Chapter 53

28.1K 625 6
                                    

Kia's POV

Agad namang kinuha ni Mitch yung envelope at tinignan ako tapos sila Ethan na nasa labas pa rin.

"Ano yun?" Kalma kong tanong.

Mahirap na kung magwa-wala ako dito. Isa akong Rodriguez dito sa school. Hindi ako isang Santiago.

"Basta.. May pinag-aaralan lang ako, about dun sa inccident." Mitch sabay tayo, kaya tumayo rin ako. "Huwag mong sabihin sa kanila,please." Dagdag niya.

"Diba isa kang Valdez?" Tanong ko.

Yumuko naman siya tapos bumuntong hininga at tumingin sakin.

"Yep, it might be weird but I'm trying my best to unlock this Death Mystery. Maraming suspects at isa na ang clan ko dun, ang gusto ko lang naman ay magiging fair ang laban."

Napakunot naman ako nang noo.

"It seems unfair kasi eh. Yung mga higher clans namatayan nang marami, while yung nag-ambush hindi na bawa....oh no."

"Okay ka lang?" Nagtataka kong tanong. Napatigil kasi eh.

Binuksan naman niya yung envelope, tapos tinignan yung mga papeles tapos napa face palm.

"Mitch?" Tanong ko sa kanya. Naiiyak na kasi siya. "Ok ka lang?" Dagdag ko pa. Just great, naiiyak na nga yung tao tinanong ko pa na ok lang ba siya.

"O-oo.. I-i just need to...go home." Sabi niya at tumakbo palabas nang room.

Go home? Eh di pa nga nag start yung class, agad naman siyang uuwi.

Napatingin naman ako sa labas at nakita ko naman sila Ethan na tinitignan din ako na nagtataka.

"Inaway mo si Mitch?" Blake, nung nakalapit na sila sakin.

"I didn't.. Wala nga akong ginawa eh." Sagot ko naman. I think I should not let them know about Mitch's research sa nangyari.

"Eh bakit yun umiiyak?" Niel.

"Aba malay ko." Sabi ko sabay irap.

"Bakit tumakbo?" Austin.

"Natakot siguro." Mahinang sabi ni Ethan. Pero narinig naman naming lahat.

"Natakot? Natakot kay Kia?!" Napa gasp naman si Austin. "Bully ka ba dito? Or takot sila sa pagmumukha mo?"

Agad ko naman siyang binatukan tapos tinignan ko nalang si Ethan, na halatang worried.

"Sabi niya..kailangan daw niyang u-uwi eh." Sabi ko tapos umupo sa upuan ko.

Tumabi na rin si Ethan sakin since we're seatmates tapos nag smile.

"Thanks, medyo nabawasan yung pagka worried ko." Ethan.

"You're welcome."

Dumating naman yung Teacher namin kaya nag greet kami, tapos pinapunta niya si Austin sa harap para mag introduce.

***

Natapos nalang yung klase buong araw.. Hindi na bumalik si Mitch. Siguro ganun ka importante yung gagawin niya kaya hindi siya nakabalik.

Paglabas namin sa campus, agad kong niyaya si Niel na mag training kami sa Boxing.

"Pero hindi tayo maglalaban! Patulugin mo ako ulit niyan eh." Niel.

Tumawa naman ako. Grabe, naalala niya pa yun?

"Promise, hindi ko ulit yun gagawin." Natatawa kong sabi.

"Oy, anong tawa-tawa niyo diyan?ha?!" Sulpot ni Blake.

"Wala.." Tumigil naman ako sa pagtawa. "..Sabay kasi kaming mag training ni Niel sa boxing. So una na kami ha!" sabi ko at kinaladkad si Niel.

Nung medyo malayo na kami sa school..

"Kia! Marunong.po.akong.maglakad." Sabi niya.

Binitawan ko naman siya tsaka nag peace sign.

"Sorry bubblegum!" Sabi ko.

"Tapos na ang pag fake relationship natin, halata namang hindi tayo in-love sa isa't-isa." Niel tapos napairap.

"Oh suree.. Tara na sa loob." Sabi ko tapos tumakbo papasok sa gym. Sumunod naman si Niel, at sa pagpasok namin. Nandun pareho yung coach namin.

"Walang training ngayon ah! Bakit kayo nandito?" Coach ni Niel.

"Gusto namin mag training eh. Tara na Kia." Niel at hinila ako patungo sa dressing room nang girls. "Bilisan mong magbihis, para mas marami tayong time sa pag training." Dagdag niya.

Tumango naman ako at pinuntahan na yung locker ko tsaka nagbihis. Paglabas ko ready na si Niel.

"Kia. Spar ulit kayo ni Niel." Coach.

"Ano?! Huwag muna!" Niel.

Tumawa naman ako.

"Huwag na coach, takot eh." Sabi ko.

"Ok! Simulan na nga natin." Coach.

***

Gabi na nang tapos na kaming mag training ni Niel kaya umuwi na kami. Kahit pagod, napili pa rin naming maglakad. Dun sa bahay namin matutulog si Niel eh. Ganun din yung iba.

Dumaan naman kami sa isang park. At ang bango-bango nang mga street foods.

"Nakakagutom." Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. Bigla namang tumunog yung tiyan ko kaya tumawa si Niel.

"Di halata,Kia. Hindi talaga halata!" natatawa niyang sabi.

May another sound naman, pero I'm sure hindi yun sakin. Napatingin naman ako kay Niel na namumula.

"Gutom ka din pala eh! Tara kain tayo!" Sabi ko at hinila siya patungo sa kwek-kwek stall.

"Libre moko." Niel.

"Unfair! Ikaw bayad sa drinks while sa foods ako." Suggest ko.

"Sige ba!"

Bumili naman kami ni Niel nang tig-limang kwek-kwek, tapos tig dalawang tempura. Uminom din kami nang buko juice na hindi ko na nabilang kung ilang ulit kaming bumili. Dahil trip pa naming kumain, bumili kami nang penoy at tsaka lang umuwi.

Pagdating namin sa bahay, nasa sala silang lahat na halatang kinakabahan at nag aalala.

"Saan kayo galing?!" Nikka.

"Kumain na ba kayo?!" Blake.

"Pinag-alala niyo kami!" Austin.

Nagkatinginan naman kami ni Niel tapos sabay tawa nang malakas.

"Grabe!! Machine gun na yang mga bibig niyo ah!" Niel.

"Oo nga!" Natatawa kong pagsang-ayon.

"Saan ba talaga kasi kayo nanggaling." Seryosong tanong ni Ethan kaya tumigil kami ni Niel sa kakatawa.

"Diba sabi ko nag train kami? Edi malamang nasa gym." Sagot ko.

"At ganun ka tagal?" Justin.

"Nag lakad lang kasi kami.." Sabi ko.

"At dahil gutom kami ni Kia. Nung dumaan kami sa park.." Niel.

"Bumili kami nang pagkain. Hindi naman namin alam ni Niel na nagtagal kami dun.."

"Sa park sa kakakain." Niel.

- a moment of silence -

"Yeees! Hindi na kayo kakain diba? Akin nalang yung sa inyo.. Gusto ko pa kasing kumain!" Mia at tumakbo sa dining area.

"Hoy! Pasali!" Sabay na sigaw ni Hanz at Kyle tsaka tumakbo patungo sa dining area.

Tumawa nalang kaming natira.

"Sige guys..tulog na ako!" Sabi ko at umakyat patungo sa kwarto ko.

Bukas.. Limang araw nalang ang matitira.

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now