Chapter 47// KiaLe

29.3K 654 19
                                    

Para sa mga KiaLe fans ;) Another update later.

---

Kia's POV

Habang paakyat ako sa hagdanan patungo sa kwarto ko, replay parin nang replay yung sinabi ni Father.

"Haaay.. Kia.. You're crazy. How will you know if it's real love?" Sabi ko sa sarili ko tapos binuksan ang pinto nang kwarto ko.

Nakayuko lang akong lumakad papasok at agad-agad na tinaggal yung heels. Tinaggal ko na rin yung pangtali sa buhok ko. Akmang tatanggalin ko sana yung dress pero may bumato sakin nang unan.

"Di porket sexy ka, pwede ka nang maghubad kahit saan!" Kyle.

"What the?! Ghaad, Kyle! Tatawag na talaga ako nang pulis dahil sa bigla-bigla mong pagpasok dito sa kwarto ko! At anong maghuhubad kahit saan? Duuh! Kwarto ko to." Sabi ko tapos namewang at tinaas ang isang kilay.

"Tss.. Ewan ko sayo." Kyle and making himself comfortable at my bed.

Binato ko naman sa kanya yung unan na binato niya sakin kanina tapos pumasok nalang ako sa CR para dun magbihis. Paglabas ko, half sitting and half laying na siya sa kama ko at kaharap na yung laptop, at sa bed side drawer ko may chippy na nakabukas.

Napasandal naman ako sa pinto nang cr at nag cross arms.

"Feel at home lang?" Sabi ko kaya napalingon siya sakin tapos nag smirk at binalik ang attention sa loptop.

"Bakit? Bawal ba dahil...." Tumingin naman ulit siya sakin. "....hindi pala tayo totoong mapipinsan?"

Umirap naman ako at kumuha nang inumin sa mini ref ko.

"Take your shoes off,Kyle. Kaka change ko lang sa beddings." Sabi ko at tumabi sa kanya.

Tinaggal naman niya yung shoes niya at bumalik sa position niya kanina. Kumuha naman siya nang chippy at kinain yun.

"Done.. Happy now?" Sabi niya tapos tinignan ako.

Tumango lang ako at ininom ang Mogu-mogu ko.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ko at sinubukang tignan yung screen nang loptop ko pero agad namang isinara ni Kyle. "Ano nga kasi yun!" Dagdag ko sabay agaw sa loptop.

"Hoy,Kia! Huwag naman!! Kia!!"

Too late >:D I got the laptop already! Pagtingin ko sa screen ko, clinick ko yung nakahide tapos lumantad sakin ang isang blog..about me -_-. A fake me, actually. Story kasi yun. Naintriga naman ako kaya binasa ko yung story.

"Kia, ah..una na ako.." Kyle at akmang aalis. Hinila ko naman siya pabalik. "Kia.. Emergency?" Sabi niya sabay awkward smile.

"You're.Not.Going.Any.Where." Sabi ko sa kanya at hinila siya palapit sakin. Yung parang sinasakal ko siya gamit yung arms ko.

"Kia! Papatayin moko mamaya eh! Baka hindi ako makalabas nang buhay."

Di ko lang siya pinansin kasi nag simula na akong magbasa.

"Kia's sweet and innocent look,attitude and smile made me feel this crazy feeling towards her." Tumawa naman ako. "Ang layo talaga sa reality!"

Pinagpatuloy ko naman yung binasa ko at hindi ko namalayan na nakahiga si Kyle sa hita ko. Nung natapos ko nang basahin yung story sa ibaba nun ay ang pangalan nang Author which is My-crazy-fake-cousin.

"Wild nang imagination mo ah!" Sabi ko sa kanya habang shina-shut down yung laptop. Dahil hindi siya nag respond. Nilagay ko yung laptop sa bedside drawer ko at tinignan siya.

Nakatulog pala yung abno. Naka crossed arms siya at inunan yung hita ko. Messy medyo yung buhok niya kaya inayos ko. Tapos napansin kong may pasa pala siya sa gilid nang labi niya..

"Ano ba naman ang ginawa mo?" Sabi ko sa natutulog na si Kyle.

"Sorry.. Ewan ko kung bakit ako magso-sorry sayo, pero alam mo Kyle. I feel sorry for what happened to our close relationship.. Ginagawa ko kasing awkward yung atmosphere." Nilalaro ko naman yung buhok niya at tinitigan siya.

"Grabe, ang gwapo mo pala Kyle. Ang ganda nang facial features mo, sobrang perfect. Parang..." nag isip naman ako kung sino yung kapareha niya, when it comes to perfect facial features. "...parang kela Hanz at Justin."

Lub.dub.lub.dub.

Ohhh shit.. Not again!!

"Kia.."

Nagulat naman ako nang magsalita bigla tong Kyle na to!

"H-ha?"

"Pinapatawad na kita.. Pero yung perfect features na katulad nila Hanz at Justin? Di ko yun matatanggap!" Sabi niya habang nakapikit pa rin.

"H-hehe.." Awkward kong tawa.

Minulat naman niya yung mga mata niya tapos umupo. Humarap naman siya sakin at pinalapit yung mukha niya sa mukha ko.

"Uh.. K-kyle.." Kinakabahan kong sabi.

Ngumiti naman siya at ginulo yung buhok ko at lumayo nang konti.

"Naman.. Magulo na tuloy yung buhok ko." Sabi ko.

Tumawa lang siya kaya inayos ko nalang yung buhok ko. Iinumin ko na sana ung mogu-mogu ko nang bigla niya itong inagaw at ininom.

"Heeey!" Sabi ko.

Nung natapos na siyang uminom. Ngumiti siya nang malawak.

"Nagka indirect kiss na tayo." Sabi niya.

"Indirect whaat?!"

Tumawa naman siya nang malakas tapos humiga sa tabi ko.

"Indirect kiss.. Huwag kang magalala, gagawin ko talaga yun nang direct kiss.. Pag nasa harap na tayo nang altar."

=////= seriously.. Ang cheesy ha!

"Kung hindi ko mapigilan, baka bukas or sa party..." Umupo naman siya at hinawakan yung chin ko at iniharap niya yung mukha ko sa kanya. "..or ngayong gabi."

O////O

Nilapit naman niya yung labi niya sa labi ko. Konti nalang, hanggang sa

bumukas yung pinto ko kaya napa ayos kami.

"Sorry to disturb!" Sabi ni Kuya Kurt na may ngiti sa labi. "Nasa baba yung damit niyo. You guys should try it on." Dagdag niya.

Sumulpot naman si Austin sa likuran ni Kuya Kurt.

"Oi Kia! Ganda nang gown mo ah! Haha!" Tapos umalis. Umalis na rin si Kuya Kurt, kaya naiwan kami ulit ni Kyle sa kwarto.

"Tara na nga." Kyle sabay tayo at inoffer yung hands niya.

Hinawakan ko naman yun tapos hinila niya ako patayo.

"Nagiging mabigat ka na." Sabi niya.

Binatukan ko naman siya kaya natawa siya.

"Never akong magiging mabigat! Baka ikaw...naging weak."

Tumawa naman siya at inakbayan ako.

"Hindi ako magiging weak,Black. Hinding-hindi yun mangyayari."

Napairap naman ako.

"I told you d--"

"Yeah! Yeah! Not to call you 'Black'."

Paalis na sana kami nang may narinig kaming kalabog sa labas nang kwarto ko kaya dali-dali kaming lumabas.

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now