ray_thepleasureseeker

9.3K 269 3
                                    


That's how Damsel and I ended. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako. Kaya ng malaman ko at makita ang column na ito ng Heartthrob Magazine, pinatulan ko na. Naengganyo akong isulat ang kwento namin. And here I am, writing this confession and I was hoping that Damsel might read this.

Damsel, kung nababasa mo ito, nagmamakaawa ako. Suko na ako. Please, let me at least see you. Hindi na ako magde-demand pa ng sobra. Magpakita ka lang, kahit sa malayo lang, kahit isang minuto lang, makukuntento na ako. Ang hirap ng ganito. Hindi ko alam ang kalagayan mo. I am losing my mind already...

Gusto ko ring sabihin na hindi man tayo nagsimula sa tama, nagsimula man sa init ng katawan ko ang lahat at sinamantala ko ang kalungkutan mo para makasama kita... minahal kita. I have fallen in love with you without noticing it. I have loved you more than we both imagine. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, kahit masakit sa akin, hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo basta, lumabas ka na at magpakita ka na sa akin...

ray_thepleasureseeker

PLEASURE SEEKER (PUBLISHED UNDER LIB BARE)Where stories live. Discover now