Chapter 51

25.2K 712 53
                                    

Kia's POV

He always knows how to make me calm.

Napasandal naman ako sa kanya at napahawak sa mga braso niyang nakayakap sakin.

"I'm sorry.. Kinontrol ko sana yung temper ko." Sabi ko sa kanya.

"Ok lang yan,Kia. Pero sasusunod.. Bugbugin mo lang, huwag mo namang patayin." Sabi niya sakin.

"Addik mo." Sabi ko at pinaalis yung braso niya sa kakayakap sakin.

Hinarap ko naman siya at ngitian. Ngumiti din siya. Bigla namang may nag chuckle kaya tumingin kami pareho kay Lucas,na dahan-dahang tumayo tapos sumandal sa pader.

"Grabe.. Y-yan? Yan?! Yan ba ang isa mo pang dahilan kung bakit a-ayaw mo sakin? Yang pekeng pinsan mo?" Nanghihinang sabi ni Lucas sabay turo kay Kyle.

"Mahal mo na no? K-kaya ayaw mo na sakin?" Naiiyak niya pang sabi. "Ano ba ang meron siya na wala sakin?! Mahal kita Kia! Mahal na mahal!" Dagdag ni Lucas.

Wala akong nasabi. Nanatili lang akong tahimik, tinitignan siya. Feeling ko naaawa ako sakanya.

Napabuntong hinga naman ako at tinignan siya sa mga mata.

"Sorry Lucas.. Sorry sa ginawa ko sayo ngayon at noon.. At sorry, dahil hindi ko kayang ibigay pabalik sayo ang pagmamahal mo. Mas mabuti na yun keysa sa pilit at fake." Sabi ko tapos lumapit sa kanya. "I'm sorry." Dagdag ko at binigay sa kanya ang panyo ko tapos umalis.

Sumunod naman si Kyle sakin tapos nung medyo malayo na kami doon sa lugar na yun hinarangan niya ako.

"Ano?" Sabi ko sakanya.

"Itatanong ko ulit yung tanong ni Lucas.." Huminga muna siya nang malalim. "Ano ba ang meron sakin na wala sa kanya? Mahal mo naba ako?"

Tinitigan ko lang siya tapos nilagpasan siya. Hinawakan naman niya yung wrist ko at pinaharap ulit sa kanya.

"Sagutin mo ang tanong ko,Kia." Sabi niya.

"Pagod ako.. Gusto ko nang matulog. Kaya bitiwan mo ako." Mahina kong sabi pero narinig niya naman.

Bumuntong hininga naman siya lumapit sakin.

"Gusto mo e piggy ba--"

Di ko na siya pinatapos at agad akong nag piggy back ride sakanya. Tumawa naman siya.

"Bigat mo na ah." Sabi niya.

"Tumahimik ka, matutulog na ako. Pagdating natin sa bahay.. Huwag mo na akong gisingin, e deretso mo nalang ako sa kwarto at don't you dare sleep beside me,kundi sasapakin kita! Hala lakad!"

"Yes maam." Natatawa niyang sabi at nagsimula nang maglakad.

Ipinikit ko naman ang mga mata ko pero narinig ko pa yung sinabi niya.

"Good Night and sweet dreams Kia. I love you."

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now