CHAPTER 12

12.3K 251 11
                                    

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 12

ANTHONY'S POV

May tatlong buwan ko na ring nililigawan si Sofia at sa bawat paglipas ng araw ay lalo ko pa siyang minamahal.

Yung sa tuwing niyayakap ko siya ay nararamdaman kong mahal niya na rin ako. Isang beses pa lang niya sinasabi pero palagi niya namang ipinapakita na mahalaga rin ako sakanya kaya naman nagplano ako ng surprise dinner for her.

Nandito ako sa mansyon nila at nagpaalam ako sa mommy at daddy niya na aayusan ko yung garden at magpopropose ako kay Sofia para maging girlfriend ko na siya, at gusto ko rin na masaksihan nila iyon.

Ang alam ni Sofia ay nasa site ako at nagtatrabaho pero ang totoo ay nag-aayos ako dito sa garden nila. Tinulungan rin ako ng mga kasambahay nila na magbudbod ng red and white rose petals sa paligid at pinuno rin namin ito ng mga kandila na sisindihan namin mamaya kapag papunta na si Sofia.

Wala akong sinayang na oras at nagprepare na rin ako ng kakainin namin tonight.

Nakishower na rin ako at nagcoat and tie para presentable ako pagdating ng mahal ko.

Nang makapagready na ay nagtext na ang daddy ni Sofia sakanya na may emergency sa bahay at pinapauwi niya ito.

Nagtext naman sa akin si Sofia na pauwi na siya dahil may emergency at hindi na niya ako mahihintay sa pagbalik ko sa resort.

Nagreply naman ako na mamimiss ko siya at hihintayin ko na lang siya bukas ng umaga pero ang totoo ay nandito ako at naghihintay sakanya.

Pagkalipas ng kalahating oras ay nagbukas na ang gate at narinig ko na ang tunog ng kotse niya.

SOFIA'S POV

"Mommy, daddy, I'm home."

I announced pero hindi ko naman nadatnan sila mommy at daddy. Usually kasi ay nakaupo sila sa couch sa sala.

I asked my yaya kung nasaan sila daddy.
"Ya, nasaan po sila daddy? Sabi kasi niya kanina e may emergency daw."

"Nasa garden area po sila ni ma'am, senñorita."

"Okay, thanks ya."

Naglakad na ako papuntang garden nang may matanaw akong maraming bulaklak at nakasinding kandila. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa isang table na nakaset up.

Napangiti ako at hindi na mapigilan ang kilih nang makita ko si Anthony na naglalakad papalapit sa akin at may hawak na boquet ng pulang rosas.

Ang gwapo niya at sobrang romantic ng pagkakaayos dito sa garden.

"Flowers for my one and only love."
Saad niya habang nakatitig ng malagkit.

Kinuha ko ito at bumeso ako sakanya.
"Thank you."

Naupo na kami tapos sinerve na ang pagkain namin. May pa-wine at pa-steak gaya ng gabing sinorpresa ako ni Justin.

"Are you okay?"
Tanong niya.

"Ah. Yes."
Sagot ko naman. Hayy. Bakit ba kasi naaalala ko pa si Justin.

"Thanks for this, Anthony."

"You're welcome, anything for you my love."

Nagsimula na kaming kumain at binaling ko na lang yung atensyon ko kay Anthony pati na sa tumutugtog ng violin habang kumakain kami para hindi ko na maisip pa si Justin.

Matapos kumain ay kinuha ni Anthony ang kamay ko at inaya niya akong sumayaw, parang nangyari na talaga ito.

Sofia, please stop thinking about Justin. It's been two years kaya dapat magmove on ka na.
Yes, magmomove on na talaga ako, I promise.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Where stories live. Discover now