WMTS 22

713 13 0
                                    

Wala naman siyang naekwento sakin tungkol sa daddy niya kaya wala akong masyadong alam.

Nasa kama ko siya ngayon at mahimbing na natutulog habang nakaunan siya sa hita ko. Hinahaplos ko lang ang buhok niya para makatulog siya agad.

"Why this life is so unffair?" Biglang tanong niya sakin habang nakapikit.

"Maybe, may mga bagay lang talaga na kailangan nating bitawan kahit ayaw natin, yong mga bagay na mahirap bitawan pero kailangan..." sagot ko sa tanong niya at napadilat naman siya kaya tinitigan ko siya sa mata at ganon din siya.

"Hindi ko pa siya nakikilala, I'm longing for him since I was kid, hindi sila tinadhana ni mom at hindi na nagpakita pa.." ano? So maswerte si ate Martha at Sonya dahil nakasama nila ang daddy nila.

"Kong ganon, why you're still here? Bakit hindi ka pumunta sa daddy mo ngayon at kausapin siya? Alam kong hindi siya magsasalita pero maririnig ka niya tony, be thankful kasi kong wala ang daddy nyo, wala kayo ni Ate Martha at ate Sonya...." pumikit naman siya ulit at nagbuntong hininga.

"We have different father...." natigilan naman ako. Umupo siya sa kama at humarap sakin.

"Magkapatid si Ate martha at Sonya, pariho sila ng ama which is Danny Clark, namatay ang daddy nila nong five years old ako. Me, my dad's name is Jemmy Turner, hindi palang ako pinanganak wala na siya, my dad is the secret affair of my mom..." what the! Grabe! Ang hirap siguro na maging anak sa labas.. Ang hirap ng sitwasyon niya.

"Ibig sabihin, tinanggap parin ng daddy nila ang mom mo kahit na nabuntis ito ng daddy mo?" Tumango naman siya at seryosong tumingin sa labas ng bintana.

"Danny Clark is a very kind person, dahil sa pagmamahal niya kay mommy nagawa niya paring tanggapin ito kahit na nabuntis ito sa iba.. that's how Danny Clark loves my mom!" Kong sa iba nga, pag nalaman nilang may iba ang asawa nila sigurado akong itatakwil nila ito.

Pero si Danny Clark? Natanggap parin kahit na sobrang bigat ng pinagdadaanan nila.

"Ako mismo naramdaman ko kong pano magmahal ang Danny Clark, kahit na hindi niya ako anak tinuring niya akong isa. That's why I love him, pinaramdam niya sakin na hindi ako naiba.." ramdam ko ang saya sa puso niya.

"Yung daddy mo? Bakit siya umalis? Aside sa he is an affair?" Huminga siya ng malalim at matagal na nagsalita.

"Okey lang kong ayaw mon-" pinutol naman niya ako.

"Bestfriend siya ni Danny Clark." Nanlaki naman ang mata ko. So ibig sabihin? Close silang tatlo? Pero bakit ganon? MALAKING kasalanan ang nagawa nila pero tanggap parin ni Danny Clark, dalawa lang talaga ang patutunguhan ng pagiging martyr. Maganda o hindi maganda!

"So dahil umalis si Jemmy Turner dahil nahihiya siya sa bestfriend niya which is Danny Clark..." tumango naman siya. Ang hirap sigurong lumaki na hindi mo kasama ang totoong tatay mo.

Ako ang galing kong magsalita pero oltimu pamilya ko magulo. Tss.

"So? Anong plano mo ngayon?" Imbes na sagotin ako humiga lang siya ulit at umunan sa hita ko.

"Hindi ko alam. Bumalik na naman lahat ng kalituhan sa utak ko, hindi ko pa nakausap ang daddy ko kahit kailan, hindi ko pa siya nayakap tapos malalaman ko nalang na wala na siya.." halos pabulong na sabi niya.

"Tumayo ka na diyan, kong gusto mo siyang makausap, tara! Don't waste your time, tumayo kana diyan!" Pinatayo ko naman siya.

"Saglit magbibihis lang ako something formal.." sabi ko at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Malabong makarating tayo agad don.." nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ha? Saan ba yon?"

"Canada.." Ops! Malayo nga!

"Hindi mo naman sinabi, so yong mommy mo? Pupunta ba?" Tumango naman siya.

"Nagpabook na ng flight si mom para sating tatlo, hindi naman makakasama si Ate sonya dahil buntis si Ate martha naman inaalagaan si Thunder kaya kami lang ang makakapunta since kami lang ang kadugo... pero they already said thete condolences..." niyakap ko naman siya ng sobrang sobrang higpit.

"Nandito lang ako, tandaan mo yan!" Niyakap niya rin ako pabalik ng mahigpit na mahigpit.

"Thank you misis.." nahampas ko naman siya ng mahina sa likod.

"Misis ka diyan.." suway ko. I smile slightly. Kong gano ka tapang tong Tony nato, ganon siya kahina pag usapang pamilya na, yong point na iiyakan na niya.

Gabi na at nandito parin siya sa condo ko.

"Wala ka bang planong umuwi don sa mommy mo?" Umiling naman siya at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch.

"Matulog na tayo.." walang gana niyang sabi at dumeretso sa kwarto KO!

Waw galing! Kong hindi lang to malungkot nasipa ko na to palabas ng bintanan eh!

Sumunod nalang ako at pumasok na, nakahiga na siya at nakapikit. Humiga nalang ako sa kanang parte ng kama patalikod sa kanya. Naramdaman ko na gumalaw ang kama at may pumulupot na kamay sa bewang ko.

"Better." Napahinga naman ako ng maluwag at pumikit na. Baka masipa ko na naman to paggising! Haha!

°°°

"Goodmorning." Napaangat naman ako ng tingin at nakaupo pa siya sa kama habang nakatingin sakin.

"Same." At binalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko. Nageempaki kasi diba ngayon kami pupuntang canda.

"you don't have to pack.." sabi niya at sinulyapan ko naman siya.

"Bakit naman?" Anong oras naba? Napatingin naman ako sa wall clock ko at six palang ng umaga.

"I can buy you new things...."

"Buy-buy! Gagastos kalang! Mabuti nang magdala no, tumayo kana dyan baka naghihintay na ang mommy mo." Napatingin naman siya sa relo niya at tumayo na.

"Tara na, don nalang tayo kumain.." tumayo narin ako sa dinala na ang maliit kong itim na malita.

Nilock ko na ang unit ko at naghihintay na siya sa harap ng elevator.

Ting!

Kinuha niya ang malita na malita dadalhin ko sana kaya hindi na ako nag react. Aba mabuti na yung may magdala no! Nakabihis na nga pala ako, floral black whole dress matching with black heel four inches.

Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya at pumasok na ako pero hindi niya parin sinasara, nakita ko namang nakatingin siya sa dibdib ko at agad na tinakpan ko ito.

"Woy! Anong tinitingnan mo!? Ang manyak mo!" Nagsalubong naman ang kilay niya ng kunti.

"No, the necklace.." napatingin naman ako sa kwentas na suot-suot ko ngayon. Assuming lang pala ako!

"Bakit? Diba ito yong bigay ni Thunder sakin?" Tumango naman siya.

"Yeah, it looks good on you..." ngumiti naman ako.

"salamat." Ngumiti lang din siya at sinarado na ang pinto at pumasok narin siya.

•••

"Son.." niyakap naman siya agad ng mommy niya.

"Kumain na ba kayo?" At napatingin siya sakin kaya nag beso ako sa kanya.

"Hindi pa mom mauna nalang kayo ni Kae, maliligo lang ako then umalis na tayo.." umakyat na siya sa taas at giniya ako ni tita sa dining area.

"Condolence po tita." Nginitian niya naman ako at kita ko yong pait.

"Salamat hija, salamat din sa pag comfort sa anak ko, I know nasasaktan siya dahil kahit kailan hindi niya pa nakasama ang ama niya, sinabi niya noon na kuntinto na siya kong anong meron kahit wala na yong totoong ama niya but I know what he feel because I'm his mother, alam ko kong kailan siya masaya o kaya nasasaktan, kaya salamat sayo hija, you are a blessing to us.." I give her a hug, a very tight hug.

"You are welcome tita, I'm sorry for your lost.." sabi ko at humiwalay na siya sa yakap.

May mga bagay na kailangan nating bitawan kahit na gusto nating hawakan...

We should learn to let go, cauz' not everyone will stay....

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now