CHAPTER 2

17K 347 2
                                    

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 2

JUSTIN'S POV

Ring... Ring...

"Hey bro, napatawag ka?"

"Galing ako sa bahay kagabi pero hindi kita dinatnan don, hindi ka rin sumasagot ng mga tawag ko. Nasaan ka ba?"

"Nandito ako ngayon sa condo ko kuya, medyo napainom kasi ako kagabi."

"Hindi mo siguro nabasa yung message ko. Sayang naman, minsan na nga lang ako makauwi sa bahay. At bakit umiinom ka na naman? Don't tell me break na naman kayo ni Jessica?"

"Yes kuya, nakipagbreak na naman sa akin si Jessie, may tatlong linggo na rin."
Napahinga ako ng malalim.
"Ayaw niyang magpakita sa akin at hindi siya nagrereply o sumasagot ng mga tawag ko. Mukang hindi na talaga niya ako mahal."

"Alam mo bro, bakit ka magtitiis sa taong hindi ka naman pinapahalagahan?"
"Kung ako sa'yo ilelet go ko na siya, 'wag mong paikutin yung mundo mo sakanya dahil marami pang bagay diyan na pwedeng magpasaya sa'yo."

Tama si kuya Anthony, dapat ko nang i-let go si Jessie.

"Huwag kang manghinayang sa five years Justin, malay mo, may makilala ka pang iba."

Naisipan ko tuloy ikwento sakanya yung babaeng nakilala ko, si Alex.

"You know what bro, I met someone 3 weeks ago, nung time na nakipagbreak sakin si Jessie at nagpakalasing ako."

"See, meron ka na palang na-meet na bago eh."

"Yes. Maganda siya, sexy at mabait. She took care of me when I was drunk, dinala niya ako sa condo niya."

"Grabe, iba talaga ang sex appeal ng kapatid ko ah."
Natatawang sambit ni kuya.
"So I guess may nangyari sa inyong dalawa? Ano pang minumukmok mo dyan."
Natatawa na naman siya.

"Wala noh."
Agad ko namang sagot.

"Sus, para namang iba yung kausap mo."

"Wala talaga kuya, I swear, hindi siya tulad ng ibang babae na mapusok at mapagsamantala, at mukang mabait talaga siya. Pinalaundry pa niya yung damit ko at sabay pa kaming kumain ng breakfast na niluto niya."
Napangiti ako dahil naisip ko na naman yung araw na yun.

"At isa pa, hinatid pa niya ko kung saan nakapark yung kotse ko."

"Naks, ang gwapo talaga ng kapatid ko."
Natatawa na naman si kuya.
"Malay mo, she's the one na pala. Why don't you try to know her more? Makipagkaibigan ka tapos ligawan mo. Para naman makamove on ka na rin from Jessie, baka hindi talaga si Jessie ang para sa'yo."

"You think so?"

"Yes bro."
"Osya, I have to go, nandito ako sa airport ngayon at papunta akong Davao. Tawagan na lang kita next time."

"Ingat ka bro, salamat sa payo mo."

"Walang anuman, magiingat ka rin at balitaan mo na lang ako about sa future girlfriend mo."

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Where stories live. Discover now