'7

1K 68 25
                                    

'7

"Janna Sunbae" napalingon ako sa likuran ko matapos kong marinig na may tunawag sa pangalan ko. Nakita ko si Hyunji at agad naman syang nagbow sa akin at ngumiti naman ako.

"Ne?" Tanong ko sa kanya at nakatingin lang sya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil doon kaya tinawag ko ang pangalan nya at mukhang nagulat pa sya.

"Gwenchanayo?" Napansin kong namumula ang pisingi nya kaya agad ko syang nilapitan at tinignan kung may lagnat ba sya pero maayos naman ang temperature ng katawan nya.

"Ah ne, mianhe sunbae. Ah pinapatawag nga po pala kayo ni Suga Sunbaenim, nasa studio po sya ngayon" sabi nya sa akin tapos nagpaalam na sya. Nung dumaan sya sa gilid ko ay mahina nyang sinampal ang sarili nya sabay sabing "Umayos ka Hyunji, kinausap ka lang ni Suga Sunbaenim arraseo?"

Napangiti na lang ako, crush nya nga pala si Suga Sunbae kaya ganon. Hinayaan ko na lang sya at nagpunta ako sa studio kung nasaan si Suga sunbaenim ngayon. Pagdating ko sa tapat ng pinto ng studio ay bigla akong kinabahan, bakit kaya ako pinatawag ni Sunbae?

Kumatok ako ng ilang beses tapos pinapasok nya ako sa loob, sya lang yung tao sa loob at kasalukuyang tumutugtog yung isang composition nya. Pinaupo nya ako sa isang malapit na upuan, inilibot ko yung tingin ko sa loob ng studio nya. Typical na studio lang naman, may mga musical instruments at gamit pangrecording pati mga music sheets pwera sa isang divider na puro na Kumamon stuff toys ang nakalagay.

Napalingon ako sa kanya ng biglang mawala yung tugtog at may kinuha syang ilang pirasong papel mula sa isang drawer nya at inilapag iyon sa lamesa nya bago sya umupo sa tapat ko.

"Geugeos-eul norae" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, anong kakantahin ko?. *Sing it*

"Neh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya and he look at me using a bored face. Inilapit nya sa akin yung papel na nakapatong sa mesa nya kaya napatingin ako doon.

"Ikaw ang gumawa nyang di ba? Kantahin mo" sabi nya. Kinuha ko yung papel at napansin kong ito pa rin yung papel na ibinigay ko sa kanya noong isang araw na pinunit nya, ang pagkakaiba nga lang ay ang daming corrections at pinagdikit yung mga papel gamit ang scoth tape.

Napatingin ako kay Sunbae dahil doon, nakatingin sya sa akin na para bang naiinip na sya. Inayos ko yung pagkakaupo ko saka sinimulang kantahin yung kanta na inayos nya.

"Jungji" sabi nya nung kakantahin ko na yung bridge kaya tumigil ako at tumingin sa kanya. Kinuha nya yung papel mula sa akin at sinulata nya iyon, pagkabalik nung papel sa akin ay may nakalagay ng 혀미 (Hyemi) sa unang verse. *Stop*

"Ballad to di ba? Masyadong mataas ang boses mo para sa simula ng kanta, mas bagay yung boses ni Hyemi dyan" sabi sa akin ni Sunbae at tumango ako. Pinakanta nya ulit sa akin yung mga sumunod at isa-isa nyang nilagyan ng mga pangalan naming apat.

"Hindi pa din final to, baka kapag nagrecord na kayo ay magbago dahil matagal ko ng hindi naririnig kumanta ng ballad sila Hyemi pero sa ngayon sa tingin ko tama lang sa boses mo yung mga parts na ibinigay ko sayo. Sa susunod try mong magrap, bagay din sa boses mo" paliwanag ni Suga Sunbae pagkatapos ng ginawa namin. Nakinig naman ako sa kanya ng mabuti at tinandaan ko yung nga payo nya sa akin.

"May iba ka pa bang gustong ilagay na effects sa background ng kanta?" Wag mong sabihing si Sunbae din ang magpoproduce ng kantang to?

"Ne?" Takang tanong ko.

"I mean may idadag ka pa ba sa background ng kanta bukod sa tugtog ng gitara?" Saglit akong napaisip pero umiling din ako.

"Wala na po, mas maganda siguro kung gitara lang" sagot ko at tumango naman sya.

"Jeongmalyo? Pakisabi kila Jera na start na ng recording ng album nyo bukas. Studio 2 arraseo?"

Tumayo ako at nagbow sa kanya "Kamsahamida Suga Sunbaenim" ang saya ko ngayon, ang dami kong natutunan kay Sunbae, maayos na rin yung Title track namin at magrerecord na din kami bukas.

"Aniyo, kay Taehyung ka magpasalamat kung hindi lang ako kukulitin nun ulit hanggang sa pagtulog hindi ko gagawin yan" napatahimik naman ako sa sinabi nya. So tinotoo ni Taehyung yung sinabi nya na ipapaayos nya kay Suga Sunbaenim yung kanta?

"Jinjja? Arraseo, pero salamat pa rin po sa tulong nyo" sabi ko sabay bow ulit sa kanya. Kinuha ko yung papel na iyon at aalis na sana ako ng bigla nya akong tawagin.

"Ah Janna-shhi"

"Ne sunbae?" May kinuha syang papel mula sa isang folder at iniabot iyon sa akin. Kahit nagtataka ay lumapit ako sa kanya at kinuha iyon. Isang composition na ginawa ni Sunbae.

"Dapat isasama yan sa susunod naming album pero nireject ni PD-nim kaya ibibigay ko na lang sa inyo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya, isang kanta na mula kay Suga Sunbaenim ang isasama sa album namin?

"Jeongmalyo sunbae? Ah kamsahamnida!" Its a great honor na kantahin ang mga kanta na ginawa ni Suga Sunbaenim. Sinimulan kong basahin yung kanta at ang ganda ng meaning lalo na yung rap part!

"Mianheyo" napatigil ako aa pagbabasa ng marinig ko yung sinabi ni Sunbae, napatingin ako sa kanya at inayo nya yung pagkakalagay ng sumbrero sa ulo nya.

"Mianhe sa ginawa ko nung isang araw" dagdag nya.

"Gwenchanayo Sunbae! I don't mind"

Masaya akong lumabas ng studio ni Suga sunbaenim habang hawak-hawak yung dalawang papel kung saan nakasulat yung mga kanta na isasama sa album namin. Excited na ako pero ramdam ko pa din yung kaba lalo na kapag naiisip ko yung mga fans ni Yoora. Alam kong nakalat na ngayon sa SNS yung mga espekulasyon na magcocomeback na ang Empress pero hindi pa rin alam ng mga fans nila na may bagong miyembro o mas magandang sabihin na pinalitan na si Yoora.

Nawala ang mga ngiti ko ng maisip ko ang mga bagay na iyon, yung mga tanong sa isip ko ay nagsisimula na namang dumami.

"Yah!" Narinig kong may nagsalita at sunod ko na lang na naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig at pagsakit ng ulo ko.

"Gwenchanayo?" Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko syang naka-alalay sa akin at mukhang nag-aalala.

Fuck this migraines.

-----------------
Hello!

Lame UD for everyone 😂😂😂 sorry T_T

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon