Chapter Seventeen (Boyfriend)

82 1 0
                                    

A/N: Please play the song on the media corner <3 <3 <3 ^_______^

(Natalia's POV)

Nandito ako ngayon sa bahay nila Brandon. May sarili siyang studio dito kung saan siya nag pipiano lessons. Sarado yung studio na malapit sa school kung saan kami nagpapractice last two weeks dahil on vacation daw ang bantay nito. Kaya naman napagpasyahan ni Brandon na dito nalang kami magpractice sa bahay nila. After ng class namin ay pumupunta na kami dito para mag rehearse. Halos ika apat na araw na din na nalalagi kami dito sa studio niya para magpractice. Ang ibang mga kagrupo naman namin ay nagkaroon na din ng kanya kanyang oras nila sa pag sasanay ng kanilang presentation sa program. Hindi kasi magkatugma tugma ang sched ng bawat isa .

Nakaupo ako ngayon sa may window side ng studio habang hinihintay si Brandon na kasalukuyang nagpapalit ng damit sa kanyang kwarto. Medyo nainip ako sa paghihintay kaya naman napagpasyahan kong lumabas ng silid at nagtungo sa living room. Nakita ko si Tita Shynette na nakasuot ng apron. Marahil ay may niluluto ito. Inapproach ko naman agad ito.

"Hi, good afternoon po tita" bati ko dito.

"Oh kanina ka pa ba pinaghihintay diyan ng anak ko?" gulat na sabi niya.

"Ah eh hindi naman po masyado." nahihiyang tugon ko.

"Naku halika doon tayo sa kitchen at makapag kwentuhan habang  nagbabake ako ng cookies tutal  wala pa yang si Brandon Miguel" aniya.

Tumango naman ako at saka sumunod kay Tita Shynette para pumunta sa kusina. Napakagara ng kusina nila Brandon. Ang lababo at lamesa nito ay gawa sa marmol. Kumpleto ang mga kagamitan at napansin ko din na may convection oven sila. Lumapit ako sa lamesa kung saan inihahanda ni Tita ang mga cookies na ibabake niya. Kumuha ako ng stool at saka naupo.

"Alam mo ba mahilig din yan si Brandon mag bake" ani ni tita habang inilalagay sa tray ang mga namold niyang cookies.

"Talaga po tita? Mukhang wala po s personality niya ang pagiging baker"  sabi ko dito.

"Hay nako Aunica maraming colorful side si Brandon noon, bukod sa pag pipiano ay lagi din siyang nandito sa kusina para mag bake. He loves to bake lalo na kapag inspired siya."

Pinapakigan ko lang si Tita magkwento habang tinutulungan ko siya mag lagay ng cookies sa tray. (Syempre naghugas muna ako ng kamay at saka nag lagay ng plastic gloves na gamit ni tita shy). Masaya niyang ikinikwento kung ano ang mga bagay na pinaglilibangan ni Brandon dati. Pero nakita ko ang mga mata niya na biglang nalungkot at napahinga siya ng malalim ng sambitin niya ang kasunod na nangyari sa anak niya.

"Pero sa isang iglap nagbago lahat ng iyon" tita shynette sigh as she puts the tray into the oven.

"Ba-Bakit po tita anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.

"Oh nandito ka lang pala Aunica, sorry medyo natagalan, naligo pa kasi ako eh" sabat ni Brandon na naging dahilan para hindi namin matuloy ang pinag uusapan namin.

"Oh siya mag practice na kayo para hindi gabihin sa pag uwi itong si Aunica, at ako naman ay hihintaying matapos itong binibake kong cookies para sa meryenda niyo" nakangiting tugon ni tita sa amin.

(Aunica na din ang tawag sa akin ni Tita Shynette dahil iyon ang ipinakilala ni Brandon sa Mama niya noong una kong punta sa bahay nila.)

"Sige po tita punta na po kami sa studio" paalam ko dito at saka umalis na ng kusina.

Nasa studio na kami ni Brandon ng tanungin ako nito kung ano ang napag usapan namin ni tita shynette kanina habang wala siya.

"Uhm Aunica kamusta naman, ano napag usapan niyo ni mama kanina?"

Beyond What She LikesWhere stories live. Discover now