MAYBE THIS TIME

12.7K 136 1
                                    

*note: next chapter is the Finale of "Kasalanan Ba Ang Magmahal?"

MAYBE THIS TIME
PROLOGUE


Nagising ako na wala na si Christine sa tabi ko. Agad akong lumabas ng kwarto at tinanong ko sila Mark kung nasaan si Christine at ang sabi ay kagabi pa nagpaalam na uuwi na siya.

Kaya naman nagmadali akong naligo at nag-ayos ng gamit at pinuntahan si Christine.

Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila para linawin ang lahat kung mahal pa rin niya ako.
Dahil ako, mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at pinagsisisihan kong nagmahal ako ng iba nung umalis siya ng bansa.

Napapaisip pa rin ako tungkol sa mga nangyari kagabi..
Ramdam kong may feelings pa rin siya sa akin at handa akong gawin ang lahat para makipagbalikan siya sa akin. Para patunayan na pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko.

Agad akong bumaba ng kotse at naglakad, nang kakatok na ako sa pintuan ay nagbukas ito at lumabas si Christine.

"Jeric? What brought you here?"
Nagtatakang tanong ni Christine.

"Can we talk?"
Saad ko.

"Tungkol saan?"
Agad niyang sagot.

"Yung tungkol kaga.."

Naputol ang sasabihin ko nang may lalakeng lumabas at umakbay kay Christine

"Babe, let's go?"

Bigla naman siyang napatingin sa akin,
"Who is he?"

"He's my friend, Jeric."

Friend??

"Hi, I'm Luis, Christine's boyfriend."
Nakipagkamay sa akin yung lalake.

Boyfriend??

"Nice to meet you."
Nakipagkamay rin ako kahit labag sa kalooban ko.

"Pinadaan ako nila Mark dito to check kung nakauwi ka ng maayos, since dito rin yung way ko pauwi."
"Osya, I have to go."
Saad ko para hindi ako magmukang tanga.

Ang sakit..

Umasa akong magkakabalikan pa kami ni Christine ngunit may mahal na pala siyang iba.

Bakit?
Bakit pa niya hinayaang may mangyari sa amin kagabi?

Bakit ipinaramdam pa niya na mahal niya ako kung may mahal na pala siyang iba?

Christine Santos - A hardworking girl who chose to fulfill her dreams of becoming a cabin crew so she can help her family

Jeric Cordoves - A wealthy man who loves Christine so much but when Christine left the country to work for her family, he fell inlove with someone else

Luis Gonzalez - An airline manager and a businessman who fell in love with Christine because of her charm and kind heart

Paano kung sa pag-alis mo sa Pilipinas ay napalitan ka na sa puso ng taong pinakamamahal mo?

Paano kung na-realize niya na ikaw talaga ang mahal niya? Ngunit sa pagbalik mo ay may minamahal ka nang iba..

Bibigyan mo pa ba siya ng pagkakataong mahalin at saktan kang muli?

O pipiliin mo yung taong tinulungan kang maging buong muli?

Kindly add my 5th story to your library,
"Maybe This Time" Written by: MissInvisible009

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Where stories live. Discover now