WMTS 9

862 18 0
                                    

"Haha, nagiisip pa ba kayo? Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman kilala. At bakit nyo ako sinasali sa problema nyo? Ni minsan ba inalam nyo ang problema ko? Ngayon mommy, sabihin nyo sakin kong bakit ako nagkakaganito, hindi bat dahil din naman sa inyo? Hindi ako papayag sa kasalang sinasabi nyo, You can leave now." Sabi ko at umiyak naman siya sabay luhod sa harap ko habang nakaupo parin ako.

"Anak, we're really sorry for everything, alam kong marami kaming pagkukulang sayo." Tss.

"Buti naisip nyo. Pero huli na, ayoko ng maging parti ng pamilya nyo, ako lang naman ang nakikita nyo lagi. AKO SI MIKAELA NA FAILURE SA PAMILYA DILREAL! Mygod! Bakit ba ako nabuhay sa mundong to kong ganito lang din naman ang kamumulatan ko? Hahaha umalis na kayo, please lang po." Naiiyak na sabi ko at tumingala para mapigilan ang luha na lalabas sa mga mata ko.

Sa naalala ko, initsapwera na ako ng magaling kong ama.

Tumayo naman siya at umalis ng umiiyak. Ng marinig kong sumara na ang pinto, lumingon ako at nakita ko si Boss na nakatayo kaya dali-dali kong pinahid ang luha ko.

"What are you doing here?" Tanong ko habang tumatayo sabay lingon sa kanya.

"I'm sorry." Huminga naman ako ng malalim.

"Don't mind, wala nayon." Sabi ko at naglakad papunta sa kwarto ko. Napalingon ako sa pinto ng sumara ito at papalapit na si honey sakin. Bigla niya akong tinulak sa kama ko at pinaibabawan kasabay non ang paghawak niya sa magkabilang kamay ko.

"Ano ba! Pagod ako Honey! Pwede ba!" Naiinis na sabi ko at pinipilit pa na ialis ang kamay ko na hinahawakan niya.

"No" naiinis na tinignan ko siya habang siya nakatitig lang sakin.

"ANO BANG GUSTO MO HA?" Sigaw ko sa kanya. Kong alam lang niya GUSTO ko nang magpahinga! Arg!

"You." Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinunggaban ng halik, aangal sana ako pero nadala na ako sa halik niya. Binitawan na niya ang kamay ko at pinulupot ko ito sa leeg niya.

"I'm sorry." Natulak ko naman siya agad.

"Umalis ka na." Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya. Umalis naman siya at napatingin naman ako sa pinto na nilabasan niya.

Nag so-sorry ba siya dahil sa halik na ginawa niya? Arrg! Sana hindi nalang niya ginawa! Pero tumugon ako hindi ba? Arrg nakaasar!

Mabuti pang matulog ng maaga ng makapasok ako sa trabaho bukas.

Kinabukasan, as usual maaga akong nagising.

"OH MY GOD!!" Napasigaw ako ng may batang biglang tumawid. Geez buti nalang natapakan ko yong preno.

Dali-dali naman akong lumabas at tumakbo sa batang lalaki na nakayuko ngayon at tinatakpan ang magkabilang tinga.

"Baby okey ka lang?" Tanong ko at dahan-dahan naman siyang tumingin.

Nagulat naman ako ng bigla niya ako yakapin.

"I'm lost, help me please." English speaking pala. Mapapasubok ako nito ah.

"Nasan ang mommy mo baby?" Tanong ko.

"I'm with my tito pero nawala po siya." Nawala yong tito niya o siya ang nawala?

"Hali, puntahan natin yong pinuntahan nyo. Saan ka iniwan ng tito mo?" Tinuro niya naman yong likoran niya. Sa tabi ng daan? Seryoso? Napakasiraulo naman pala ng tito nito eh!

"Wait ka lang dito, itatabi ko lang yong kotse ko." Pinaupi ko siya sa bench at tinabi ko yong sasakyan ko. Wala naman masyadong kotse kakalalabas ko lang sa parking lot.

Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now