CHAPTER THIRTEEN

10.6K 292 3
                                    

"Mukhang may lakad ka, anak. Saan ba ang lakad mo? Kasama pa naman namin si Efren. May dala siyang pancit." anang tatay ng madatnan niya akong bihis na bihis. Araw ng day off ko. Kadalasan, nagbo-bonding kaming magaama. Minsan ay dinadalaw nila ako o ako ang dumadalaw. Kapag sila ang nagpupunta sa akin ay wala silang ibang gagawin doon kundi ang kumain, mag-internet o manood ng movie. Mayroong wifi kasi sa bahay ko kaya nawiwili sila sa internet.

Nagisip ako kung sasabihin ko ang totoo kay tatay. Wala pa kasi siyang alam na nakipagkita ako ulit kay Raymund. Bigla kong naalala kung paano siya nagalit noon. Halos maatake na kaya minabuti kong magsinungaling muna. Wala naman akong balak na itago iyon pero sa ngayon, iyon ang naisip kong magandang gawin para huwag mausyami ang lahat.

Yes. I am so damn willing to have Raymund back. Pagkatapos namin magharap isang linggo ng nakaraan ay pasimple akong nagtanong-tanong sa bar. Kinaibigan ko si Narda—ang isang waitress ni Raymund. Sa kanya ko nalaman na si Trina ay anak ng dating mayor ng Manila. Doon ko naalala na siya ang tinutukoy ni Raymund sa Heartthrob magazine noon na tumulong para makakuha ako ng scholarship. At base sa nalaman ko, magiisang buwan na silang nagde-date. Mukha talagang handang palitan na ako at hindi ako makakapayag.

But still, I am willing to do everything for Raymund. Kung nagde-date pa lang sina Raymund at Trina, ibig lang sabihin ay hindi pa pormal ang dalawa. May pagasa pa ako. Naisip ko rin na ginawa niya ito noon sa akin. Ngayon, panahon na para ako naman ang magpakita ng katibayang hindi ko na siya iiwanan...

"Oho. May aasikasuhin lang ako." simpleng sagot ko at sana, huwag na siyang magusisa. Ayaw kong magpatong-patong pa ang kasinungalingan ko.

"Samahan na kita." boluntaryo ni Efren.

"Siya nga naman. Para may kasama ka. Sige na. Umalis na kayo at kami na lang ang magsasara nitong pinto." taboy ni tatay sa amin.

Napabuntong hininga ako at sumunod na kay Efren. Naisip ko na ring gamitin ang pagkakataong iyon para makausap na siya. Sa ayaw o gusto ni Efren, dito na magtatapos ang pagpaparamdam niya sa akin.

Sa daan ay panay ang kwento ni Efren hanggang sa napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. Agad naman niyang inalis iyon dahil napansin niyang hindi ko iyon nagustuhan.

"I'm sorry. Nabigla yata kita." napapahiyang hingi niya ng paumanhin at natawa ng alanganin. "Ellaine, kahit ba kaunti, wala ka talagang feelings sa akin?" nanatyang tanong ni Efren. Naisip kong iyon na rin ang tamang timing para tapatin ko ulit siya.

Napatango ako at apologetic siyang tiningnan. "Pasensya ka na talaga. Sana, pagaralan mo na rin akong kalimutan. Kailangan mo na ring itigil ito. Wala kang mapapala sa akin. Mas magandang ibaling mo na sa iba ang nararamdam mo."

Napatango siya at natahimik. Nasa mga mata ang lungkot. Lihim akong nanalangin na sana ay makahanap siya ng babaeng totoong magmamahal sa kanya. Deserve ni Efren iyon dahil mabuting lalaki siya.

"I'm sorry, Efren," mahina kong saad.

Bahagya siyang natawa pero nasa mga mata pa rin ang lungkot. "Wala kang dapat na ihingi ng sorry. Ako lang itong makulit. Umasa ako kahit hindi mo ako binigyan ng pagasa. Naisip ko kasi noon na kung makikita mong todo ang effort ko, baka magbago ang pagtingin mo. Pero sa mga sinabi at nakikita ko, tingin ko ay hindi na mangyayari iyon." mapait niyang amin.

Pareho kaming napabuntong hininga at natahimik. Ilang sandali, minabuti kong pumara na sa tabi. Ayoko nang patagalin ang agony ni Efren. Alam kong nasasaktan na siya sa presensya ko.

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Where stories live. Discover now