CHAPTER ONE (SPG)

31.6K 509 14
                                    

December 22, 2013

Ray's Den Christmas Party

Subic Waterfront Resort and Hotel

Masaya akong nakatitig sa grupo ng mga tao ko. Nasa function hall kami ng resort at doon ginanap ang Christmas party namin. Alam kong masaya ang mga tao ko dahil sa loob ng limang taong nakatayo ang Ray's Den—ang bar and restaurant na pagaari ko—ay ngayon lang ako nagpa-christmas party sa isang mamahaling resort.

Tapos na ang games at awarding ng mga regalo. Nakakain na rin ng hapunan ang mga tao ko at nagsisipaginuman na sila. It was ten o'clock in the evening. Alas sais ng hapon nagsimulang uminom ang mga tao ko at alam ko, tamado na ang iba sa kanila.

Doon ko napansin si Damsel. Lumabas siya at hawak ang cellphone niya. Mukhang may problema dahil na rin sa madilim na mukha niya. Ni hindi na nga niya napansing dumaan siya sa tapat ko. Nasundan ko na lang siya ng tingin habang umiinom ng isang bote ng beer. Hindi ko mapigilang mapatitig sa pangupo niyang mabibilog. Bilang lalaki, hindi ko maiaalis sa sarili ko iyon.

"Mukhang nagaway na naman sila ng boyfriend niya, boss,"

Napalingon ako kay Raul. Waiter ko si Raul. Twenty four years old. Three years na siyang waiter sa akin at masasabi ko namang maasahan siya pagdating sa trabaho. Iyon nga lang, hindi lingid sa kaalaman kong mahilig din siya sa babae. Sa mga waitress ko, tatlo ang ex-girlfriend niya. Palibhasa, may itsura kaya madaling makabingwit din ng babae.

Hindi ko mapigilang manghinayang na naman sa naalala ko. She's taken. Hindi ko pa nakikita ang boyfriend niya. Tanging mga usapan lang tungkol doon ang naririnig ko mula sa mga tao ko.

Isang taon na ring nagtatrabaho si Damsel sa akin at aaminin ko, pinapantasya ko siya. Hindi ko masisisi ang sarili ko. Napakaganda ni Damsel. She looks like an angel. Mahaba ang alun-alon niyang buhok na abot sa gitnang likuran. Maliit ang mukha niya. Mapupungay ang mga mata na itim na itim. Puno ng kainosentihan iyon at nakakahalinang titigan.

Maliit at matangos ang ilong niya. Makikipot at mapupula ang labi niya. And every time I was staring at her secretly, I found myself imagining things towards her. Lalaki lang ako. Pinapangarap ko ang isang babaeng tulad niya na mahalikan at mayakap. Ang ganda pa ng hugis ng katawan niya. Parang hindi siya disi nuwebe anyos. Malaking bulas siya. Mukha na siyang beinte singko.

Sometimes, while staring at her, I've been thinking of banging her from behind. I would imagine her screaming my name until she begged me to go faster. Pero hanggang doon lang ako. Isang pantasya dahil ayoko namang i-harass siya at mawalan ng isang maasahang taong tulad niya. Pinigilan ko ang kung anumang kahalayang tumatakbo sa isip ko noon. Madalas, idinadaan ko na lang ang matinding init ng katawan ko sa ibang babae.

"Titingnan ko lang baka kung ano na ang nangyari sa kanya," ani Raul nang lumipas ang maraming minutong hindi pa bumabalik si Damsel.

"No. Stay here. Sabihan mo na lang si Irma na papasukin na 'yung ibang staff na marami ng nainom, okay?" bilin ko. Tumango na siya at lumabas na ako.

Lumabas na ako habang hawak ko ang sariling beer. Naglakad-lakad ako para hanapin si Damsel. Makalipas ang sampung minuto, napalingon ako sa function hall. Dinig ko pa rin ang ingay at tawanan. Mukhang nagkakasiyahan na ang mga tao ko.

"Ano ba? Kausapin mo naman ako..."

Napatingin ako sa kanan dahil doon nanggaling ang tinig. Bumilis ang tibok ng puso ko ng lumakas pa ang hikbi. Pawang mga halaman ang nandoon. Napalunok ako at hinagilap ko ang pinanggalingan ng tinig hanggang sa nakita ko si Damsel na nakaupo sa damuhan. Nasa likod siya ng malaking puno at nakasandal doon. Tutop niya ang mukha habang nasa kaliwang tainga ang cellphone.

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Where stories live. Discover now