'12

604 28 13
                                    

'12

'Today marks a year after Flight 0613 tragedy"

"Bwo?!" Gulat na tanong ni Jera Unnie kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Kahit saan wala?" Lumapit sa kanya si EunSoo Unnie para tanungin  kung anong nangyayari pero hindi nya ito agad pinansin at ipinangpatuloy ang pakikipag-usap sa telepono. Baka may konting problema lang na kaya namang solusyunan agad kaya ibinalik ko yung earphones sa tenga ko at humiga sa gitnang practice room. Wala kaming schedule ngayon sa mga music shows pero hindi rin namin free day kaya heto at maghapon kaming nagpapractice.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka dinama ang kanta na tumutugtog sa cellphone ko. Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula ng magcomeback kami at ang debut stage ko bilang bagong miyembro. Marami pa rin ang ayaw sa akin pero kahit papaano ay meron na rin namang nagkakagusto. Nung isang araw ay may nagbigay sa akin ng love letter galing sa isang fanboy at hindi ko alam ang irereact ko kaya si EunSoo Unnie pa ang nag-abot sa natulala ako. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kapag naaalala ko yung pangyayari na iyon.

"Nawawala raw si Taehyung" agad kong inalis ang earphones sa tenga ko bago tumakbo palabas ng practice room ng marinig ko ang sinabi ni Jera Unnie. Bigla akong kinabahan sa di malaman na dahilan habang natakbo sa hallway ng building namin. Agad kong pinuntahan ang Studio 4 na paboritong tambayan ni Taehyung kapag wala syang ginagawa pero wala sya doon.

Idinial ko ang number nya pero walang nasagot. San ba pwedeng makita si Taehyung? Saan ko ba sya madalas makita o makasalubong?

Ng maka-isip ako ng sagot ay agad akong tumakbo papuntang Rooftop, halos lahat ng madaan kong tao ay naghahanap din sa kanya at nag-aalala. Rinig kong tinawag ako ni Hoseok Oppa pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Ng marating ko ang pinto ng Rooftop ay nagdadasal ako sa isip ko sana nandito sya. Na sana nasa rooftop lang sya ang natutulog o nakatingin sa kawalan. Na sana tama ako na nandito sya. Sinalubong ako ng malakas na hangin pagbukas ko ng pinto. Halos mapa-upo ako sa sobrang pagod dahil sa pag-akyat pero walang Kim Taehyung ang nasa Rooftop.

"Janna!" Naramdaman kong may tumawag sa pangalan ko kasunod nun ay ang paglapit sa akin ni Hoseok Oppa kasama si Suga Sunbae.

"Saan kaya nagpunta si Taehyung?" Inalalayan akong tumayo ni Hoseok Oppa habang naghanap naman sa paligid si Suga Sunbae pero wala talaga sya dito.

"Ano bang pumasok sa isip nun at umalis ng di nagpapa-alam?!" Inis na sabi ni Suga Sunbae habang naghahabol ng hininga.

"Yoora" napatingin sa sila akin ng sabihin ako ang pangalan na iyon. Naalala ko na may nabasa akong article kaninang umaga tungkol sa trahedya na nangyari noong isang taon.

"Aissh Kim Taehyung!" Sigaw ni Suga Sunbae bago bumaba. Napatingin ako kay Hoseok Oppa, may alam kaya syang lugar na pwedeng puntahan ni Taehyung na may kinalaman kay Yoora?

"Hoseok Oppa, bukod sa sementeryo may alam kapa bang lugar na pwedeng puntahan ni Taehyung?" Napa-isip naman si Hoseok Oppa dahil sa itinanong ko.

"Mahilig sila ni Yoora na magpunta sa Amusement park na malapit sa dati naming building---- yah Janna!"  Hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Hoseok Oppa, agad akong bumaba ng rooftop at sumakay ng taxi papunta sa sinasabi nyang amusement park. Pagkababa ko ng taxi ay nakareceive ako ng tawag mula kay NamJoon Oppa na wala si Taehyung sa sementeryo kung saan nakahimlay si Yoora.

"Where are you Taehyung" bulong ko habang naghahanap sa mga rides  amusement na madalas nilang puntahan ni Yoora dati.

Matapos ang dalawang oras, nalibot ko na ang buong amusement park at wala rin akong nakitang Kim Taehyung. Nagsisimula ng dumilim at mas dumadami yung tao sa amusement park kaya napagpasyahan kong umalis na doon at sa ibang lugar maghanap.

Napa-upo ako sa isang bench at muli kong tinawagan ang number nya pero wala pa ring nasagot. Halos lahat ata ng pwede nyang puntahan ay napuntahan ko na pero hindi pa rin sya nakikita. "Pabo,where are you" pinunasan ko ang mga luha kong nagsipatakan na dahil sa pag-aalala sa kung nasaan na ba si Taehyung.

'Ganda ng wallpaper mo, saan yan?"

"Wallpaper?" Bigla kong naalala yung wallpaper ni Taehyung sa cellphone nya na view ng Seoul kapag gabi, pero saan ang lugar na iyon?

***
"Taehyung-ah!" Sigaw ko habang naglalakad papalapit sa kanya na nakatayo sa tabi ng isang puno habang nakatingin sa kabuuan ng Seoul. Mukhang hindi nya ako narinig dahil hindi sya sumagot o tumingin man lang.

"Naneun neol chajassda Taehyung-ah." Dagdag ko pa habang nakahawak sa balikat nya pero agad nya iyong inalis na ikinagulat ko. 'I've found you, Taehyung-ah'

"Ka!" malamig na sabi nya sa akin.
"Nae apeseo kkeojyeo!"  Sigaw nya habang matalim ang tingin sa akin. 'Go away! Get out of my sight.'

"Taehyung, nag-aala na silang lahat sayo" sabi ko sa kanya pero hindi pa rin nagbabago ang tingin nya sa akin. Nakakatakot ang mga mata nya pero malungkot ang mga iyon.

"Naneun sanggwan eobsda!" Sigaw nya ulit at itinulak pa ako kaya napa-upo ako. Hinarap naman nya yung puno at sinimulang pagsusuntukin iyon. "Yoora, dasi oseyo" paulit-ulit nyang sinasabi ang mga salitang iyan habang naiyak. 'I don't care!' ' Yoora, please comeback'

Hanggang ngayon ay wala akong alam kung anong relasyon nila at kung anong nangyari bago ako dumating dahil ang alam ko lang ay si Jungkook ang boyfriend ni Yoora kaya bakit nagkakaganito si Taehyung?

"Waeyo?! Waegure Taehyung!" Sigaw ko sa kanya kaya napatigil sya at humarap sa akin. Sumasakit ang dibdib ko ngayon dahil sa nakikita ko pero hindi ko rin naiintindihan ang nararamdaman ko. Sino ba si Yoora sa kanya? Sino ba si Choi Yoora sa buhay ni Kim Taehyung? 'Why? Why are like this Taehyung?!'

"Sino ba si Yoora sa buhay mo?" Mahinang tanong ko sa kanya pero sapat lang iyon para marinig nya. Inangat ko ng konti ang ulo ko at nagtama ang mga paningin namin. Kung kanina ay galit ang mga mata nya ngayon naman ay wala na itong emosyon.

Pero, handa nga ba akong malaman kung sino si Yoora sa buhay ni Taehyung?

----------------
Konichiwa!

Kinain na po ng Anime ang author ng story na ito, pagpasensyahan nyo na po.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Other SideWhere stories live. Discover now