Nagulat talaga ako ng bigla syang magmura noong inaayos niya ang speakers na iyon (unexpectedly, it worked because of that). Nakita ko kung paano siya napapikit sa sakit at agad napahawak sa kamay. Kita ko pa kung paano iyon dumugo. Ginamot ni Kylie ang natamo niyang sugat, at pansin ko rin na napansin nga niya ang naging biglaang reaksyon ko.

“Seriously bruh?” she even mouthed me before attending to her wound. But later on, she wore a smirk that pertains to what I did earlier, and I'm not regreting it.

Maya-maya pa, nang matapos ang snacks, ay nagsi-uwian na kami. Mga 4 na iyon ng hapon. Hindi kami nakapag-usap na gaano ni Exellor noon, dahil iniwasan ko ang sarili kong maintriga sa mga kaibigan ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi pa akong handang sabihin ang nararamdaman ko sa iba, lalo na sa mga kaibigan ko dahil gusto ko muna manigurado. It happened so fast and I have no goddamn idea bakit ngayon lang ako nagkaganito. I'm not even interested on girls noon, pero para bang ang dami ko nang ideya tungkol sa kanila kahit nawala naman akong experience sa relationships.

Yes, I had some flings back then, but I got just tired of the idea, and turned my attention to video games instead. Besides, it hurts too, girls reminds me of my own mother.

Umuwi na rin ako noon, nang makitang umuwi na rin siya.

Hanggang pag-uwi, ay dala ko ang malapad kong ngiti dahil sa naging araw ko. Alam kong napansin ito ni Manang, at kung tingnan ako ay para bang nasa mental ako, but what? She caused this! She caused this smile that I can't wipe off my damn face.

Ang pakiramdam ko, na kahit wala pang kasiguraduhan ang mga sirkumstansya sa aming dalawa, ay ipaglalaban ko itong nararamdaman ko.

***

“So class, I have an announcement for you all. This is important and all of you should listen carefully.” sabi ni Mr. Dimatura na Animation teacher namin and at the same time, adviser. Nagkaroon naman ng katahimikan at naghintay pa ang iba na ituloy ang sasabihing announcement.

Naging successful ang debut namin noong Monday. After ng klase, dumiretso kami sa theater room para magperform, along with other bands na magdedebut rin pala at the same day.

Kapag nasa isang banda ka, na officiated ng school organization (or SSG/School Council), ay technically, your not part of the Glee Club. Judge lang sila kung gusto mong sumali sa isang band/bumuo ng isang band. Currently, tatlong official bands lang ang mayroon sa Florentin, that includes mine.

So in this case, Exellor never got to be an official member of the club, instead, she became a band member of Marshall's Death.

As usual, parang nasa Araneta ang pakiramdam sa theater room nang magperform kami. Maraming sumisigaw ng pangalan, and chanting the band name. It's really flattering, na kahit natigil ang gigs namin (nagsimula yung banda noong Grade 8 pa kami, we stopped when we were Grade 9), ay marami pa ring sumusuporta sa amin. Aware naman ako sa iba na gusto lang ang banda dahil sa mga itsura namin (no one can deny that), but most likely, mas naaappreciate ko ang mga taong hindi lang sa amin ang suporta, kung hindi rin dahil sa mga kantang aming kinakanta.

We sang 3 songs in total, having Exellor with me as the vocals for the first song, Rhianne and me for the second one, and well, only me for the final.

I also announced that Exellor will be the newest member of the band. Hopefully, we got no negative responses. Majority of the audience thought, dahil kailangan namin ng pamalit kay Aimee, but it's just that we really want her to join.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now