CHAPTER FOURTEEN (SPG)

17.6K 318 2
                                    


"Here. Bigyan mo ako ulit ng margarita." utos ni Trina sa akin saka ibinalik ang kopita niyang walang laman. Gusto ko ng mag-roll ng eye balls at irapan si Raymund na seryosong nakatingin sa akin pero nagpipigil lang ako.

Iyon pala ang mga balak niyang gawin sa akin: ang saktan ako ng paulit-ulit. Sa loob ng isang linggo, inalila niya ako. Every day, pinapapunta niya ako sa bahay niya at pinalalaba. May washing machine naman at hindi naman nakakapagod kaya okay lang. Bukod doon ay pinagluluto din niya ako at pinaglilinis. Ganoon daw dapat ang gawin ko bago pumasok ng trabaho.

Okay lang iyon pero ang hindi ko ma-take ay ang iladlad niya si Trina sa harapan ko. At take note, ako pa ang nagluto ng dinner nila at gumawa ng cocktail drinks! Ayaw pa niya akong pauwiin. Ang gusto pa ni Raymund ay hintayin ko silang matapos. Mukhang balak pa akong paghugasin ng pinagkainan nila. Argh!

Alam kong wala akong karapatang magreklamo pero hindi ko mapigilan. Nakakainis at nakakasama ng loob na makitang may kasamang iba si Raymund. Oo at may utang na loob din ako kay Trina. Kundi dahil sa kanya, hindi ako magkakakaroon ng scholarship noon at maitatawid ang ilang semester. Pero kahit na! Sinasaktan din niya ako. Sapat ng kabayaran iyon sa mga naging tulong niya.

Napabuntong hininga na lang ako at gumawa ulit ng margarita saka iyon ibinigay kay Trina na walang ibang ginawa kundi ang ismiran ako ng paulit-ulit. Nasundan ko na lang siya ng tingin noong balikan niya si Raymund at kumalong. Doon na ako nagiwas ng tingin. Hindi ko nakaya iyon. Pakiramdam ko, nadurog ako ng husto.

Napakurapkurap ako at tumalikod. Umasta akong naghuhugas ng kamay sa lababo. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na iyon ang parusa ni Raymund. Wala akong karapatang magreklamo pero shit. Ang sakit-sakit!

"Matulog na tayo..." dinig kong ungol ni Trina at pasimple akong napatingin. Kita kong nilalaro na niya ang tainga ni Raymund. Naglalambing at mukhang gusto-gusto naman ng herodes!

Damn! Nagdidilim na talaga ang paningin ko. Ako lang dapat ang gumagawa noon kay Raymund!

"Let's go. Ihahatid na kita." malamig na saad ni Raymund at tumayo. Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Trina hanggang sa napangiti.

"Okay. Mas gusto mo sa bahay?" malanding bulong ni Trina saka ako inirapan. Umabryiste na siya kay Raymund.

Doon naman ako hinarap ni Raymund. "Maghugas ka muna bago umalis." malamig niyang utos saka tuluyang umalis.

Napanganga ako hanggang sa napabuga ng hangin. Gigil na gigil na talaga ako. Naghugas ako habang tinutungga ang margaritang hindi naubos ni Trina. Hindi pa ako nakuntento. Gusto kong mawala ang pait sa puso ko kaya kumuha pa ako ng brandy ni Raymund at tumungga. Doon ko lang nasubukang maghugas ng pinggan na naglalasing at lintik! Kahit ano'ng tungga ko, mapait pa rin ang nararamdaman ng puso ko...

"What are you doing?"

Sa nanlalabong paningin, napatingala ako. Natawa ako ng makita ko si Raymund. Distorted ang mukha. Ah, lasing na ako. Nakayukyok na ako sa dining table niya at halos kalahati na ng bote ang nainom kong alak.

"Raymund, mashaya ka ba?" madulas na tanong ko. Ang lakas na ng loob ko dahil sa alak.

Napabuga siya ng hangin at binuhat ako. "You're drunk."

"And hurt." pagtatama ko at napahagikgik. dahil sa alcohol. Makapal na rin ang mukha ko. Hindi na ako nahiyang yumakap sa leeg ni Raymund. Napangiti ako ng maamoy ko ang bango niya. "God... I miss your scent." anas ko at ibinaon ang ilong ko sa gilid ng leeg niya.

"Ellaine!" gigil na awat ni Raymund.

Napabungisngis ako. "Why? Getting arouse in an instant? Hindi ka ba napagod kay Trina? Kaya mo pa ba?"

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Where stories live. Discover now