CHAPTER ELEVEN

10.5K 286 9
                                    

NAPABUNTONG HININGA AKO matapos kong basahin ulit ang erotic literary column ng Heartthrob Magazine na Bedroom Voices. It was published six years ago but still, here I am. Reading it every time I missed him. Walang araw na hindi ko ito binabasa dahil sa paraang ito ko lang naaabot si 'Ray'.

O ang Raymund Forth ng buhay ko. Alam kong siya ang ray_thepleasureseeker dahil 'Damsel' ang madalas niyang itawag sa akin kahit na Ellaine Gervacio ang totoo kong pangalan. Tama siya sa simulang parte ng sulat. I was like a damsel in distress that time. Dahil doon ay iyon na ang naging endearment niya sa akin. 'Ray' naman ang itinatawag ko dahil nahahabaan ako sa Raymund.

Honestly, I liked it. Kinikilig nga ako sa tuwing tinatawag niyang 'Damsel' noon at hanggang ngayon, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Napakaguwapo ni Raymund. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagustuhan niya ako at nasiraan siya ng ulo kakahanap sa akin.

It just too sad, marami nang nagbago. Ang kilig na iyon ay hanggang sa sarili ko na lang. Hindi na ako kagaya ng dating dise nuwebe anyos na waitress na inuuna ang kilig. Hindi na ako ang dating nineteen years old na babaeng namomoroblema kung papaano mairaraos ang pamilya, pagaaral at buhay. Isa na akong beinte singko anyos na malayo na rin ang narating.

Kahit hindi ko natapos ang finals noon dahil sa biglaang paghinto, nakapagtapos pa rin ako. Nalaman ng tatay ko ang lahat dahil hinanap siya ng parents ni Raymund. Galit na galit ang tatay ko sa akin. Malaking kahihiyan daw ang ginawa kong pagpatol sa boss ko para makapagaral kaming magkakapatid. Sobra siyang nasaktan sa panghahamak ng parents ni Raymund kaya pinagsabihan niya akong itigil na ang lahat.

Ipinaglaban ko si Raymund. Dahil doon ay na-stress ang tatay ko at muntikan ng magkaproblema ang operadong puso niya. Na-ospital siya dahil nahirapang huminga. Kinausap ako ng doktor at sinabihang bawal ma-stress si tatay. Puwedeng maging dahilan iyon para bumigay ang puso niya at ikamatay. Dahil doon, nagising ako. Natakot akong mawala ang tatay ng dahil sa akin. Doon ko rin na-realize na kagaya ni Raymund, baliw na baliw na rin ako sa kanya at hindi na inisip ang mga consequences nang pinasok ko.

At kailangan ko nang tumigil. Masakit at mahirap pero nakaya ko. Ginawa kong motivation ang kalagayan ni tatay. Naisip ko rin na tama siya. Bata pa ako at marami pang puwedeng gawin sa buhay. Hindi ko dapat pinaiikot ang buhay ko sa isang lalaki ng ganoon pa kabata. Anuman ang nararamdaman ko para kay Raymund ay lilipas din. Nangako din siya na igagapang ang huling semester ko para makapatapos.

Agad kaming umalis sa apartment at tumira sa isang barong-barong sa Payatas. Nakahanap naman ng trabaho ang tatay ko noon bilang company driver. Nagipon siya ng pang-enrol ko at pagdating ng pasukan ay naghanap kami ng ibang school. Na-carry naman ang mga subjects ko noon kaya naka-graduate din ako agad.

After that, I was hired in Le Monette Hotel as Marketing Officer. After two years, I got promoted as Marketing Manager. Pinadala ako sa Le Monette Hotel Dubai bilang Marketing Manager doon at kababalik lang ng Pilipinas isang linggo ng nakararaan para dito ulit ma-assign. Nag-resign na kasi ang manager ng hotel kaya ako na ang manager ngayon dito.

Sa loob ng mga apat na taong pagtatrabaho ko sa hotel ay nagawa kong tulungan si tatay. Napagaral ko ang dalawang kapatid ko na parehong nasa high school na at hanggang ngayon ay ako na ang umaako noon. Nabilhan ko ng maliit na house and lot sa isang simpleng subdibisyon ang pamilya ko. Katatapos ko lang din hulugan ang taxi ng tatay at sa ngayon ay pinapasada niya iyon.

Nagkaroon na rin ako ng sariling bahay sa kalapit na subdivision din. Iyon ang unang binili ko noong umuwi ako. Sasamahan din ako ni Efren—ang lalaking kapitbahay ni tatay na civil engineer at inirereto niya sa akin—na bumili ng sasakyan para hindi mahirapang pumasok sa trabaho. Marunong na rin naman akong magmaneho. Naturuan ako ni tatay noon at mayroon na ring lisensya.

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora