CHAPTER 15

12.2K 243 11
                                    

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 15

(kindly play "All I Ask" by Adele para mas ma-feel niyo itong chapter na 'to)

JUSTIN'S POV

"I'd like you to meet my girlfriend, Sofia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I'd like you to meet my girlfriend, Sofia."

Tumayo yung babae at ngumiti sa akin.

"Hi. Nice to meet you."
Ngumiti siya sa akin na para bang wala kaming nakaraan, yung parang walang namagitan sa amin, yung parang hindi niya ako minahal, yung parang hindi niya ako iniwan.

Tila nanlamig ako at nahihirapang kumilos at magsalita.

Biglang nagflashback ang lahat ng masayang alaala namin ni Alex, yung bawat ngiti niya na tanging para sa akin lang noon.

Hindi ko inaasahan na ngayon at dito pa kami magkikita.

Bakit ngayon pa kung kailan may asawa na ako?

Bakit, kuya? Bakit si Alex pa?

Paano?

Paano kayong nagkakilala?

Bakit yung babaeng mahal ko pa?

I cleared my throat at huminga ako ng malalim.
"Nice to meet you too."
Saad ko habang pinipilit kong maging okay kahit na tila maluluha na ako dahil parang sasabog na itong puso ko.

"Siya yung palagi kong ikinukwento sa'yo bro, yung babaeng muling nagpatibok ng puso ko."

Siya rin yung palagi kong ikinukwento noon kuya..

Paano kong sasabihin na si Alex at si Sofia ay iisa??

Hinalikan niya si Alex sa noo at magkaholding hands pa sila ngayon sa harapan ko.

Nasasaktan ako at gusto ko siyang sumbatan at tanungin kung bakit niya ako iniwan pero hindi ko naman magawa.

Lalong gumanda at sumexy si Alex kaya naman lalo pa akong nanghinayang sakanya, yung gusto ko siyang sumbatan pero gusto ko rin siyang yakapin at halikan dahil na-miss ko talaga siya.

Na-miss ko yung dati kong 'baby'. Yung babaeng sobrang lambing, maalaga, maasikaso, masarap magluto at mahal na mahal ako.

Pero paano ko pang magagawa ang mga bagay na yon?

Gusto ko ring malaman kung mahal pa ba niya ako, o kung talagang minahal niya ako noon because it haunts me every night.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Where stories live. Discover now