WMTS 5

1K 23 0
                                    

Nakuha ko na ang kotse ko sa talyer at agad na nagmaniho papuntang restaurant! Aaarg!

May meeting daw, at sobrang importante ang paguusapan.

"Mabuti naman at nandito ka na," salubong sakin ni Coleen at tumango lang ako tsaka sabay kaming naglakad papuntang opisina ni manager.

"Manager, what's the problem?" Agad na tanong ko sa pagpasok ko. Nandito lahat ng cook at mga waiter.

"Mikaela, malaki ang problema natin, sinabi ng boss natin na kailangan mag cater, tayong branch ang napili para magluto sa birthday party ng kapatid ni boss, ingrande to dahil eighteenth birthday." Sabi niya.

"Kapatid ni honey? Ano naman ang proble-"

"HONEY?" Sabay-sabay na tanong nila. Napaatras naman ako.

"Oo, bakit ba?"

"KAYO BA?" Umiling-iling naman ako. Mga pinagiisip nito!

"TEKA NGA! Balik sa usapan, so ano ang problema don?" Tanong ko.

"Ang problema, ikaw ang magiging head chef, at ikaw lang ang kukunin, at kaming lahat....."

"WE'RE ON A VACATION!" Sabay na sigaw nila at parang nagunaw ang mundo ko.

"ANO!! Bakit ako lang? Bakit- kayo- Guys hindi ko kaya mag isa." Malungkot na sabi ko. At natahimik naman silang lahat.

"I can help you." Napangiti naman ako sa pagsalita ni Jerome.

"Waaaah! Thank you Jerome," sabi ko sabay yakap sa kanya.

Tinanong ko kong kailan at next week na sa tuesday, eh sunday ngayon. Naman! Kapagod!

FastForward

Monday ng hapon nag impaki na ako dahil sabay kaming pupunta ni Jerome para don na kami matulog sa venue ng makapaghanda kami. Buti pa si Jero- teka may tumatawag. Si Jerome.

"Hello Jerome? Ready na ako nasan ka na?"

"Mik sorry, na ospital ang mommy ko I'm really sorry, hindi ako makakasama sayo." Sabi niya na nagpawala sa ngiti ko.

"H-ha? Ah ganon ba? S-sige ako nalang ang pupunta e send mo lang sakin ang address." Sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya.

Jerome's POV

"Oh ano? Pumayag na?" Sabi ni Coleen. Kasama ko nga pala silang lahat dito sa opisina ni Manager.

"Oo, pag may nangyari sa kanya humanda talaga kayo." Banta ko sa kanila. Ang sabi kasi ni boss na si Mikaela lang ang kailangan pero walang vacation ha, pakulo lang yon.

"Sila ba?" Tanong ni Coleen kay manager.

"Wag kang chesmosa Coleen, tara na magtrabaho na tayo." Sabi ko at dinilaan niya lang ako.

"Bitter, gusto mo kasi si Mikaela kahit dika gusto go ka parin ng go! eh meron namang iba dyan! Dimo pa pansin!" At agad na nagwalk-out siya. Napatingin naman ako kay manager at nagkibit balikat lang siya.

Problema non?

Mikaela's POV

Naggagabi na at nasa daan parin ako. Mygod! Kanina pa ako nawawala! Eh sa hindi ko kabisado yong daan eh!

Ang lakas-lakas pa ng ulan na parang babagyo na sa lakas, wala pa naman akong kasabay na mga sasakyan kundi ako lang dahil papuntang probinsya nato.

"Naman, Ngayon pa!" Nakakaasar na talaga! Bahala na!

Bumaba ako sa kotse kahit malakas ang ulan at buti nalang may extrang gulong ako! Dito pa talaga ako masisiraan sa madilim na parte at malakas pa ang ulan?

Ang bigat! Tinanggal ko na ang gulong na nasira at pinalitan ko ng extra. Grabing paghihirap nato! Ang ginaw pa dahil may pa white fitted sleeveless pa akong nalalaman! Ayan uulanan din naman pala!

"Hay! Sa wakas! AHH!" Napasigaw ako ng kumulog ng malakas, dali-daling sinakay ko sa trunk ang sirang gulong tsaka pumasok na sa kotse kahi basang-basa na ako na animoy naliligo! Nag ring naman ang phone ko at unregistered na naman.

"Hello!" Naiinis na kasi talaga ako. Ang dilim na hindi pa ako nakakarating.

"Where are you?" Napasalubong naman ako ng kilay.

"Bakit ba?" At binabaan ko siya ng tawag. Tawag siya ng tawag pero hindi ko sinasagot. Alam kong si honey yun! Kong hindi niya ako ginawaag chef sa birthday ng kapatid niya hindi mangyayari to! Kakainis!

Nagtaka naman ako ng higlang humina ang takbi ng kotse ko. Nyemas ma kamalasan naman oh! hindi ako nakapag gas!

"Ang tanga-tanga mo talaga Mikaela, alam mong malayo ang pupuntahan mo hindi mo pa pinafull tank!" Kausap ko sa sarili ko. Buti nalang may ilaw sa lugar nato.

Tatawagan ko na sana si honey ng makitang walang signal!

"AAAARRRGGGGG!" sigaw ko sabay palo sa manibila.

I decided na lumabas at maglakad, dahil wala akong magagawa kong tutunganga lang ako dito! Bahala yang ulan nayan! Hindi ako tatablan niyan! Ni-lock ko ng maayos ang kotse ko at tinulak ko pa sa gilid ng hindi makaabala sa mga dadaan na sasakyan.

Grabe na talaga to! Isang oras na akong naglalakad at wala paring signal tsaka patuloy parin ang malakas na ulan! Niyakap ko na ang sarili ko sa lamig, feeling ko magkakasakit ako! Binabawi ko na ang sinasabi kong hindi ako tatablan.

"MIKAELA! WHY WE'RE YOU NOT ANSWERING MY CALLS!!" napatingin naman ako sa harapan ko ng may lalaking sumisigaw palapit sakin. Hindi ko na napansin kong sino dahil malabo na ang paningin ko.

"Mikaela!"

Nagising ako ng nasa isang malambot na kama na ako. Bumangon ako at tumingin-tingin sa paligid.

"Shit! Yong kotse ko!" Agad na tumakbo ako sa pinto at  mabilis na lumabas pero natigilan ako ng may dalawang parin ng mata na nakatingin sakin.

"Honey?" Nakita ko siyang walang suot pang itaas at nagtitimpla ng kape. Tinignan naman niya ako ulo hanggang paa, kaya tumingin ako sa sarili ko at nanlaki naman ang mata ko.

"ANONG GINAWA MO SAKIN?" Sigaw ko at tinakpan ko pa ang sarili ko.

Naka big size shirt lang ako at errg boxer I think. Hindi niya ako sinagot at uminom lang siya ng kape habang nakatingin lang sakin. Kaya napalunok naman ako at umiwas ng tingin. Nakakailang kaya!

"Yung kotse ko! Kailangan ko yong balikan! Pano na ako paguwi ko nito?" Sabi ko sa kanya at hindi parin siya nagsalita. Nakakaasar!! I sigh at bumalik ng kwarto. May cater pa mamayang three o'clock.

Ang hot ko nga eh! Chos I mean ang init ko dahil nilalagnat pa ako, sa sitwasyon kong to nagalala parin ako sa sasakyan ko!

Malayo pa naman yong pinagiwanan ko non! Naglakad ulit ako palabas at nakita siyang nakatingin sakin na parang inaabangan ako. Ano bang problema niya?

"Pwede pahiram ng kotse mo?" Pupuntahan ko kasi ang kotse ko.

"No. Your car is already at the parking lot, may gas narin," waw! Ang bait niya naman pala NGAYON! Pero nakakailang parin ang tingin niya.

"Itigil mo nga yang pagtitig mo! Nga pala dito ba ang venue sa debut ng kapatid mo?" Tumango naman siya at uminom ng kape. Naglakad ako sa counter kong saan siya at umupo.

"Eh bakit ako lang? Boss, hindi ko kaya okey! Lalo na't hindi ko kakilala ang mga assistant ko, baka pumalpak lang." Sabi ko. Dahil ganon din ang nangyari noon, sa isang venue I think kasal yon, matagal na kasi!  Mga starting ko palang yon! Ayon! Sa sobrang kaba ko, mali-mali na ang nasabi ko sa mga assistant ko kaya ayon palpak ang cater! Syempre ako ang pinagalitan dahil ako ang head. Na troma ako don no! Ang laki pa namang venue yon tapos sinira ko? Gosh!

Kaya natatakot ako dahil baka palpak din ngayon, WORST! Kapatid pa ng boss ko!

"Do everything not to fail."




Weak MEETS the Strong √Where stories live. Discover now