WMTS 40

705 10 0
                                    

Anthony's POV

One year later..

Another year of pain. Hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik, nakalimutan na nga yata niya ako eh!

Hindi ko naman masisisi ang mga kapatid ko sa ginawa nilang desesyon. Matagal kong natanggap pero naisip ko, kong magiging ganoon ako walang mangyayari. Ako ang nagpatapang sa kanya kaya dapat ngayon maging matapang ako para sa kanya.

Alam kong babalikan niya ako. Alam ko.

Someone's POV

"Kumusta kana bailyn?" Tanong ko sa kanya at tumitingin lang siya sa paligid.

"Shh, wag kang maingay, bibisitahin ako ngayon ni Anthony, gusto mo siyang makilala?" Napailing naman ako sa mga sinasabi niya.

"Nandito ako para kumustahin ka, kahit alam ki na hindi kita makakausap ng matino nandito parin ako... gusto ko lang sanang magsorry..." napatingin naman siya saakin.

"Sorry saan?"

"Sa lahat. Alam ko namang dahil sa pagmamahal kaya nagawa mo ang mga bagay nayon, hindi kita masisisi dahil lahat naman ng tao gagawin ang lahat para sa mga taong mahal nila... pero minsan rin kailangan na naung sumuko dahil hindi lahat ng mahal natin nakalaan sa atin..." nilalaro naman niya ang buhok ko na parang bata. Natawa naman ako sa sarili ko, kinakausap ko ang taong wala sa pagiisip.

"Aalis na ako... sana maging okey kana.." tumayo na ako at naglakad paalis pero natigilan ako.

"Miss salamat!" Nginitian ko nalang siya.

•°•°•°•

"Joanna? Kamusta kana?" Nakaupo siya sa wheel chair habang pinapasyal ko dito sa maliit na bakuran. Nagkasakit siya at hindi na magalaw ang buong katawan niya.

"Alam mo napatawad na kita, kahit na sobrang laki ng sakit na dinulot mo sa akin, pero sino ba naman ako para hindi ka patawarin..." umupo ako sa mga bench at humarap sa kanya. Nakatulala lang siya at hindi nakatingin sakin kundi sa langit.

"Tao lang naman tayo diba? Nagmamahal? Nakakatawa pero noon galit na galit ako sayo pero ngayon kinakausap kita na parang wala lang. Ganon siguro pagnapatawad muna ang isang tao.." inayos ko amg buhok niya na nakatakip sa mukha niya. Ibang-iba siya ngayon, dahil makikita mo na pumayat siya at tumanda tignan.

"Joanna,sana marunong ka ring magpatawad... set yourself free, palayain mo ang sarili mo sa sakit..... don mo matatamasa ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal... alam ko naman na napatawad kana nila kong sino man ang nagawan mo ng kasalanan........" nakita ko namang may luhang tumulo sa mga mata niya.

"Sige Joanna, aalis na ako, may bibisitahin pa kasi akong mga importanting tao sa buhay ko..." hinalikan ko siya sa noo at nginitian. Tinawag ko naman ang mga nurse niya aalis na sana ako ng higpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"S-s-sala-mat." Nginitian ko siya at tumango.

Nagdrive na ako papunta sa mga taong gusto ko ng puntahan.

Bumaba na ako sa kotse at naglakad na. Ang tahimik ng lugar...

"Mom, dad."nilapag kuna ang mga bulaklak at umupo sa damo. Nasa cementery ako ngayon at binibisita ang mga taong sobrang importante sa buhay ko na kahit hindi ko nakasama ng matagal alam kong matagaka na nila akong sinusubaybayan.

"Sa wakas nabisita ko narin kayo, alam nyo ba sobrang miss na miss ko na kayo, wag kayong magalala at dadalawin ko kayo dito kasi baka ako pa dalawin nyo eh, kaya wag ma kayong magabala... hahaha! Biro lang po, kahit na hindi ko kayo nakilala at nakasama alam nyo naman na mahal na mahal ko kayo diba? Kaya sana po tulungan nyo ako sa susunod na misyon ko.........." bigla namang humangin na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now