Chapter 35// Reasons.

30.3K 763 10
                                    

Nagmamakaawa ako... Please lang, sumali kayo sa group (CLICK THE EXTERNAL LINK)! Tapos sino ba ang willing sa inyo ang mag OP ng iba pang characters? fatay talaga ako netuuh!

Anyway.. Enjoy the SHORT update.

-----

Kia's POV

Nasa kama ako nakaupo, pero hawak yung kumot..Incase na lalaban tong Valdez na to!

"I admit it. We did plan to kill the higher clans. Nung nalaman namin na pupunta kayo sa iisang lugar-- kinuha na namin ang oppurtunidad para patayin kayong LAHAT. Ready na eh, ok na ang lahat... Maraming namatay sa mga higher clans at konti lang yung namatay samin, kaso yung napatay namin, most of them ay yung hindi gaano ka magaling sa bakbakan. Konti lang yung magagaling na napatay namin. Tapos nakatakas pa kayong susunod na magiging leader. Yung inambush namin yung mga Velez, hindi kami nag tagumpay.. Lumaban sila eh. Tapos yung naka assign pa doon-- yung mga lampa pa."

"So ginawa niyo talaga yun, para umangat?"

"Oo, nakakasakal kasi kung hindi kami kasali sa Top 10 most powerful clans. Parang, nabwibwesit na kami kung palagi nalang kayo yung magaling.. We really want to kill each of the TOP 10 clans."

"Top 10.." Napasmirk naman ako. "Inuna mo kaming Top 5 kasi madali lang kalabanin yung nasa baba?"

"Oo."

"Napatay niyo na rin ba yung nasa baba?"

Napatahimik naman siya.

"Mag salita ka!" Sabi ko sabay hila sa kumot.

"HINDI NAMIN PINATAY KASI SILA MISMO ANG NAG UTOS SAMIN NA PATAYIN KAYO!" Nagmamadali at pasigaw niyang sabi.

Nabitawan ko naman yung kumot.

"A-anong sabi mo?"

Tumayo naman si Lucas at hinarap ako. Pero nakahawak siya sa leeg niya.

"Hindi lang kami ang nag-iisang Clan na gusto kayong patumbahin. Kasabwat namin ang mga Top 6 below. Sumang-ayon kami dahil nga.. Kung wala na kayo, sila ang papalit at kaming hindi nakasali-- mag kakaroon nang chance para makasali sa Top 10."

"Kasabwat niyo pala. At ano kayo utusan? Nagmamalinis ba sila? Inutusan lang ba kayo para malinis yung apelyedo nila?"

"Alam ko na naging marumi na kami. We grabbed the opportunity! Para patumbahin kayo!"

Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko.

"Pagbabayaran niyo tong lahat. PAGBABAYARAN NIYO TO! Wala kayong kwenta! Ang lagi lang niyong iniisip ay ang kasikatan!" Tumayo naman ako at sinuntok sa mukha si Lucas. "H-hindi niyo alam kung gaano k-kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay! Ang mama ko na nga nalang yung natira eh! Kinuha nyo pa! Masakit tignan na pinatay yung mga kamag-anak at kapamilya mo sa mismong harapan mo!" Umiiyak kong sabi.

Napatulala naman si Lucas at yumuko.

"Nawalan din kami,Santiago. P--"

"Pero hindi naman sila ganoon ka importante diba?! Dahil ang gusto niyo naman talaga ay ang FAME and POWER! Alam mo ba na wala kaming pakealam kahit kami ang TOP 1? Dahil ang iniisip lang namin ay yung safety sa isa't-isa! Yun ang dahilan kung bakit kami naging top 1 dahil nagtutulungan kami at nagmamahalan! Naging TOP ONE kami sa MALINIS NA PARAAN! Walang tinatapakang tao! ITATAK MO YAN SA UTAK MO!"

May nag text naman sa phone ko kaya binasa ko.

{From: Nikka}

- get out. Papasok na si Devonne.

Nilagay ko naman yung phone ko sa pouch tsaka sinuot yung sapatos ko.

"Papaalisin kita nang tahimik, Santiago." Lucas.

Pinunasan ko naman yung luha ko.

"Kung papaalisin mo ako nang tahimik.. Then maghanda nalang kayo, dahil ibabagsak namin kayo. Sa tamang oras at panahon." Sabi ko at lumabas sa kwarto na yun.

Paglabas ko, nakita ko naman si Devonne na busying naghahanap nang gamit sa pouch niya. Di ko nalang siya pinansin at nilampasan siya.

Nafeel ko nga na tumingin siya sakin. Kaya napahinto ako sa paglakad.

Nilingon ko naman siya at hinead to toe. Napasmirk naman siya at tinitigan ako--with her cold eyes.

"Nandito ka pala,Kia Santiago."

"Yep, it's nice to see you here, Devonne Valdez."

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now