CHAPTER 8

12.8K 254 3
                                    


KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 8


ANTHONY'S POV

"Good morning sir Anthony."
Bati ng staff ng resort.

"Good morning."
Bati ko rin at naglakad papuntang dining area.

Ang ganda agad ng umaga ko dahil dinatnan ko si Sofia na kumakain ng breakfast.

"Good morning miss Sofia."
Masaya kong bati ngunit hindi niya naman ako pinansin.

Lumapit ako sakanya at aayain ko sana siyang magjetski mamaya kung hindi siya busy.

"May gagawin ka ba mamaya? Pwede ba kitang maayang mag.."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumayo siya at hindi tinapos ang pagkain niya.

"Pwede ba Mr. Vasquez, huwag mo na akong lalapitan o kakausapin."
Iritable niyang sabi na ikinagulat ko naman.

"Alam mo nakakahalata na ako, bakit ba parang ang init ng dugo mo sa akin?"
Tanong ko.
"Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako sa'yo."

Kumunot ang noo niya at sinabing,
"Just because you're dad's business partner, doesn't mean na pwede kang makipagclose sa akin."

Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Ano bang problema niya? May nagawa ba akong mali?
Napabuntong-hininga tuloy ako.

Imbis na magjetski ay kinausap ko na lang ang receptionist kung pwede ba akong pumunta sa private island nila Mr. Torres para makapag-ocular visit na rin para sa plano niyang luxury resort.

Agad itong pumayag at sinabing by 1pm ay nakaready na ang yate.

Bago mag-1pm ay nagready na ako at naglakad sa beachfront para sumakay sa yate.

"Good afternoon sir Anthony."
Bati ng staff.

"Good afternoon."
Bati ko rin naman.

Nang makasakay na ay naupo na ako at pinaandar na ito ng staff ng resort.

"Magrelax muna po kayo dyan sir."
Inabutan niya ako maiinom na pineapple juice.

"Salamat."

45 minutes daw ang byahe papunta sa private island kaya naman nag-ikot muna ako sa yate.

Hinanap ko rin kung nasaan ang cr at nang bubuksan ko na ang pinto ay may lumabas na isang babae.

"What are you doing here?"
Tanong ng babaeng hindi na naman masaya sa presensya ko.

Hindi ako nakasagot dahil nagulat rin ako na nandito tin pala siya.

"Sinusundan mo ba 'ko Mr. Vasquez?"
Tanong ni Sofia.

"Ahm. No. Hindi ko alam na nandito ka miss Sofia. Gusto ko lang namang bisitahin yung private resort nyo para makapagocular."

Huminga siya ng malalim.

"Okay."
Sagot niya at naglakad papunta sa isang kwarto.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon