f o r t y - f i v e

13.9K 306 2
                                    

This chapter is private.. POV po ito ni Ethan.. It may be not that kind of Special na special talaga. Ginawa ko po ito para malaman niyo talaga kung ano talaga ang relasyon ni Ethan at ni Mitch.

---

Ethan's POV

Nag text sakin si Blake na pupunta daw kami sa mall. Bibili lang daw siya nang another set of lego. Nag co-collect kasi yun nang lego.

Ready na akong lumabas sa bahay nang may na receive akong bagong text message.

{From: Mitch}

- Hi :) Ethan, I just want to talk to you if you're not busy. Just meet me at the place...just like before.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero habang nagmamaneho ako, papunta ako sa lugar kung saan kami tumatambay ni Mitch noon, kaya tenext ko nalang si Blake na hindi ako makakasama.

Pagdating ko sa lugar. Nakita ko kaagad si Mitch na nakaupo sa ilalim nang punong kahoy. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Mitch."

Napalingon naman siya sakin tsaka tumayo at niyakap ako.

"Ethan.. Akala ko,h-hindi ka darating." Sabi niya tapos kumalas.

Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Hindi ko alam Mitch, kung bakit hanggang ngayon..ganito parin ang epekto ko sayo."

Ngumiti naman si Mitch at hinawakan ang isang pisngi ko, kaya napahawak din ako sa kamay niyang malambot. Ayaw ko pa kasing tangalin niya sa pagkakahawak sa pisngi ko.

"Ethan, mahal pa rin kita... Nagsisisi ako sa nangyari satin noon." Nag simula na siyang umiyak. "Sana sinabi ko kay Devonne na mahal kita, para malaya tayong nagmamahalan.. Hindi patago."

Naaalala ko noon.. Bestfriends lang kami ni Mitch.. Masaya kami tapos nung nalaman ko na talaga kung ano ang nararamdaman ko sakanya, ay tsaka lang umeksena si Devonne. Lagi siyang nagpapansin at naninira nang moment namin ni Mitch. Hanggang sa dumating ang araw na nagselos nang matindi si Mitch at sinabihan ako sa totoo niyang nararamdaman para sakin.

Aaminin ko, ang saya-saya ko at gustong magpasalamat kay Devonne dahil kung wala siya.. Hindi malalaman ni Mitch ang tunay niyang nararamdaman para sakin. Pero nung nakaharap ko na si Devonne sa kwarto niya. Bigla siyang nag confess tapos hinalikan ako.

Nakita yun ni Mitch at tumakbo siya. Nung lumayo na si Devonne sakin, saka lang ako tumakbo palayo para puntahan si Mitch at doon sa garden ko siya nakitang.. Umiiyak, sinubukan kong mag explain pero ang tanging sabi niya lang ay..

"Ethan.. Ayaw kong masaktan si Devonne, pero mahal kita. Mahal na mahal.. At gusto ko, pasayahin mo si Devonne kahit masasaktan ako."

Mahirap man, ginawa ko ang lahat pero hindi namin kinaya ni Mitch na umabot sa punto na palihim kaming may relasyon. Nagu-guilty nga kami sa pinaggagawa namin pero kailangan.. Dahil iba si Devonne, siya yung tipong babae na dapat lang na siya ang masusunod.

Niyakap ko naman si Mitch.

"Matagal na yun.. Kalimutan na natin."

"Pero Ethan.. Mahal mo naba si...Kia?"

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Hanggang kaibigan lang ang paningin ko kay Kia,Mitch."

"Kelan.. Kelan ba na pwede na maging tayo?"

Napatulala naman ako sa sinabi ni Mitch. Mahal ko siya pero hindi pwede dahil 6 days nalang.. Magpapatayan ang mga clan ko at ka clan niya.

"Basta.. Hindi pa ngayon.. Maghintay lang tayo sa tamang oras."

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now