WMTS 29

655 12 0
                                    

"J-jerome.." nginitian naman niya ako at agad na pumasok siya at kinalagan ako.

"Pano mo nalaman?"

"Sinabi ni boss Anthony sakin, at wala naman siyang ibang mahingan ng tulong kaya ako ang sinabihan at nilapitan niya, wag kang mag-alala ililigtas ka namin.." tumayo naman ako ng matapos niya akong kalagan.

"Sino pa ang mga kasama nyo? Asan siya? Okey lang ba siya?" Tinawanan naman niya ako ng kaunti. Nakikita ko sa mukha niya na may pasa na at may sugat.

"Marami, mga brother in law niya at tsaka si manager at ako, okey lang naman siguro siya at sila pinapunta na niya ako dito kasi may inasikaso pa siya, tara na! Mamaya na tayo mag-usap." Maglalakad na sana kami ng...

"At saan kayo pupunta?"

Hindi naman kami nakagalaw dahil may baril na nakatotok samin, baril ni Jack at ng asawa niya.

Tinago naman ako ni Jerome sa likuran niya at hinarap sila.

"Mamamatay muna ako bago nyo siya mahahawakan.." Jerome said pero Jack just smirk and his wife scape a silent laugh.

"Sad story pero mamamatay kana NGAYON!" At tinulak ako ni Jerome palayo sa kanya at nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko.

"Sabi ko naman sayo eh, ngayon ka mamamatay.." nakangising sabi ni Jack!

"J-jerome.. gumising ka JEROME!!" Umiyak na ako at pinaunan siya sa hita ko habang sumusuka na siya ng dugo. Binaril siya ni Jack sa tiyan.

"W-wag kang u-umiyak, magiging o-okey lang ako.." sabi niya sabay pahid sa luha ko.

"Stop the drama will ya? Tss hali kana!! At wag kang magtangkang tumakas, mapapahamak kalang!" Marahan akong hinatak bigla ni Jack patayo, sinubukan pang pigilan siya ni Jerome pero sinipa lang siya nito.

Jerome...

Dumaan kami sa likod ng bahay at paglabas nang gate agad na sumakay kami ng kotse.

"Bilis! Pasok!!" Tinulak naman ako ng matandang babaeng to!

Papaandar na ang kotse nang tumingin ako sa likod ng sasakyan at nakita kong humahabol si Tony, si kuya Kent at kuya Rick si manager... lahat sila sugatan. Si jerome...

•°•°•°•°•°•

"Ano ba!! Nasan ako!!" Marahan na tinulak ako ni Jack at buti nalang malambot ang binagsakan ko. Kinuha naman ang blindfold na nakatakip sa mata ko at napansin ko na nasa isang hotel pala kami.

"Kumain ka!! Kailangan mo pang mabuhay hanggang bukas, hindi kapa naman mamamatay sa lagay nayan hindi ba?" Tinapon niya sa mukha ko ang isang perasong burger.

"Hindi ko kailangan yan!" Madiin na sabi ko at tinignan ng masama si Joanna.

"Wag kang mag-inarte! Pasalamat kapa nga pinapakain kapa! Pero kailangan naman talaga dahil may kailangan pa kami sayo.." she left the room with a smirk.

Tinignan ko naman ang sarili ko. Puro pasa at sugat. Sugat sa paa, sa kamay, sa braso. Tumingin naman ako sa salamin na nasa harap kulang. Namumula ang gilid ng labi ko dahil sa mga sampal na natamo ko, nangingitim narin ang mga mata ko. Parang... hindi ko na nga kilala ang sarili ko...

Ano na naman kaya ang plano ng mag-asawang yon. Kailangan kong malaman ang plano nila. Masyado nang madami ang na i-involve sa problema ko, dapat nga ako lang ang haharap nito dahil akin ang problemang to! Nasaktan na si Jerome, si Kent, Rick, manager at lalong-lalo na si Tony, hindi naman ako papayag na pati siya masaktan at mawala sakin..

Nawalan na ako ng mahal sa buhay, ayaw ko nang palaging iniiwan, sawa na akong iniiwan ng mga taong mahal ko, sawa na ako... dapat lumaban ako, NAWALAN na ako ng ama at ina, at hindi ako papayag na mawala ang taong importante ngayon sa buhay ko...

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now