CHAPTER 10

12.6K 253 10
                                    

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
CHAPTER 10

SOFIA'S POV

Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin sa panliligaw at panunuyo sa akin si Anthony.

Noong una ay iniiwasan ko siya dahil natatakot ako na baka lokohin niya ako pero nang ligawan niya ako sa bahay ay nagkaroon ako ng tiwala sakanya.

Ang sarap sa feeling na niligawan muna niya yung parents ko bago niya ako ligawan at nakakatuwa lang din na naging close siya agad kila mommy at daddy.

Madalas rin siyang dumadalaw sa bahay para ipagluto kami ng masarap na pagkain.

Ito ang unang beses na may lalaking nagpaalam muna kila mommy at daddy bago ako pormahan. May lalake pa pala na katulad ni Anthony na handang humarap sa mga pagsubok, mapaibig lang ang babaeng minamahal niya.


Nakakataba ng puso at ang lakas makababae!


Masasabi kong nahuhulog na ang loob ko sa ko sakanya dahil sobrang sweet niya at siya ang knight in shining armor ko.

Pagpasok ko sa opisina ay may box ng fully-bloomed red and white roses at may chocolate pa itong kasama.

Tinignan ko ang card at may nakasulat ditong,

Good morning to the blooming lady like these roses, and sweet like this chocolate. Don't forget to smile today.
I love you.

- Anthony

Napangiti ako at inaamin kong kinikilig ako ngayon.

"Nagustuhan mo ba?"

Napatingin ako sa may pintuan at naroon pala si Anthony.

"Kanina ka pa dyan?"
Tanong ko.

"Kakadating ko lang."
Sagot niya at ngumiti sa akin.

"Wala ka bang work today?"
Tanong ko at lumapit siya sa akin.

"Sabi ng daddy mo off ko daw ngayon para daw makapagdate tayong dal'wa."

"Sinabi ni daddy yun?"
Natatawa kong tanong.

"Yes. Nabanggit ko kasi na ilang months na ako dito sa Cebu pero hindi pa ako nakakapasyal sa mga tourist spots dito."
"Okay lang ba sa'yo na mamasyal tayo?"

"Alright, let me change my outfit first."

Nakadress at heels kasi ako ngayon kaya naman pumasok ako sa walk in closet ko. Hinubad ko yung dress ko at nagsuot ako ng maong shorts and plain white shirt tapos nagsneakers ako para kumportable dahil marami kaming pupuntahan.

Paglabas ko ay napatingin agad si Anthony sa hita ko.

"Hindi ba masyadong maiksi yung shorts mo?"

Tanong niya at napangiti naman ako.

"Okay na 'to, kumportable naman ako."

"Okay.. Sige.."

Wala na siyang nagawa at naglakad na kami papuntang parking.

Nagvolunteer na ako na ako na yung magdadrive at itong bagong kotse ko na ang gamitin namin since maganda ang panahon ngayon at ako naman ang nakakaalam ng mga lugar na pupuntahan namin.


Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt