**

~Hazelle's POV!~

"Johnny?" Bakit biglang lumabas sa bibig ko yun? Napahawak ako sa bibig ko.

Bakit parang automatic na lumabas sa bibig ko yun?

"Kyou?" Agad akong napatingin kay Kevin, lumapit sya sakin at hinawakan ako sa muka. "Namumutla ka, Anong meron?" Tanong nya.

Umiling lang ako.

"Kyou.."

"Wala, may naisip lang ako." Sabi ko tapos tumayo na ako. Pero napahawak ako sa ulo ko.

Tumingin ako sa malayo, at may nakita ako na babaeng biglang natumba.

"Katherineee!" Napalingon si Kevin sa biglang sumigaw, boses na parang kilala ko, Kaya kahit parang masama ang pakiramdam ko, sumunod ako kay Kevin na biglang tumakbo.

May isang lalaki na bumuhat kay Katherine at ibinigay kay Kevin, tsaka tumakbo si Kevin papunta sa sasakyan nya.

"Raph! Ikaw muna bahala kay Kyou!" Sigaw nya tsaka nya pinaandar yung sasakyan nya ng mabilis.

Tumingin ako sa lalaking katabi ko ngayon.

Hindi ko alam pero biglang may tumulo na luha mula sa mga mata ko, parang nangyari to dati.



"I love you Kyou."


"I love y--"


"Seb! Pakibuhat naman nitong mga alak, Sige Kyou! Aalis na ko!"



Iniwan nya ko para sa ibang babae? Iniwan nya ko para sa babaeng mahal nya.

"Hazelle?!" Bigla nya kong inalalayan dahil bigla akong nanghina at muntik na kong matumba.

"Hazelle!?" Tawag nya sakin, tsaka nya ko sinalat. "Fck! Ang taas ng lagnat mo!" Sigaw nya sakin.

Sino ba tong lalaki na to? Ganito rin ang scenario noon, Sya ang kasama ko, Sya ang umaalalay sakin. Sino ba sya? Bakit pamilyar sya sakin?

"Mahal mo na sya no?"

"H-hindi no!"

"Psh, Indenial~"

Raphael? Tinignan ko sya.

"Ano ka ba! Bestfriend mo sya tapos pagseselosan mo!"

"Iba kasi sya Kyou!"

"Johnny naman eh!"

Johnny?

Vincent John Shin?

"Sht! Teka, tatawagan ko lang si Sandra." Sabi nya habang nakaalalay parin sakin, kinuha nya yung cellphone nya at may kinausap, naramdaman ko na lang na binuhat nya ko. "Hazelle?"

Hindi ko pinansin ang tawag nya sakin, Pakiramdam ko, nanghihina ako, Ang daming tanong na gusto kong hanapan ng sagot, Bakit bigla-bigla akong nasasaktan? Bakit bigla-biglang lumalabas yung imahe ng isang lalaki sa isip ko.

Bakit bigla-bigla kong nababanggit ang pangalan nya.

"Hazelle?! SHT!" Sigaw nya dahil nakapikit na ko.

Sino ba si Johnny?



Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Where stories live. Discover now