Chapter 14

50.1K 1.1K 5
                                    

Kia's POV

Ngumiti naman si Niel at umatake.Ilag lang ako nang ilag pero minsan natatamaan ako.

Mabilis siya at malakas ang mga suntok, inoobservahan ko lang siya sa mga kilos niya.

"ANO BA KIA! LUMABAN KA!" Galit na galit na sigaw ni Coach Anne.

"Galit na yung coach mo Kia.Masakit no?" Sabi ni Niel habang sinuntok yung mukha ko pero na block ko naman ito.

Mas ginagamit niya yung right arm niya sa patg suntok, ganun din ang posisyon nung right foot niya.

Ngumiti naman ako at pumunta sa left part niya at sinuntok siya sa mukha. Natamaan naman siya at akmang gaganti pero nakailag ako at sinuntok ko yung tiyan niya. He was about to give me a big punch pero hindi ako natamaan kasi masyadong halata kaya binigyan ko siya nang upper cut at natumba na siya.

"Kha..Kha..Masakit yun ah." Sabi niya tapos knocked out.

Lumapit naman yung coach ni Niel at si Coach.

"Galing mo talaga Santiago!" Sabi niya sabay bigay ng tubig.

Tinignan ko naman si Niel.Kaya napatingin naman si Coach sa kanya na bugbog na bugbog yung katawan at nakahiga sa sahig.

"Huwag kang mag aalala diyan Kia! Gigising yan mamaya,Tara libre kita ng makakakain!" Coach.

Tumango naman ako at pumunta sa dressing room para mag bihis.Paglabas ko gising na si Niel at may hawak itong ice bag na nakalagay sa noo niya.

Nung nakita niya ako, agad siyang tumayo at lumapit sakin.

"Kaya ba hindi mo pa ako sinuntok dahil inoobservahan mo ako?" Tanong niya.

"Oo, Kailangan yun Neil, para malaman mo ang kahinaan nang kalaban mo para mapatumba mo siya."

"Hindi ko inakala na, Mas magaling ka pa sakin." Ngumiti naman siya. "To think that,first time ko pa itong natalo tapos na K.O mo pa ako at babae pa ang nakalaban ko."

Ngumiti lang ako tapos nilagpasan siya pero hinawakan niya yung wrist ko at pinaharap sa kanya.

"Lunch date tayo bukas?" Sabi niya na naka ngiti.

"Try ko, kung hindi busy yung sched ko."

"Ok,Sige ingat Kia!"

Sumabay na ako kay coach at pumunta kami sa isang cafe.

"Masarap yung cake nila dito, gusto mo ako nalang ang pipili sa order mo." Coach Anne.

"Oh sige." Sabi ko at tumingin sa labas sa cafe.

Nasa second floor kami at makikita mo na yung daan dito.

"Sige order muna ako!"

Umalis na si Coach Anne nang may umupo sa harap ko kaya tinignan ko siya.

"Hi Kia."

O.O

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Bakit? May masama ba?"

"Umalis ka nga dito! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo!"

"Peace na tayo."

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin Austin."

"How about, we should forget about the past,Kia."

"Huwag mo akong ipaputok,Austin.Baka mamaya may abulance na dumating."

"Grabe ka talaga Kia! Di ka pa nagbago and I like it waaay better!Haha!"

"You know what! You are so irritating! Get out of my sight GAY!"

"Halikan kita dyan eh, pero sige aalis na ako.May date pa kasi ako,see you soon LESBIAN!"

Pag alis ni Austin agad kong tinext si Kyle.Pero nag away kami! BAD LUCK!

Black Hearted PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ