"Hooo! Ang init! Kaso mukhang masungit mars! Hindi tayo makakapagpa-autograph!" takang taka ako sa pinag-uusapan nila. Bakit ba sila magpapa-autograph sa kasama ko? May utang ba sila kay pogi?

"Psst! Mga mare!" tawag ko sa kanila. Tumaas naman ang mga kilay nila, "Hindi naman masungit si pogi! Grabe kayong manghusga!" sita ko sa kanilang dalawa.

Sabi ni inay masama daw ang pag-usapan ang isang tao lalo na daw kung wala namang ginagawang masama. At ayun nga ang dahilan kung bakit ko nilapitan ang dalawang tsismosa na 'to. Para pagsabihan sila at makipagkwentuhan na din.

"At sino ka naman?" mataray na tanong ni ateng naka-pink. Aba matinde! Kung makapagtaas ng kilay akala mo ay aabot sa tuktok ng bulubundukin sa may probinsya namin.

"Ako si Eumice Sevilla!" nagpose pa ako na pangmodel.

"Di ko tinatanong yung pangalan mo. So kaano ano mo si Dominique?" tanong sa akin ni ate. Puro ata may sira sa ulo ang tao dito sa villa-- baranggay nila pogi. Noong una sino daw ako tapos sinabi ko naman yung pangalan ko tapos sasabihin na hindi tinatanong. Aba matinde!

"Kasama n'ya ako sa bahay. We're close!" pagmamayabang ko sa kanilang dalawa. Nagulat ako noong dumikit sa akin yung dalawa. Kinapitan nila ako sa parehong braso ko.

"Omz! Sure ka ba jan ganda?! Hihihi! Pa-autograph naman kami!" itinuro ni mareng naka-pink si Dominique na busy sa kakapunas ng pawis n'ya. "Grabe! Ang hot talaga! Ang swerte mo girl!"

"Later na lang hah? Magluluto pa nga pala ako. Byebye mga mars!" narinig ko pa sila na tinatawag ang pangalan ko kaso hindi ko na sila nilingon.

Swerte daw ako? Sa bagay..palasyo ang tinitirahan ko. Tapos may kasama pa akong lalaki na ubod ng gwapo..

"Why are you following me?" binuksan n'ya ang gate kaya naman ay sumunod na din ako.

"Nag-exercise din! Hehe!" nagpeace sign na lang ako.Tumigil s'ya sa paglalakad papasok ng palasyo.

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Tapos mula paa papunta ulo ko ulit.

"Ano na naman pogi?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Minsan talaga ay hindi ko maipaliwanag ang trip ni pogi, minsan kasi ay seryoso, minsan naman ay nangingiti pero bihira lang 'yun. Pero sa lahat ng nabanggit ko, lagi s'yang seryoso at hindi makausap.

"Jogging? While you are wearing a pajama? Tss!" iniwanan na naman n'ya ako mag-isa. Tiningnan ko naman ang suot ko.

Isang hello kitty na pajama. Nakapantulog din akong damit at naka-bun naman ang buhok ko. Anong masama dito?

"Wait!" tawag ko sa kanya. Tumigil s'ya sa pagbubukas ng malaking silver na kahon. Ay yung ref pala! "Anong masama sa suot ko?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw nga tingnan mo suot mo! Ang ikli ng short mo! Kitang kita ko na yung hita mo! Ikaw na may maputing hita! Ano pa ba...?" inilagay ko pa ang hintuturo ko sa pisngi ko, "Tsaka ano! Yung damit mo sobrang nipis! Bumabakat yung mga dapat bumakat sa'yo!" singhal ko sa kanya.

Boldstar ba si pogi? Lagi ko na lang napapansin yung mga hindi dapat pansinin sa kanya.

Hinakawan n'ya yung laylayan ng damit n'ya, akmang itataas n'ya yung damit n'ya noong ipinikit ko ng mariin ang mata ko.

Narinig ko na tumatawa na naman s'ya, "You are really cute when you are blushing." naiwan na naman akong tulala sa kanya. Idinilat ko ang mata ko at nakita ko na umakyat na s'ya ng kwarto n'ya.

Nagulat na lang ako noong nalaglag mula sa itaas yung damit na suot n'ya kanina. Sumakto 'to sa mukha ko. "Kadiri ka!" basang basa ng pawis n'ya yung nasapo ng mukha ko. Inis kong tinanggal, amoy na amoy ko ang pawis n'ya.

"I know you always want me to be topless Eumice. Better throw that in the trashbag.."

Narinig ko yung mahina n'yang tawa at yung pagsarado ng pinto ng kwarto n'ya.

Inamoy ko ulit yung suot n'ya, "Hindi naman pala mabaho.." itatapon ko na lang 'to gaya ng sinabi n'ya? Sayang naman yung sando t-shirt na 'to. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa kwarto n'ya.

Kumatok muna ako. Mahirap na at baka kung ano na naman ang makita ko bukod sa hotdog at pandesal. Hays! Nakakabaliw na naman noong naiisip ko yung hotdog ni Dominique. Nadudumihan na naman ang isip ko.

Kumatok ako at dahang dahang binuksan ang pinto. Hindi naman ako tuluyang pumasok tanging ulo ko lang ang ipinasok ko sa pinto.

Nakita ko naman nakaharap s'ya sa isang mini silver na kahon sa loob ng kwarto n'ya. Ang daya naman! Bakit may ref s'ya sa loob ng kwarto n'ya tapos sa akin wala?

Nag-crossed arms na naman s'ya habang masamang nakatingin sa akin.

"What?!" inis na tanong n'ya.

Itinaas ko yung shirt na hawak ko at iwinagayway ko pa, "Wala bang kasamang short 'to tsaka yung ano mo?" tanong ko sa kanya. Malay mo baka gusto n'yang ipatapon.

"Do you want me to?" tanong n'ya at itinuro ang short na suot n'ya. Tumango naman ako. Balak kong ibigay 'to sa mga kamag-anak ko. Tutal, ayaw n'ya naman ng nag-uulit ng damit ay iipunin ko na lang!

"Undress me."

Jusko day!

These Three JerksWhere stories live. Discover now