CHAPTER SIXTEEN (SPG)

16.9K 292 5
                                    

"Nagpunta kami ng mga kapatid mo kanina sa hotel pero wala ka. Ang sabi ng HR, hindi ka daw pumasok. Ngayon ay umuwi kami dito sa bahay mo pero walang katao-tao. Nasaan ka ba? Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Nakuha na kasi ni Joselito ang grades niya. Matataas iyon. Gusto niyang ipakita iyon sa'yo kaya naisip ka naming sorpresahin at napasugod kami. Hindi nga rin ako tumuloy sa biyahe para mapagbigyan si Joselito." mahabang paliwanag ni tatay. Kumabog ang dibdib ko at saglit na nalito hanggang sa naisip ko, ito na ang tamang ang oras para aminin ko ang lahat.

Huminga ako ng malalim at napatingin kay Raymund na seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako bago nagsalita. "Hintayin ninyo ako. May sasabihin ako." sagot ko at nawala na ako sa linya.

Seryosong tumango si Raymund sa akin. "I'm coming with you." aniya saka hinawakan ang kamay ko at pinisil. Napangiti ako. Kahit paano ay lumakas ang loob ko. Sapat na sa akin iyon.

Nagbihis na kami at umalis. Sa daan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko hanggang sa muling hawakan ni Raymund ang kamay ko. Hindi niya iyon pinakawalan hanggang pumarada kami sa amin.

"Ellaine," awat ni Raymund sa akin noong pababa na ako ng kotse.

"Bakit?" takang tanong ko.

Hinalikan niya ako. Mainit. Malalim. Sapat na dahilan para saglit kong malimutan ang lahat. Hindi naman pinatagal ni Raymund iyon dahil agad din niya akong pinakawalan at tinitigan. "I'm here. Always remember that, okay?"

Naginit ang puso ko at tumango. Doon na kami lumabas at magkahawak kamay naming hinarap ang pamilya kong natulala dahil ngayon lang nila ako nakitang mayroong kasama ulit na lalaki.

Hindi kilala ni tatay ang mukha ni Raymund dahil tanging pangalan lang niya ang nabanggit noon kaya hindi siya agad kinabakasan ng galit. Kaya inihanda ko na ang sarili ko ng ipakilala ko siya.

"'Tay, si Raymund ho. Boyfriend ko." lakas loob na amin ko at lihim na nanalangin na sana ay hindi na maulit ang nangyari noon.

Agad namang inilahad ni Raymund ang kamay pero hindi iyon tinanggap ni tatay. Ang lakas na ng kabog ng puso ko pero pinipigilan ko ang sarili kong manlumo. Kahit papaano ay gusto ko rin namang makuha ang basbas ni tatay. Hindi ako ganap na magiging masaya oras na ayawan niya si Raymund.

"Kailan ka pa nakikipagkita sa kanya?" malamig na tanong ni tatay. Agad naman akong nagpaliwanag. Wala akong itinago hanggang sa matapos ako.

"Kaya pala hindi na pumapasyal si Efren sa akin." dismayadong saad ni tatay.

"'Tay, alam ho ninyong hindi ko siya gusto. Ginawa ko naman ho ang lahat ng gusto ninyo pero hindi ko talaga magawang magmahal ng iba. Patawarin ho ninyo ako. Hanggang ngayon, si Raymund pa rin ang mahal ko..." malungkot kong paliwanag.

Namula ang mukha ni tatay sa inis. "Hindi ko siya gusto. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng mga magulang niya sa atin. Tinawag kang mukhang pera! Lalong-lalo kong hindi makakalimutan ang ginawa niya. Nag-take advantage siya sa'yo noon!" gigil na asik ni tatay.

"Ginusto ko rin 'yon 'tay!" hindi ko mapigilang sagot at naiyak. Durog na durog ang puso ko. Frustrated na rin dahil nakikita ko ang matinding disgusto ni tatay.

"Sir, I'm sorry. Gusto kong malaman ninyo na hindi ko ginusto na pagsalitaan kayo ng masama ng parents ko." singit na hinging paumanhin ni Raymund. Nasa mga mata ang matinding hiya at katapatan. Napahinga siya ng malalim at nagpatuloy. "Please, give us some chance. Nangangako ho ako na hindi na mauulit ang lahat noon."

Isang masamang tingin ang iniwan sa amin ni tatay saka umalis. Naiyak na ako. Nagalala rin ako sa kalagayan ni tatay at lihim na umaasa na huwag sanang makasama iyon sa puso niya. Niyakap naman ako ng mahigpit ni Raymund. Hiyang-hiya rin ako dahil pinagsalitaan siya ni tatay.

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon