Ang Bagong Bahay ng Pamilya Valera

4.2K 119 4
                                    

Malaki ang bahay na aming lilipatan. Nakatayo kami sa harapan nito ng aking asawa at ang aming dalawang anak na sina Alexxe at Shin. Parehong nasa elementarya palang ang aking dalawang anak na parehong babae, isang grade 5 at ang isa ay grade 2. Kaka promote lang ng mister ko kaya nakabili kami ng mas malaking bahay na sariling amin na. Di tulad dati na nangungupahan lang kami at maliit pa ang aming nirerentahan. Tamang tama ang aming bagong biling bahay dahil sa lumalaki na ang mga bata. At higit sa lahat, napakamura ng offer sa bahay at lupang ito kaya agad na naming sinunggaban.

"Wow ang ganda ng bahay na ito! Sa atin na ito? Dito na tayo titira?" Ang tuwang tuwang tanong ng aking bunsong si Shin.

"Kaya nga dala na natin lahat ng gamit natin eh. Dito na tayo titira, hanggang tumanda tayo!" Sarkastikong tinuran naman ng panganay na si Alexxe na sadyang may ugaling parang galit sa mundo.

"Tama na yan! Tulungan nyo na ako na dalhin ang mga gamit natin sa loob."

Ito ang nakangiting sabi ng asawa ko habang nakatingin sa aming mga anak, na para bang sinasabing ito na ang katuparan ng aming mga pangarap para sa aming pamilya.

"Look oh, Si Yaya Elma nasa loob na ng new house natin! Akala ko po ba hindi na siya sasama dito?"

Ang tinutukoy ng bunso ko ay ang aming kasama sa bahay na sa aming paglipat ay nagpasyang mag retiro na at umuwi na sa kanyang probinsya. May katandaan na si Yaya Elma dahil yaya ko pa ito nung ako ay bata pa.

Napatingin ako sa itinuturo ng bunso ko at sa aking pagtingala namalas ko ang maliit na ventanilla sa attic ng aming bahay mgunit wala naman akong nakita kundi ang lumang kurtina na maaaring naiwan ng dating may ari ng bahay. Gumagalaw galaw ito marahil sa may naiwang naka awang na iba pang bintana sa attic ng bahay.

"Anak wala si Yaya Elma sa loob ng new house natin. Alam ko nami miss nyo na siya at nami miss din naman namin siya ng Daddy nyo." Ang mahinahong paliwanag ko sa bunso ko, habang magkatuwang na ipinapasok ng mag amang si Alexxe at Daddy nya ang malaking maletang dala namin.

At nakangiting pinagmasdan ko ang bunso ko na pumasok sa malaking bagong bahay namin, puno ng bagong pag asa at pangarap para sa magandang bukas.

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang