CHAPTER 14

11.6K 259 10
                                    


KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 14

SOFIA'S POV

Nandito na kami ngayon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Mahigit dalawang taon na rin nung huling beses na nakatapak ako dito.

Bakit ganito, bakit bumabalik pa yung mga alaalang 'yun?

Bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko ito ma-explain kung excited lang ba ako dahil ipapakilala ako ni Anthony sa parents niya o may hindi magandang mangyayari o baka naman napaparanoid lang ako na baka hindi ako magustuhan ng parents niya. Baka sobrang taas ng standards nila at hindi ko ma-meet yung expectations nila.

Hayy. Ano ka ba, Sofia? Just relax, enjoy and go with the flow.

"Are you okay, love?"
Tanong ni Anthony habang hinihintay namin ang driver niya.

"Ah yes, I am, love."
Agad ko namang sagot at ngumiti ako.

Hawak ni Anthony ang kamay ko at hinalikan ito.

"Excited na ko."
Saad niya at kumindat pa sa akin.

Ang gwapo talaga ng love ko.

ANTHONY'S POV

Habang nasa byahe ay magkaholding hands kami ni Sofia.

Excited na ako na ipakilala siya kila mommy at daddy.

Nagtext rin si Justin na uuwi sila ni Jessie sa bahay para ma-meet ang girlfriend ko.

I'm sure na magugustuhan nila si Sofia at makakaclose nila siya agad.

Napansin kong kanina pa tahimik ang mahal ko at tila malalim ang iniisip.

Okay lang kaya talaga siya?

Inakbayan ko siya tapos idinantay ko yung ulo ko sa ulo niya at hinimas ko yung braso niya para maging kumportable siya.

"Don't worry love, everything's going to be fine."

SOFIA'S POV

Pagkalipas ng mahigit kalahating oras ay nakarating na kami sa harap ng isang napakataas na gate.

Pagbukas nito ay nasilayan ko na ang napakalaki at napakagandang mansyon nila Anthony.

"Good morning po."
Bati ng mga guards habang papasok ang kotse.

Nang makarating na sa main entrance ng mansyon nila Anthony ay pinagbukas kami ng pinto nung driver niya at ibinaba na ang mga gamit at pasalubong na dala namin.

"Welcome home, Anthony, anak!"
Sambit ng babaeng kamukang-kamuka ni love.

"I missed you po ma."
Agad silang nagyakapan at mukang namiss ang isa't isa.

"By the way ma, si Sofia po, yung pinakamamahal ko."
Ipinakilala ako ni Anthony sa maganda at sexy niyang mommy.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant