'3

1.3K 79 24
                                    

'3

Paglingon ko sa hallway ay wala akong nakitang tao kaya agad akong tumakbo para makalabas ng building namin.

Pagkalabas ko ay naglakad-lakad ako habang pinagmamasdan ang mga nakikita ko sa daanan. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa lugar na ito, sa lugar kung saan ipinanganak at lumaki si Mom.

Hindi naman nalalayo sa mga nakikita ko sa pictures at videos sa internet pero iba pa rin pala talaga kapag nandito ka na.

Wala ng gaanong tao dahil gabi na pero marami pa ring bukas na tindahan. Pagtawid ko ng kalsada ay may nakita akong isang ramen shop kaya agad akong pumasok doon at kumain ng may pumasok na dalawang lalaki na parehong nakajacket ng itim.

Napatigil ako sa pagkain ng tumabi sila sa akin, isa sa kanan at isa sa kaliwa at nasanggi nung isa yung balikat ko. Napatingin ako sa kanya at ganun din ang ginawa nya sa akin sabay ngisi sa akin kaya umurong ako para mapalayo sa kanya pero mas lumapit sya sa akin.

"Eolmana?" Tanong nya sa akin at naamoy kong amoy alak sya. *How much?*

"Bwo?" Hindi ko gaanong naintindihan yung sinabi nya.

"Halusbam eul eolma?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Bastos tong lalaking to ah! Tatayo na sana ako ng may pumigil sa akin gamit ang paghawak sa mga balikat ko at idinikit nya pa ang mukha nya sa pisngi ko kaya nakaramdam na ako ng kaba at tumayo na ang mga balahibo ko. *How much is it for one night?*

Nagpumiglas ako pero mas diniinan lang nya yung pagkakahawak nya sa balikat ko. "What the heck! What do you want!" Sigaw ko sa kanila kahit na may idea na ako kung anong gusto nila. Nag-usap sila in korean pero hindi ko gaanong maintindihan dahil iba na ang boses nila dahil sa kalasingan.

Napadasal na lang ako dahil sa ko namang hindi ko sila kayang dalawa. Maya-maya ay nawala yung pagkakahawak sa balikat ko at may tumulak sa kanya sabay hila sa akin papalapit sa kanya.

 Maya-maya ay nawala yung pagkakahawak sa balikat ko at may tumulak sa kanya sabay hila sa akin papalapit sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakita kong sinamaan nya ng tingin yung mga lalaki kanina at humigpit yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Yah! Amin yang babaeng yan! Humanap ka ng iyo!" Sigaw nito sa kanya at hinawakan ng isa pang lalaki yung kamay ko at sinubukan nya akong hilahin pabalik sa kanila pero pinigilan na sya ng lalaking may hawak sa kanang kamay ko.

"Nae Yojaya" seryosong pagkakasabi nito sabay alis sa kamay nung lalaking may hawak sa isang kamay ko at hinila na ako paalis sa lugar na iyon. "She's Mine"

Pagkalabas na pagkalabas namin ng lugar na iyon ay naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya "Ppalli ttwieo" "Run Faster"

Hindi pa nagsisink in sa isip ko yung sinabi nya nga bigla sya tumakbo ng mabilis habang hila-hila ako kaya tumakbo na din ako. Narinig ko pang may tumatawag sa amin at paglingon ko sa likod ay hinahabol na kami nung dalawang lalaki kanina na may gustong gawin na masama sa akin.

Ramdam ko na ang sakit ng mga paa ko dahil kanina pa kami natakbo pero wala kaming malusutan at nakasunod pa rin sa amin yung dalawang lalaki. Maya-maya ay may nakita kaming isang maliit na eskinita at pumasok kami doon.

Nung malampasan na kami ng mga humahabol sa amin ay bigla nya inalis ang pagkkaahawak nya sa kamay ko kaya medyo napahagis ako at natumba. "Anong ginagawa mo don?" Sigaw nya sa akin at galit na galit ang mukha nya. Si Taehyung! Tumayo ako mula sa pagkakatumba at pinagpag yung damit ko.

"Alam mo bang hindi lang simpleng ramen shop yun!" Dagdag nya pa kaya kumunot ang noo ko.

"Aniyo! Ok na? Hindi ko alam kung ano bang klaseng ramen shop yun!" Sigaw ko pabalik sa kanya at tinignan nya ako ng masama. Malay ko bang ibang klaseng ramen shop yun, hello! First time ko kaya sa Korea!

Sumandal sya sa pader at napapikit. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakasandal sya doon.

 Nakatingin lang ako sa kanya habang nakasandal sya doon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Jib-ega!" Utos nya sa akin habang nakapikit pa rin. *Go Home!*

"Bwo? Andwae! Ngayon pa lang--" napatigil ako sa sasabihin ko ng bigla syang tumingin sa akin at tinalikuran na  ako sabay lakad na paalis.

"Arraseo! Bahala ka kapag bumalik yung mga iyon" sabi nya sabay kaway pa sa akin. Napalingon naman ako sa paligid ko at nagmasid na baka nandyan pa sila.

"Yah!" Natatakot na sigaw ko sa kanya at tumigil naman sya sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sya. Maya-maya ay may narinig kaming mga pamilyar na boses at nagulat na lang ako ng bigla syang lumapit ulit sa akin at hawakan ulit ang kamay ko saka ako hinila para maglakad.

Hindi ko alam kung anong meron pero napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Ang init ng nga palad nya, masarap sa pakiramdam.

Pagdating namin sa building ay hindi sya dumiretso sa elevator kaya sumunod ako sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at dahil nasa likod nya ako ay nauntog ako sa likod nya.

"Bwo? Wala na yung mga lalaki, dun ka na!" Pagtataboy nya sa akin. Medyo madilim na sa building namin dahil madaling araw nya kaya konti na lang yung ilaw na nakabukas. Isa pa, hindi ko pa alam yung pasikot-sikot sa building na to.

"Ehh, hindi ko pa alam dito eh!" Asik ko sa kanya pero inirapan nya lang ako tapoa nagpatuloy na sya sa paglalakad kaya sumunod ako sa kanya.

Paakyat na kami ng hagdan ng muli akong napatigil ng bigla sya tumigil sa paglalakad ay humarap sa akin sabay sabi ng "Ano yun" tapos may itinuro sya sa bandang likuran ko. Nilingon ko iyon at "Boo!" Sabi nya kaya nagulat ako at muntik pang mahulog sa hagdan buti na lang at nakahawak ako ng mabuti sa railings.

"Taehyung!" Tawag ko sa pangalan nya at inis na tumingin sa kanya, ngumisi naman sya sa akin at naglakad na ulit paakyat. Ang weird talaga ng mga tao dito, nakakatakot.

----

Hehehehehe.

Baliw na ata ako XD.

The Other SideWhere stories live. Discover now