Chapter 32// Awkward.

35.7K 732 64
                                    

about dun sa announcement ko, e PM niyo ko kung may tanong kayo :D

And guys! Click the external link para ma direct kayo sa FB group!

---

Kia's POV

Pagdating namin sa resort, agad kaming sinalubong ni Tito Richard.

Pagkababa na pagkababa ko akmang sasampalin niya sana ako pero tinigilan ito ng Tito Raymond ko sa side ng Fortel.

"Don't you ever touch our precious gem." Tito Raymond.

Napahilamos naman si Tito Richard gamit ang kanyang mga palad. Tapos tinignan ako ng masama.

"Don't you have a respect?!" Sigaw niya sakin sabay turo ng turo.

Nag smirk naman ako.

"I respected you,Tito. Pero nung nalaman ko about dun sa 'news' parang naglaho na parang bula yung respeto ko sayo. Ano kita? Magulang? Ikaw ba ang nagpalaki sakin?"

"KIA!" Saway ng mga Fortel clan sakin.

Napag buntong hininga naman si Tito Richard.

"I'm sorry." Sabi niya.

Tinignan ko lang siya at nag walkout. Pumunta muna ako sa dagat, dun sa batuhan na part. Tsaka ako umupo isa sa mga bato.

"Kia.."

Napalingon naman ako at nakita si Kuya Kurt.

"Sinabi mo sa tatay mo no?"

"Oo naman. Kaya nga ganun yun umasta. Pasalamat ka, mahal na mahal ka nang mga kamaganak mo sa Fortel."

"Ako lang kasi ang nag-iisang babae." Sabi ko.

Kaya nga naging 'precious gem' ako.

"You need time alone? Or someone you can talk to?" Tanong niya.

"I need time alone. Thanks Kuya Kurt."

"Sige, aalis tayo pag quarter to 7 pm na.Ok?"

"Ok."

"Geh." Sabi niya at umalis na.

Niyakap ko naman yung tuhod ko at tinignan lang ang dagat. Mga 15 minutes akong ganun at nagkaroon ng peaceful time nang may umupo sa gilid ko.

Hindi na ako nagulat na si Kyle yung umupo sa tabi ko. Kasi alam niya talaga kung saan ako hahanapin.. Basta nasa sulok at walang tao, nandun ako.

"You still mad?" Tanong niya.

Yumuko naman ako.

"Kyle..I-i need ti--"

"Di mo ako mapapaalis Kia."

Bumuntong hininga naman ako at hinarap ang pagmumukha niya.

"Hindi mo ba na fi-feel yung awkwardness ko?"

Natawa naman siya. Ghhad, he's..he's charming.

Nag flashback naman sakin yung paghalik ni Hanz sakin. Geez, what the hell is wrong with me.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. It's beating fast.

"Ok ka lang Kia?" Nag aalalang tanong ni Kyle sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Oo, okey lang ako."

Ngumiti rin siya tapos tumingin sa dagat.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa,Kia. Tutal alam mo naman na ampon ako at mahal na kita. Lili--"

Di ko na siya pinatapos. Nababaliw talaga ako pag may ganitong nangyayari sakin.

"Stop! STOP!"

Natawa naman siya sa reaction ko.

"Alam mo ba kung ano yung ginawa ko kay Austin nung hinalikan ka niya."

"STOP IT KYLE! Di nakakatuwa!"

Mas tumawa naman siya nang malakas.

Tumahimik naman kaming dalawa kaya AWKWAAARD.

"Uggh, ma una na ako,Kia." Tumayo naman siya at tinitigan ako.

"Ano na? Alis na!" Sabi ko sa kanya.

Tumalikod naman siya tapos humarap ulit sakin.

"Ano naman b--"

Hinalikan niya ako sa cheeks tapos ngumiti.

"Bye!" Sabi niya at kumaripas nang takbo.

Napahawak naman ako sa cheeks ko na hinalikan niya.

"Gag# yun ah." Sabi ko.

Mayamaya.. Napagtripan ko namang umalis dun.. Medyo magulo kasi utak ko. Gosh! Kiss lang yun sa cheeks tapos... Yung lips... Dafq?!

Patay talaga sakin yung Hanz at Kyle na yun!

Habang naglalakad ako na parang gaga na hawak yung lips at cheeks ko. May nakabungo ako kaya napaupo ako sa buhangin.

Sisigawan ko sana yung nakabanga sakin pero tumawa ito. That stupid laugh!

Tinignan ko naman si Austin na todo tawa.

"Grabe Kia! Mukha kang tanga! Hahaha!"

Tumayo naman ako at tinadyakan ang paa niya. Kaya napa 'oww' siya.

"Sarap nuuh?" Sabi ko at inirapan siya tsaka umalis.

--

Pagpasok ko sa kwarto ko naka upo na si Nikka sa kama ko.

Napabuntong hininga naman ako kasi inayos niya yung damit na binili ko tapos yung sapatos.

"Did you know?" Agad kong sabi.

"Oo.. So, we'll sneak out?" Sabi niya sabay ngiti ng malawak.

"Fine, aalis tayo by five."

Tinignan naman niya yung wrist watch niya.

"Quarter to 12 noon na. So can we have lunch?"

Tumango nalang ako at sinamahan siyang bumaba.

---

Kyle at the side! Gwapo nooh?!

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now