CHAPTER 5

14.1K 307 4
                                    

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 5

SOFIA'S POV

Nahiga na ako sa kama at nagtulugtulugan. Ang sama pa rin ng loob ko. Naramdaman ko na lang na nakayakap na sa akin si Justin.

"Sorry baby, I promise to make it up to you."

Bumuhos naman ang luha ko hanggang sa makatulog na ako.

Kinabukasan ay nagising ako at wala na si Justin sa tabi ko. Siguro ay pumasok na siya sa opisina. Dumiretso ako sa kitchen at pagtingin ko sa lamesa ay may pagkain tapos may note din akong nakita.

"Good morning baby, don't forget to eat your breakfast. I love you."

Napangiti naman ako ng mapakla at kinain ko yung breakfast na niluto niya.

Pagdating ng hapon ay lumabas ako para magpahangin. Nagstay ako sa isang coffee shop, nagorder ako ng cappuccino at muffin at nagpalipas ako ng oras.

Nang mag6pm na ay naglakad na ako pabalik sa condo.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakapatay ang mga ilaw at pagpasok ko ay nagbukas ang dim light.

May mga red petals sa sahig. Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa sala. May nakasetup na lamesa ay punong puno ng red petals ang sahig.

Ilang sandali pa ay may yumakap sa akin mula sa likod ko at hinalikan ako sa leeg dahilan upang taasan ako ng balahibo. Matapos akong halikan ay nagsalita si Justin.

"Belated happy birthday and belated happy monthsary, baby."

May iniabot siya sa akin na bouquet ng white roses na sobrang ganda at bango tapos hinawi niya yung buhok ko at may sinuot siyang necklace sa akin.

"I'm sorry about what happened. Are you still mad at me?"
Tanong niya.

Lahat ng tampo ko ay napalitan na ng kilig. Humarap ako kay Justin at niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit.

"Hindi na."
Sagot ko at muli ko siyang niyakap.

Hinalikan niya naman ako at ngumiti siya.
"I love you."
Saad niya habang nakatingin sa mata ko.
"I love you too."

Sagot ko naman at iginayak na niya ako papunta sa upuan.

Nagluto siya ng steak at nilagyan niya ng red wine ang baso naming dal'wa.

Ang ganda ng pagkakasetup niya at ang sarap pa ng luto niya.
Mayroon pang instrumental ng sax, lalo tuloy naging romantic ang gabing ito.

Matapos kumain ay inaya niya akong sumayaw. Hinawakan niya ang kamay ko, tumayo kami at nagsayaw.


Nakahawak ako sa batok niya habang siya naman ay nakahawak sa beywang ko. Habang sumasayaw ay nakadantay ang noo ni Justin sa noo ko. Medyo maraming wine din ang nainom ko kaya siguro nakakaramdam na ako ng init sa katawan.

Hinalikan ako ni Justin at lalo pang naglapit ang katawan namin. I can feel his buldge right now, lalo tuloy akong nag-init.

Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Where stories live. Discover now