STBE - Fourty Three

380 6 0
                                    

CHAPTER 43

Dumilat ako sa gulat. lumakas ang kalabog ng dibdib ko. ang boses na yun… tumingala ako. Si… James. napalunok ako ng malalim. bakit ganun? hindi ko pa nadidilat ang mga mata ko pero sya na ang… ang… aish! hindi. hindi totoo yun. imposibleng si James ang para sa akin. napakalayo. iisa lang ang lalaking alam ko na para sa akin, at SYA lang yun. SYA.

“Kanina ka pa dito?”

“Hindi naman.” di ako makatingin sa kanya. lumuhod sya sa harap ko na nakaupo.

“Oh.“pinakita nya sa akin ang paper bag ng cocktail dress. tinaasan ko sya ng kilay.

“Anong gagawin ko dyan?” pinahawak nya sa akin ang paper bag ng sapilitan. tapos huminga sya sa ng malalim ng nakayuko. tiningnan nya ako ulit.

“Be my date.” napanganga ako.

“Huh?” teka, teka. nagbibingi-bingihan na naman ata ako. alam ko, rinig na rinig ko ang sinabi nya.

“Ha-ha-ha!”-sarcastic ang pagkatawa ko-“nice joke, James!” tumayo ako’t nilapag sa harap nya ang paper bag. naglalakad na ako papasok ulit ng mall.

“Kailangan ko ng ka-date ngayon!” malakas ang boses nya. nagsitinginan ang mga taong dumadaan. nakoo. ito na naman po tayo.

“Kailangan? I don’t think so.” so, kailangan lang pala nya ha. 

“Ayaw mo talaga?”

“Ayoko.” that’s final!

“Ok. sabi mo eh. ngayon, magiging maid na kita sa bahay.” O_O

Pumikit ako saglit at bumuntong-hininga. heller? ayoko ngang maging maid nya noh! sino sya para maging utusan ako? tch!

“Ayoko nga!” sabi kong hinarap sya. nakaharap na rin sya sa akin.

“Then, pumayag ka ng maging ka-date ko.” 

“Hindi! Hindi! Hindi!” hindi talaga ako papayag! bakit? basta ayoko. 

dumating kami sa bahay ng walang kibuan. Paakyat na ako nung hinawakan nya ako sa braso.

“Saan ka pupunta?”

“Eh di saan pa? sa kwarto!” inalis ko ang braso ko sa pagkakahawak nya’t humakbang paakyat uli. kaso hinawakan na naman nya ako.

“Sabi mo ayaw mong maging date ko. So, ngayon magiging maid na kita.”

“Hay, James! tigilan mo nga ako sa kalokohan mo.” inalis ko ulit.

“Uulitin ko… papayag ka ba o hindi?” walang isip-isip pa. sagot ko?

“Hindi.” hindi na sya sumagot pa kundi umakyat na sa taas. 

“Bukas na bukas, mag-umpisa ka ng maglinis ng bahay.” O_O argh. the nerve talaga! pakialam ko ba. 

nahirapan tuloy akong makatulog ngayon. hindi dahil sa pinoproblema ko ang pagiging maid ko bukas o ang pagyaya sa akin ni James na maging ka-date nya. wala naman akong pakialam dun. tanging pakialam ko lang ang nangyari kanina sa fountain. kahit sabihin kong wala akong paki, pero may paki pa rin ako.

 “Sus, Sam! wag mo na nga yan isipin. hindi naman totoo. diba hello kitty?” tanong ko sa kanya na yakap-yakap ko. baliw ba? what can I do, si Sam toh eh. isang BANGAG.

“Linisin mo ang buong bahay except lang ang kwarto ko. wag mo yun pakikialaman.” utos nya sa aking nagbabasa ng magazine. nakapatong pa ang mga paa nya sa center table. pinadulas ko ang kamay ko sa  mukha. i can’t believe this. inuutusan nya ako.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Where stories live. Discover now