STBE - Twenty Seven

462 8 0
                                    

CHAPTER 27

Napabangon ako bigla sa kama. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hinahabol ko ang aking hininga. Naririnig ko pa rin ang mga salitang yun sa tainga ko.  

"H-h-hindi." May halong takot at nginig ang boses ko. Kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pero agad ko ring pinunasan. Sus! Isang masamang panaginip lang yun. Masama. Yun nga lang, parang totoo. Na-carried away tuloy ako.  

Kinalma ko ng saglit ang sarili ko. Ng kalmado na, ngumiti ako. Sumunod, pumikit na lang mga mata ko.  

"Panaginip. Isang panaginip."

"Ohh. Ba't ganyan itsura mo? Parang di maipinta." Sabi ni Viv. Umiling ako.  

"Anong wala?"  

"Wala nga. Masakit lang ulo ko." Sabi ko habang nagcocopy ng notes sa board.  

"Bahala ka na nga." Tinalikuran nya ako.  

"Ay nako. Si strawberry shake girl." Uhh, ok? Ano na naman kailangan ng bruhang toh? Sino pa nga ba tinutukoy ko? Eh di si Melissa.  

Umupo sya sa gilid ko na table.  

"Alam mo.. ang tanga mo! Natapunan mo pa ang Mr. Popular namin!" banat sa akin ni Melissa.  

"Kaya nga!" sabat naman nitong ni Jessa na alagad rin nya. Tumatawa-tawa naman tong si Cyrinne. Hindi ko na lang sila pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagcocopy ng notes. Tapos si Viv naman humarap sa kanila.  

"Alam nyo.. kung ako sa inyo, itikom nyo na lang ang bibig nyo. Kung ayaw nyong stapelerin ko yan!" napatawa ako ng kaunti. (staplerin=staple)  

"Anong tinatawa-tawa mo?" hindi ko sya pinansin.  

"Hoy!"-nilapag ni Cyrinne yung kamay nya sa table ko-"Kinakausap ka ni Issa!"  

"Wag nyo na ngang guluhin si Sam!" Pinagtatanggol ako ni Viv.  

"Tumahimik ka nga! Hindi ikaw ang kinakausap namin." Sabi ni Jessa. Biglang tumayo si Viv at hinarap yung si Jessa. Ako naman, tiningan ko ang paligid ko. Kami lang ang tao. Naglunch na kasi yung iba. Kasama na rin si Drei at ang barkada nya.  

"Kayo ang tumahimik! Ano bang gusto nyo? Ba't ba kayo nanggugulo?!"  

"Wag kang makialam dito!" biglang tinulak nitong ni Jessa si Viv at pinaupo. now, what? Napupuno na talaga ako. Ano bang paki ng mga ipokretang toh? Idadamay pa nila ang kaibigan ko.  

"Ano bang gusto nyong mangyari ha?" sabi kong nililigpit ang mga gamit ko sa bag.  

"Yan! Nagsalita ka rin. Akala naman pipe ka eh!" nang-aasar ang boses ni Melissa. Tumawa silang tatlo.  

"Ganun ba? Ako nga rin eh. Akala ko mga manok kayo. Kasi... PUTAK.. KAYO.. NG.. PUTAK..." sabi ko sa seryosong tono ng boses. Napanganga sila sa sinabi ko.  

"Ang kapal mo rin noh!" sabay hawak nya sa t-shirt ko. sa taas na part.  

Di ko akalaing gagawin nya yun.  

"Bitawan nyo ako." Tumatawa nung dalawa.  

"Sabing bitawan nyo eh!" sigaw ni Viv. Pilit syang kumakawala sa pagkakahawak sa kanya nila Jessa at Cyrinne.  

"Gusto mo siguro syang landiin noh?" Landiin? Sino? Si James? Eh gaga ka pala eh! Makitid utak mo!  

"Hmm. Ano na? Replacement ba si James kay Iva-"  

PAK!  

I slapped her. Wala syang karapatan na sabihin sa akin yuun!  

"Huh!" hinawakan nya yung pisngi nyang sinampal ko kasabay ang pagbitaw ng kamay nya sa t-shirt ko. Nilapitan sya nung dalawa.  

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon