STBE - Sixty

466 16 3
                                    

 CHAPTER 60 

“Kain muna tayo?” Magandang ideya yan! Gutom na ako.

“Ok.” sabi kong nakangisi.

“Saan mo gusto?”

“Kahit saan.” 

So, dinala ako ni Drei sa Chowking. Restaurant in the street ba. Sabay kaming nag-order. At parehas kami ng inorder. Since, hapon naman na… kailangan miryenda, kaya naghalo-halo na lang kami. Parehas na regular size lang. 

“P126 po.” sabi ng clerk. 

“Ito po.” nagkatinginan kami ni Drei. Paano ba naman kasi, sabay kaming nag-abot ng pera. Alam ko namang ililibre nya ako pero nahihiya naman ako. Dapat ako naman. 

“Kunin mo na ito.” sabi ni Drei sa clerk.

“Ay nako, miss! Wag na. Akin na lang.” sabi ko. 

“A… e… kanino po ba talaga?” gulong-gulo na si Miss Clerk.

“Sa akin!” inilapag ko ang pera. Tapos binawi ko ang kamay ni Drei. Natawa na lang sya. 

Si Drei ang nagdala ng tray. Sa baba sana kami ppwesto pero occupied na lahat ng tables kaya sa taas na lang. Pagdating namin dito, occupied na rin. Grabe toh. Daming tao. No choice, kaya sa may balcony na lang kami. Paglabas namin, tamang-tamang may tatlong babae kaming nasalubong. At kilala ko sila.

“Oh, may date pala kayo ni Andy.”-nagngiting aso sya-“Baka next time may iba ka ng kasama ha?” medyo kumunot ang noo ko. At anong pinagsasabi ng Melissa na toh?

Jessa & Cyrine: “Kaya nga.” Di na lang ako nagsalita. 

“Sige, enjoy your date.” *evil smile* Tss. Umalis na sila. Si dinami-daming Chowking na branch, bakit dito pa? Never mind. 

Umupo na kami ni Drei. Sinerve nya sa akin ang halo-halo.

“Ginugulo ka pa rin ba ng mga yun?” tanong nya.

“Hindi na.”

“Ah. Sabihin mo sa akin pag ginulo ka pa ha? Uupakan ko sila.” :)) Bigla akong napatawa sa sinabi ni Drei. Sya? Mang-uupak? Kung mangyari man yun, ibang Drei na ata yun.

“Oh bakit ka tumatawa?” 

“Eh kasi…”

“Kasi ano?” tawa lang ako ng tawa. Di ko kasi mapigilan.

Ayan. tumigil na ako. 

“Bakit nga?”

“Eh kasi…”

“Kasi iniisip mo na di ko kayang gawin yun?” Hmm. Tama sya. Tumango ako. 

“Kaya kong gawin yun. Kakayanin ko para sa’yo.” Napatigil ako sa pagsubo ng halo-halo ko. Tiningnan ko sya. Nakangiti sa akin. Ngumiti na lang rin ako. Tapos itinuloy na ang pagkain. Masaya kaming nagkkwentuhan. Grabe, ang daldal rin pala ni Drei. Parang ngayon lang sya naging madaldal. Habang nagkkwento sya, di ko maiwasang lumipad ang utak ko. Naiisip ko kasi na… parang sya si Ivan. Magkahawig na magkahawig ang ugali. Mabait, tahimik, gentleman, at mapagkumbaba. Sa totoo lang, sa ngayong panahon, mahirap makahanap ng lalaking tulad nila. Ang iba kasi mga barumbado na, arogante, mga playboy. Tst. Gaya ni James. Nakoo! Nakakainis talaga yun! Na—

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon