CHAPTER SIX

16.2K 331 1
                                    

"Akala ko ba hindi ka papasok at mage-exam ka?" takang tanong ko kay Damsel nang makita ko siyang nagpupunas ng mga baso. Midterms na nila at puspusan siya sa pagaaral. Kaya kahit gusto ko siyang makasama tuwing Sabado, ako na mismo ang nagsabing huwag na muna dahil gusto ko rin namang makapag-focus siya. Sagot ko pa rin ang allowance nila ng kanyang pamilya. Kahit papaano, hindi na iyon issue sa amin dahil hindi ko na siya kinariringgan at kinakikitaan ng hiya. Naramdaman ko na ring parte na talaga ako ng buhay niya. Kapag may mga project siya at hindi siya makakapasok, humihingi siya ng pahintulot at paalam sa akin.

I was really happy. Kung sa tingin ni Damsel, nakahanap siya ng belongingness sa akin, ganoon din naman ako sa kanya. Matagal na panahon na ring wala akong nakakasama sa buhay kaya masaya ako na may isang Damsel na ngayon sa buhay ko.

"Sir, tumawag po si Ma'am Irma sa akin, kulang daw po ng tao," sagot niya saka nagiwas ng tingin. Napalingon tuloy ako sa paligid namin dahil hindi aasta ng ganoon si Damsel kung walang nakatingin. Nagtiim ang bagang ko ng makita ko si Irma na nakatayo hindi kalayuan sa amin at matiim na nakatingin. Parang inoobserbahan kami.

Huminga ako ng malalim. "Stay here. I'll talk to her,"

"P-Pero—"

Umalis na ako agad para hindi na makatanggi si Damsel. Nilapitan ko si Irma. Napalunok siya ng makitang pormal na pormal ako. Bigla akong nainis talaga. Kinausap ko na nga siya na hindi p'wede si Damsel, tinawagan pa rin!

"I thought we talked about this? Nagpaalam na si Damsel sa akin, pinapasok mo pa rin," nagtitimping bungad ko.

Saglit na natuliro si Irma hanggang sa napansin kong nagkaroon ng bahid ng inis ang mga mata niya na tila dinaya lang ako.

"Wala na po kasing ibang available. Friday pa naman po. Siguradong maraming tao mamaya at maraming gigimik," dahilan niya.

Nagpakatimpi ako. "Pauwiin mo si Damsel at exam niya. Magtawag ka ng extra kung walang available sa mga naka-day off. Now," mariing saad ko.

Tumalima na siya agad. Napabuga ako ng hangin. Hindi muna ako pumasok sa opisina at pinagmasdan ko si Irma. Kinausap niya si Damsel. Ilang sandali pa, pumasok na sa quarters si Damsel saka pasimpleng tumingin sa akin. Pasimple din akong tumango at nakahinga na ako ng lumabas na siya. Si Irma naman ay may mga tinawagan.

"What happened?" tanong ko ng makita kong tapos na siyang tumawag.

"Si Digs po ang dadating," pigil hiningang imporma niya sa akin.

Napatango na ako. Gusto ko pa siyang sermunan pero nagpakapigil na lang ako. Pumasok na ako sa opisina at nakita kong may message ako sa cellphone. Napangiti na ako ng makita kong nagpapasalamat si Damsel at didiretso na daw siya sa library ng school nila para makapagaral pa bago ang exam.

Panggabi ang pasok ni Damsel sa araw na iyon at alas nuwebe siya ng gabi uuwi. Minabuti kong sunduin siya. Madalas ko namang gawin iyon para hindi siya mahirapang umuwi.

Tinapos ko muna ang trabaho at binilinang muli si Irma. Nakahinga na akong tuluyan ng makita kong nandoon na rin si Digs. Kapatid siya ng isang waiter namin na nag-resign dahil nagpunta sa Qatar. Dati na siyang nage-extra sa akin pero dahil walang opening, hindi ko siya ma-hire.

Umalis na ako at nagpunta na sa university ni Damsel. Eight thirty na ako nakarating doon at matyaga akong naghintay sa labas. Nagpadala ako ng message kay Damsel na nandoon na ako kaya inaasahan kong alam na niyang naghihintay ako.

Makalipas ang thirty minutes, doon ko nakitang lumabas si Damsel. Napangiti ako. I felt excited. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na napansing halos hindi na ako humihinga habang pinagmamasdan siya.

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Where stories live. Discover now