at magbake.  

"Oh sige ba! Babalutan kita. Meron pang natira. Ilan gusto mo?" binuksan nya ung ref at nilabas ung pie.  

"Hmm."-Nagisip-isip ako na nakalagay ung fingers ko sa baba ko-"pwede tatlo?"  

"Oo naman. Tamang-tama oh, may apat na natira."-sinilip ko-"tatlo sa'yo. Isa kay manong Joel. Di pa kasi nakakain yun."  

"Sige po! Pakibalot na lang po tapos babalikan ko. Hanapin ko lang si ate."  

"Sige, sige." Tapos tumalikod na ako. Tiningnan ko yung watch ko, mag4:30 na. pinuntahan ko si ate sa room. Baka kasi andun sya. Kumatok ako.  

"Pasok!" sabi nya. Binuksan ko ang pinto. Nakadapa sya sa kama nya, nagbabasa ng magazine. Nilingon nya ako.  

"Te! Alis na ako."  

"Di ka magdidinner dito?" umiling ako.  

"Ganun? Ge. Ingat."  

"Yun lang?" tumaas kilay nya.  

"Ano gusto mo? Ingat baby sis! Mamimiss kita! Bumalik ka ha?!" sabi nyang nag-aacting na umiiyak.  

"Loka!" sabi kong napatawa. Umiling-iling naman sya na tumatawa rin.  

"Sige! Bye!" Sinara ko na pinto nya. Bababa na sana ako ng maalala kong, puntahan rin ang kwarto ko. Katabi lang ng room ni ate.  

Pagpasok ko. Maaliwalas ang room. Nakabukas kasi ang kurtina. Tiningnan ko muna ang paligid. Binuksan ko ang ilaw. Sinarado ang pinto. Saka ko pinuntahan ung memory box ko na nasa ilalim ng kama ko. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi.  

Kinuha ko yung susi ng box sa loob ng picture frame ko na nasa sidetable ko naman. Dun ko tinatago ang susing yun. Walang ibang nakakaalam. Nung nakuha ko na, kinuha ko yung box sa ilalim. Huminga muna ako ng malalim. Saka ko inikot ang susi't at nagbukas. Dahan-dahan kong binuksan.  

Kitang-kita ko yung mga roses na sobrang tuyo na't may card na nakaipit. pumikit ako ng saglit saka pumasok sa isipan ko ang pangyayaring toh.  

*FLASHBACK*  

May nagtakip ng mga mata ko. Hinawakan ko kung kaninong kamay yun.  

"Kaw ba yan?" tanong ko. Hindi sya sumagot.  

"Naman eh! sagutin mo!" sabi ko. Dahan-dahan ko namang naramdaman ng nagloose na ung pagkakatakip nya sa mga mata ko.  

"Tadaa!" biglang nagappear sa harap ko ang tatlong rose na nakabalot pa talaga. At may card. Nasa likod ko pa rin sya.  

"Happy Valentines!" bati nya sa akin. Natuwa ako.  

"Salamat." Sabi ko. Kinuha ko yung roses sa kanya. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. At alam kong sya yun.  

"Nagustuhan mo ba?" bulong nya sa akin. Tumango ako. Sumunod, hinarap nya ako sa kanya't niyakap. Isang kamay nya nasa likod ko. At nasa ulo ko naman ang isa pa para maglean ako sa kanya.  

*END*  

Binuksan ko ang mga mata ko. Kinuha ko ang mga roses at binasa ang card. Andun pa rin ang handwriting nya. Kahit na unti-unti ng nagffade ang kulay. Binasa ko yun. At ang nakalagay...  

Happy Valentines! I Love You...  

Love,

"I-i."mangiyak-ngiyak halos ako sa pagbanggit. Hindi ko mabanggit ang pangalan nya. Pero di ako umiyak. Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa laman ng box. Nakita ko yung isang teddy bear na may hawak na red heart. Binalik ko yung roses at kinuha yun. In-on ko yung switch sa ilalim ng bear. At pagkatapos pinindot ko yung gitna ng heart. May nagsabing, HAPPY BIRTHDAY. I LOVE YOU.  

Napangiti ako nung narinig ko yun.  

*FLASHBACK*  

16th Birthday ko pa naman din nun, pero umalis ako ng bahay dahil nagtampo ako kila mommy. Hindi nila naalala ang birthday ko dahil sa lagi silang nagoovertime sa work nila.  

Pumunta ako ng playground nun which is dito lang rin sa loob ng village namin. Walang tao sa playground, ako lang mag-isa. Umupo ako sa swing.  

"Magmumukmok ka na lang ba dyan?" tanong sa akin ng lalaking nasa likod ko. Alam ko kung sino sya. Kaya hindi ko na nilingon.  

"Diba sabi ko sa'yo, ayoko kong nakikita kitang nalulungkot dahil nalulungkot rin ako." Seryoso ang boses nya. Hindi pa rin ako sumagot. Nakayuko lang ako nun. Maya-maya, inangat nya ang mukha ko. Nasa harap ko na pala sya.  

"Ngumiti ka na. Birthday mo po naman." Sabi nya. (Nakabend ung isa nyang tuhod nun tapos yung isang tuhod nya naman nakasupport para di sya matumba. At yung right na kamay nya, nakasampa dun sa tuhod nya.)  

Ngumiti ako. Masaya ako't nandito sya sa tabi. Sya lang ang nakakapagpasaya sa akin pagmalungkot ako.  

"Yan. So, ready ka na ba?" nakangiti sya.  

"Saan?"  

"Basta. Sagutin mo na lang." matagal ako bago sumagot. Tumango lang ako. Lalo syang ngumiti. At may kinuha naman sya sa likod ko.  

"Happy Birthday." Pinakita nya sa akin ang isang paper bag. Tinanggap ko ang bigay nya.  

"Buksan mo." Binuksan ko naman. At isang teddy bear ang nasa loob na may hawak na red heart. Tumingin ako sa kanya.  

"I like it. It's nice." Sabi ko. Kinuha nya sa akin yung bear at may pinindot sa ilalim nito.  

"Pindutin mo." Tinuro nya yung gitna ng heart. Pinindot ko naman. Narining kong nagsalita... HAPPY BIRTHDAY. I LOVE YOU.  

"Happy Birthday. I Love you." Ginaya nya yung sinabi ng bear. Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko sya. Kaya naman nahulog ako sa swing. Natumba naman sya pero di naman kami napahiga. wala akong pakialam. Gusto ko lang sya mayakap. Niyakap nya rin ako.  

"Thank You." Sabi ko. Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.  

*END*  

Tinitigan ko lang ang bear na bigay nya. Gusto ng tumulo ng luha ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko na wag umiyak.  

"Sam, wag kang umiyak. WAG." Sabi ko sa sarili ko na pinapaypayan ng mga mata ko gamit ang aking kamay.  

Sinarado ko na ang box. At ni-lock ko. Di ko na kayang tingnan ang lahat ng nasa loob nun.  

Tinago ko na ulit ang box sa ilalim ng kama. Ilalagay ko na sana ulit ung susi sa likod ng frame pero naisipan kong dalhin ito sa seaside. Mahirap na, baka mabuksan nila ito dito. Tinago ko ang susi sa pocket ko't kinuha ulit ang box.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Where stories live. Discover now