WMTS 34

696 10 0
                                    

Pollution.

Noise.

Traffic.

Hotness.

Nasa pilipinas na nga ako. Tatlong taon narin. Tatlong taon.

"Naninibago ka no?" Inangat ko naman ang tingin sa kanya sabay tango.

"Oo eh,"

"It's nice here." Napatingin naman kami ni Tony kay Thomas. Yes! Sumama siya, echosera kasi siya!

"Hindi kapa nangangalahati sa nakikita mo, wag kang magalala pag okey na ang lahat, ipapasyal ka namin...." tumingin naman ako sa kanya ng sabihin kong 'okey na ang lahat'.

"Let's go, maraming naghihintay.." ha? Naghihintay?

"Naghihintay? Sino?" He just shrug at naglakad na kami palabas ng airport. Nasa pilipinas na talaga ako!

Last four days nagusap kami ng masinsinan ni Tony, napagdesesyonan ko na kailangan kong taposin ang lahat. Kailangan managot ang dapat managot! Kailangan ko rin hanapin ang mga iba pang pamilya ko, ganon narin ang libing ng magulang ko.

AT! Nahuli ko sa akto si Tony! Akala niya ha! Nang dahil rin yon kay Thomas! Napaka tabil kasi, kaya ayun nahuli ko!

Three months ago, nong matagpuan ko si Ton-ton yong K9 dog nandoon na si Tony at minamanmanan ako. Matagal na pala siyang nakatira sa bahay ni Thomas pero hindi ko man lang napansin, plano nila na mag pa as if na wala si Thomas sa bahay for one week para magkita na kami. But untill now hindi niya parin sinasabi ang rason kong bakit niya ako nahanap. Ewan, ayaw daw niyang sabihin!

"Thomas!! Your mom is a filipino right? Is she here?" Kausap ni Tony kay Thomas. Nasa kotse na pala kami, may sumundo samin. Nasa tabi ng driver si Thomas at nasa backseat naman kami.

"Well, yeah! Pero hindi ko pa siya nakikita... I stop finding her, nakalimutan na niya siguro kami ni dad, kaya wag nalang siguro... worst is she has family already." Siniko ko naman si Tony. Tinanong pa kasi!

"Wag ka ng magdrama dyan! Mabuti pa at tignan mo nalang ang labas.." nakita ko naman siyang ngumiti ng kaunti. Masakit siguro kapag lumaki ka ng walang ina. Kahit ako nga, masakit! Yong akala mo na sila pero hindi pala, tapos malalaman mo na wala ng paraan para makita pa ang mga taong totoong nagmamahal sayo.

"Tony!! Sa dating condominium nalang ako ihinto, don nalang ako. Dating gawi." He cross his arm at tinaasan ako ng kilay.

"Sa bahay tayo." Ano daw?

"Siraulo kaba!? Nandoon ang asawa mo tanga! Alangan namang isama mo kami ni Thomas sa bahay mo, makakaabala lang kami....."

"....."

"She still don't know right?" Singit naman ni Thomas. Hindi alam ang ano?

"Ang ano? Na may asawa siya at hindi na ako ang mahal niya alam ko na--" hala! Ano yong nasabi ko? Tinakpan ko naman ang bibig ko.

Boba lang Mikaela?

"HAHAHAHAHAHA!" Tawa ni Tony, Thomas at ng driver? Seryoso? Pati ang driver? Tss.

"Wag nyo nga akong pagtawanan!!" Sumandal naman ako at nag cross arm. Tss.

"Alam mo na ngayon Anthony? Kailangan lang ng medyo clear, kaya mo yan!!" Pang checheer pa ni Thomas! Ano? Bahala nga sila diyan!

Haist! Ang tanga talaga!! Nadulas pa ako, kong pwede lang ayaw ko ng magpakita ng motibo dahil ako lang ang masasaktan, may asawa na siya! At hindi magtatagal, magkakaanak na sila.

Tss. Okey lang ako! Wala ito!

Sa bahay nga kami ni Tony pumunta. Tss. Masasaktan lang ako dito eh! Nasa harap na kami ng pinto.

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now