Chapter Ten (Meanings)

80 3 0
                                    

(Natalia's POV)

Hindi ko maintindihan pero bigla akong namula dahil naalala ko ang nangyari kanina.

"Pinigilan ka niya Natalia Aunica! At higit sa lahat alam niya ang firstname mo. Siya pa ang unang lalaking tumawag sayo ng Aunica at isa ung himala!" Pero hindi, baka naman sadyang alam lang niya ang firstname mo tsk. Hindi pwede ito. bura bura Natalia hindi ba dapat magalit ka pa lalo pero bakit kinikilig ka! Arrgghhh!"

inis na may halong kilig na sabi ko sa aking sarili . Tinitigan ko ang cellphone ko na para bang may hinihintay na message oh kung anu pa man. Eto ako ngayon nanonood ng tv habang nakahiga sa sala. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog, paiba ibang pwesto na ang ginagawa ko sa sofa dahil para bang may bumabagabag sa isipan ko.

Hindi parin maalis sa isip ko si Brandon. Lalo na nung nag duet kami. Nakakamangha, hindi ko akalain na marunong din pala siyang kumanta at mag piano. Halos almost perfect na ang lalakeng iyon. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at chineck kung sino ang nag text.

One Message from Brandon Miguel

" The practice tomorrow is cancelled. I have an important meeting to attend. But if you Guys still want to continue text me up so that I can reserve the gym for you :)

-Brandon"

Akala ko pa naman kung ano. Mabuti nalang at walang practice bukas kung hindi dedo nanaman ako neto hindi ko alam kung pano ko siya pakikitunguhan bukas kung sakali man. Hindi ko na nireply pa si Brandon. Maya maya pa ay lumabas si Mama ng kwarto at tila nagulat dahil hindi pa ako natutulog.

"Nak bakit gising ka pa?"

"Uhm ma, di pa po kasi ako dinadalaw ng antok ih."

"Maaga pa pasok mo bukas diba? Matulog kana. Siya nga pala gagabihin kami ng uwi ni papa bukas, may seminar kasi sa manila" wika ng Mama

"Ganun po ba? Mag iingat po kayo ni papa bukas Ma, Uhm sige po matutulog na rin po ako. Goodnight Mama "

hinalikan ko si mama sa pisingi at saka dumiretso na sa kwarto para mahiga.

"Brandon Miguel ! Ano bang meron ka bakit gustung gusto kita despite of your rudeness and everything"

Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog.

**************

7:30 in the morning, Forbes Campus

Nandito kami ngayon ni Jamie sa Library, wala kasi ang prof namin kaya naman nagkaroon kami ng instant vacant. Medyo matagal na din kaming hindi nagkakakwentuhan ni Jamie, masyado kasi kaming busy this past few days. Kaya naman sinamantala ko na itong pagkakataon para kulitin ang ever dearest kong beshy.

"Beshyyy kamusta na? May improvement ba kayo ni Mr. HRM?" pang aasar ko dito.

"Well, kaklase ko siya sa isang subject best. Hay naku super nakakakilig talaga :D Magkaklase kami sa marketing at magkatabi pa kami"

Hindi naman masyadong halata na kinikilig itong bestfriend ko. Abot tenga na ang kanyang ngiti.

"Inspiration nanaman ng bestfriend ko oh?, eh si dudes kamusta naman?"

"Naku best, ayun same parin nagpapakatanga sa gff niya"

Dismayadong sagot ni Jamie sa akin. Minsan ay naisip ko bakit kaya hindi nalang sila ni dudes? Bagay na bagay pa naman sila pero ewan ko ba dito sa best ko, mukhang walang balak na idevelop pa ang denial feelings niya sa kaibigan niya. Sabagay hindi parin talaga sila pwede dahil in a relationship tong si dudes.

Beyond What She LikesWhere stories live. Discover now