Chapter 48// Riot

30.2K 608 23
                                    

Kia's POV

Nakita namin sa sahig, sila Hanz at Justin. Napansin ata nila na may kaharap na sila kaya tumayo sila.

"H-hi!" Hanz sabay kamot sa likuran nang ulo niya.

Si Justin naman tinitigan kami tapos namulsa.

"Nasa baba yung gown mo." Justin.

"Alam ko." Sabi ko at naunang bumaba.

Pagdating ko sa sala, maraming tao! -_- wala akong alam na may MGA bwisita akong darating. Mga Bwisita kong barkada -_-.

"Bakit kayo nandito?" Sabi ko sa kanila.

"Dito dinala lahat yung pinagawang gown eh." Nikka.

Napacross arms naman ako tapos may kumalabog ulit sa itaas kaya napatahimik kami at lumingon sa itaas nang hagdanan.

"Ano yun?" Blake sabay lapit sakin.

"Aba malay ko." Sagot ko naman.

Tinignan naman niya ako nang masama pero hindi ko lang pinansin.

Mas tumahimik naman kami dahil may narinig ulit kaming kalabog tapos isang tawa. Mayamaya nakita naman namin si Kyle na nagmamadaling bumaba na may dalang carpet na nasa likuran niya. Yung parang ginawa niya umbrella? Kasi parang prino-protect niya yung likod niya.

Nasa kalagitnaan pa si Kyle sa pagbaba sa hagdanan nang nakita namin si Justin na may dalang golf bat? Itatapon na sana niya ito kay Kyle pero sumulpot sa likuran ni Justin si Hanz na may dalang baseball bat. Ang resulta? Nag fencing yung dalawa. Si Kyle naman maayos na nakababa tapos pumunta sa kusina tapos bumalik na may dalang baseball and tennis balls. Lumabas pala siya sa backdoor para kunin yung mga naka stock na bola.

Itinapon naman niya yun isa-isa kela Hanz at Justin and mostly sa ulo sila natatamaan. Nabaling naman yung attention nila kay Kyle kaya sinusubukan nilang tamaan yung mga bola gamit yung mga bat nila pero si Justin.. Pinalo muna kay Hanz yung golf bat tapos itinapon kay Kyle, which is natamaan sa paa lang.

Nagbatuhan naman sila nang mga bola, si Kyle lang yung swerte kasi nasa ibaba, mas nagbabatuhan pa yung nasa itaas. Hanggang sa may narinig kaming pagbukas nang pinto.

"What the hel--OUUCHHHH!"

"Halaa!!! Tendendenden!" Kyle tapos tumawa.

"Who the fuck did that?!" Sigaw ni Mia.

"Si Hanz!" Justin.

"Anong ako? Ikaw kaya!" Hanz.

"AAAARRRRGGGGHHHH!"

Pagkatapos nang sigaw ni Mia nagsitakbuhan pababa yung dalawa tapos si Mia naman nasa likuran nila na may dalang baseball bat.

"Papatayin ko kayooo!!! PATI KA!" Mia sabay turo kay Kyle.

Tumakbo naman yung tatlo palabas tapos sumunod si Mia.

"HAHAHAHAHAHA!! Ang epic!" Tawa ni Niel.

Tumawa naman kaming lahat nang malakas.

"Hahahaha!! Kukuhahahaha! Muna ako nang hahahaha! tubig hahaha!" Natatawang sabi ni Kuya Kurt at pumunta sa kusina.

Tawa pa rin kami nang tawa hanggang sa may narinig ulit kaming kalabog.

"Ahhh fuck! Nakalimutan kong may mga bola pala dito!" Kuya Kurt.

Tumawa naman kami nang mas malakas.

"Yan kasi Kuya Kurt!! Tatatanga-tanga eh!" Blake.

"Sa kakatawa sa sahig tuloy landing mo! Hahaha!" Austin.

Black Hearted PrincessWhere stories live. Discover now