"Anong ginagawa ko dito? Diba--"

"Lumabas ka na dito bago ko pa makalimutan na babae ka."

"Okay pero pagkat--"

"LUMBAS KA NA!!"

Nagulat ako nung sumigaw si Kyle. Hindi na nagsalita si Hanna at narinig ko nalang ang palabas nya ng kwarto at pabagsak nyang sinarado ang pinto.

"Honey okay ka lang?" Tanong nya sakin pero nakayuko parin ako at umiiyak. Yayakapin nya sana ako pero bigla akong tumakbo palabas.

Niloko mo ko Kyle!! Paano mo nagawa sakin to? Paano mo ko nagawang sakatan Kyle? Sinama mo ba talaga ako para ipakita sa akin ito?!
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero tumakbo parin ako. Alam ko na hinabol nya ko pero hindi ako huminto sa pagtakbo hanggang sa hindi ko na marinig ang boses nya pati ang pagsunod nya sakin.

Ang sakit talaga kapag nalaman mo yung katotohanan. Yung mga sinabi ko kanina kay Hanna naisip ko lang lahat ng yun, nasabi ko lang yun dahil ayokong magmukhang tanga sa harap nya, sinabi ko lang yun para papaniwalaan ko ang sarili ko na wala ngang namaamagitan sakanilang dalawa dahil ayokong isipin nya na mahina ako, na agad akong sumusuko.

Pero sa huli ako din yung natalo dahil ako rin yung nasaktan.. Ako rin yung umiyak.

Napadpad ako sa isang lugar na maraming mga batong malalaki. Dahil sa wala ako sa sarili ko na tumakbo hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, pero hindi muna iportante yun ngayon, ang gusto ko makapag-isip isip muna ko.

Umakyat ako sa isa sa mga bato at umupo doon. Pumikit ako at pinakirandaman ko ang samyo ng na hangin na dumadampi sa balat ko at pinakinggan ko ang malakas na hampas ng tubig sa mga malalaking bato. Maganda ang panahon at hindi maaraw halatang nagbabadya ang malakas na ulan pero kahit ganun ayoko paring bumalik doon, dito muna ako hanggang sa gumaan yung pakirandam ko. Nakakagaan ng loob ang ganito kagandang tanawin..

"Malapit nang umulan. Hindi ka pa ba uuwi?"

Muntikan na kong malaglag sa kinauupuan ko nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang magandang babae na may hawak na camera. Photographer siguro sya, mahahalata mo kasi sa kilos nya.

"Wala ka bang balak umuwi?" Pag-uulit nya nung hindi ako sumagot.

Umiling ako at bumalik ng tingin sa kawalan. Bigla na namang tumulo ang mga luha ko nang bigla kong maalala yung nangyari kanina. Ano pa bang babalikan ko? wala na. wala na kong babalikan pa dahil pakirandam ko wala naman talaga akong iniwan na pagmamay-ari ko. Kasal kami oo at ipinapakita nya sakin na mahal nya ko pero ang tanong totoo ba lahat ng pinapakita nyang yun sakin o palabas lang? Nagugulahan ako.


*Click*

Napatingin ako sakanya dahil alam ko na ako yung kinuhanan nya ng picture.

"Wow! masterpeice! Maganda ka parin kahit na umiiyak ka ah."

Status: Single But Married [Unedited♥]Место, где живут истории. Откройте их для себя