CHAPTER FOUR

16.7K 370 7
                                    

"S-Sir?" bungad ni Damsel. Parang piniga ang dibdib ko pero kinalma ko ang sarili ko. Pinapasok ko siya at pinaupo sa visitor's chair. Nagisip akong muli kung papaano bubuksan ang topic tungkol sa pagaaral niya hanggang sa naisip ko, bakit ko pa idadaan sa ligoy ang lahat?

"Let's not beat around the bush, Damsel. I heard Raul. Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may problema ka pala?" nanantyang tanong ko sa kanya.

Namutla si Damsel. Saglit na umawang ang labi niya. Napatingin ako doon. Napalunok ako ng bigla kong naalala kung gaano katamis ang labi niya. Kung papaano nagpakawala ng masarap na ungol si Damsel noon...

Tumikhim ako at sumandal para kalmahin ang utak ko. Tinitigan ko siya. I let her noticed that I am serious. Mukhang nakaramdam si Damsel. Doon siya napayuko at napabuntong hininga.

"S-Sir... hindi ko naman ho iniisip na kailangan pa ninyong malaman ang mga problema ko. T-Tama na ho sa aking nakakasama ko kayo sa tuwing nalulungkot ako..." mahinang sagot niya pero nayanig ng husto ang utak ko.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Did she just make me an outlet? Should I be happy about it? Isip ako ng isip hanggang sa naramdaman kong parang may mali. I was hoping for more. And I don't expect to hear that from her...

"Hiniwalayan na ho ako ni Freddie dahil may nahanap na siyang ibang babae. Hiniwalayan niya ako kung kailan kailangan ko siya dahil sa nangyari sa tatay ko..." mahinang amin niya saka malungkot na napatitig sa akin. "P-Pero sir... nandito kayo. Pinaramdam ninyo sa akin na hindi ako nagiisa. Sapat na sa akin iyon..."

Nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko. I can felt her sadness, her pains. It was written I her eyes. I can feel it in her words. And right there and then, I want to erase those feelings. I want to see her smile again.

"I want to help," sabi ko saka tumayo. Naupo ako sa tapat niya at hinawakan ang mga kamay niya. Hindi ko na itatago pa ang kagustuhan kong makapasok sa buhay niya. Yes, it started in lust and I am still lusting for her but... I want to be part of her life. Bilang lalaking may mga resources, alam kong makakatulong ako sa kanya.

"Sir?" takang tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Pagaaralin kita pati mga kapatid mo. I want to help your family. Hindi ka na iba sa akin, Damsel," paliwanag ko saka hinawakan ang kamay niya at pinisil.

Napatitig siya sa akin at hinila ko siya. Sa isang iglap, naikalong ko na siya. The moment I felt her familiar softness and warmth against my body, I sighed. Inilubog ko ang ilong ko sa batok niya at napaungol siya. "S-Sir... pinawisan ho ako," nahihiyang anas niya.

"But you still smelled heavenly," sagot ko saka ko muling sinamyo ang bango niya. God... I realized how much I missed her. Ang bilis ng reaksyon ng katawan ko. Palibhasa isang linggo na akong walang nakakatalik. Madali na akong tigasan dahil doon.

"N-Nahihiya na ako sa inyo, sir," nahihiyang sagot niya saka napayuko. Namumula na rin ang mga pisngi niya sa hiya.

Tinitigan ko siya at nginitian ng masuyo. Hinaplos ko ang pisngi niya. I like how the way she blushed. Parang ang sarap kagatin ng pisngi niya. "Don't be. Hindi ka na iba sa akin. Isipin mo na lang, ginagawa ko ito para mapasaya ka," anas ko. I showered her with butterfly kisses on her cheeks. Damn, I got harder in just one snapped.

"B-Baka may magalit sa akin..." nahihiyang ungol niya.

Doon ako napangisi. "Wala akong girlfriend," anas na sagot ko saka kinagat ng bahagya ang tainga niya. Napaungol siya. I grinned the moment I saw her goose bumps. Hindi pa rin pala kumukupas ang epekto ko sa kanya. "Wala rin dito ang parents ko. Nasa ibang bansa kaya huwag kang magalala. Walang makikialam sa akin,"

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon