The Secret Agent: End Game

Začať od začiatku
                                    


"Yup! Ang tito niya ang nagme-may ari ng isang company na nag-invest sa Kuya ko." Paliwanag nito, alam kong nililihis niya lang ang isyu at alam kong isa lang 'to sa tinatago niya sa'kin.


Alam kong hindi ako babae pero malakas ang kutob ko..


"Ayan lang ba ang sasabihin mo?" Masuspetsa kong tanong rito at tsaka kumunot ang ulo nito. "May iba pa ba dapat? Isang linggo na yang pagsususpetsa mo sa'kin ah, nakakasawa na." Medyo irita ng sagot nito sa'kin.


Nanahimik kaming pareho habang siya ay nagsimula ng magmaneho. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana ng kotse. Habang pinagmamasdan ko ang mga view sa labas ng bintana, naisip ko muli ang pamilya ko. Kumusta na kaya si Nanay at Tatay at ang kapatid ko? Kahit na alam kong baka nasa panganib sila umaasa pa rin akong nasa mabuti silang kalagayan. Siguro naman hindi masama ang umasa sa ganoon.


Basta sana ligtas sila, kontento na ako doon.


**


Dumating kami sa bahay ng mga Dela Fuente ng halos alas-tres nang hapon. Wala pa rin naman nagbago pero nakita ko ang isang bakla sa labas ng pintuan. Nakasuot ito ng kulay violet na ¾ at jeans na sobrang hapit. Habang unti-unti kong itong namukhaan at siya pala yung kahalikan ni Paulo Dela Fuente noong boy ako rito.


"Bakit nasa pintuan ka, Jade?" Wika ni Ahron at sumimangot ito.


"Si Paulo po kasi ayaw pa lumabas ng bahay. Ayaw niya rin namang magpapasok, may sumpong na naman." Sumbong nito pero natawa lang si Ahron at pati ako ay napangiti rin.


"Hayaan mo lang, sumabay ka na sa'ming pumasok at suyuin mo ang mokong doon sa kwarto niya." Resolba ni Ahron at napatango na lang yung Jade at tsaka kami pumasok tatlo sa pintuan.


Naiwan kaming dalawa ni Ahron sa salas at wala pa ring pansinan ang naganap sa amin. Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng pasensya sa kanya dahil sa pagiging makulit ko o ano.


"May aasikasuhin muna ako sa DOS kaya baka mamayang gabi pa ako makabalik dito sa bahay." Paalam nito sa'kin bago siya umakyat ng hagdanan. Sumabay na rin ako dito dahil alam ko naman na sa kwarto niya kami pupunta.


Wala pa ring pansinan sa pagitan naming dalawa sa loob ng kwarto. Kanina kung kinumbinsi niya akong ayun lang ang hindi niya sinasabi na patungkol kay Rain edi sana maniniwala na ako.


Pumasok na ito sa banyo at nakagawian niya ng iwanan ang cellphone niya sa bag na dinadala niya sa DOS. Naisip ko na hindi naman siguro masama na kuhanin ang cellphone niya at magkunwari na lang na nakalimutan niya dito sa kwarto.


Alam kong masama pero hindi rin ba 'to gagawin kapag pamilya mo na ang nakasalalay dito?


Mabilis pa sa daga kong kinuha ang cellphone nito na nasa bag at tsaka lagay sa bulsa ng suot kong pantalon. Mabuti na lang at alam ko ang password ng cellphone nito dahil minsanan niya itong pinagamit sa'kin.

The Secret Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now